Chapter 1

5K 115 37
                                    


Chapter 1

"Liza?!" Sigaw ni manang Nita sa labas ng kwarto ko "Nak, gising na. Male-late ka na"

I groaned and buried my face in my pillow. After what happened at the party, I don't want to go to school anymore. Paano pag nakita ko siya sa school? Paano pag nagkasalubong kami?

Oh my God! Wala na akong mukhang ihaharap pa sa kanya. Since the night I saw him in the bathroom, I couldn't erase the scene in my head. Paulit-ulit pa iyong nagre-replay kahit gusto ko na iyong tanggalin sa isipan ko.

"Liza?!" Kumatok ulit si manang Nita sa pintuan ng kwarto ko

Tinatamad akong bumangon at nagpakawala ng mabigat na hininga "Gising na po!" Sagot ko kay manang Nita

Bumuntong hininga ako at naglakad papunta sa banyo para makaligo na. Habang naliligo ako ay pumapasok na naman sa isip ko ang nakita ko sa banyo. Kailan ko ba makakalimutan yon?!

Mabilis akong nag-ayos at sinuot ang uniform ko. Tsaka ako bumaba nang masigurado kong nasa loob na ng bag ko ang lahat ng kailangan ko para sa araw na ito.

"Go eat your breakfast, anak" sabi ni mommy nang makasalubong ko siya "Aalis na kami ng daddy mo"

Humalik ako sa pisngi niya at pati kay daddy "Okay, mommy. Bye, dad"

"Be good today" my dad said and pressed a kiss on my forehead

Ngumuso ako. Parang hindi naman ako nagpapakabait. Ang bait-bait ko kaya.

Nang makapasok ako sa dining room ay naabutan ko ang pinsan kong si Chienna na kumakain. Her name is Chienna, but we call her Enna. Siya ang nagpumilit sa amin na pumunta sa party ni Dylan dahil magkaibigan sila at matalik din niyang kaibigan si Ana na fiance ni Dylan.

Eight years old lang siya noong kinupkop nila mommy si Enna. Anak siya ng panganay na kapatid ni daddy. Binigay siya ng mga DSWD kay daddy dahil ayaw siyang kukupin ni Tito Raul, siya ang pangalawa sa kanilang tatlo, si daddy ang bunso.

Her parents were on their way home when they got into a car accident. They were both dead on arrival. I saw how she mourned for her parents. Sobrang naawa ako sa kanya noon kaya naman I shared everything I have with her. I treated her as my real sister tutal wala naman akong kapatid na babae. Dalawang taon ang tanda sa akin ni Enna. May kuya ako, si kuya James, but we have a huge age gap. Ten years ang tanda niya sa akin kaya minsan hindi kami magkasundo. Sobrang istrikto niya sa akin. Overprotective.

"Good morning!" I smiled at her

She smiled back "Good morning"

"Oh, heto na ang paborito mong Italian sausage" Manang Nita said in a singsong manner

God! I cringed when I saw the sausage. Hindi na nga ako kumakain ng kahit na anong pahaba. Simula noong gabing 'yon hindi na ako kumain ng sausage o hotdog dahil naiimagine ko 'yong ano niya. I can't put that in my mouth! Kadiri! Yuck!

Kumuha ako ng bread, egg, ham, at bacon. Kumuha din ako ng fruits pagkatapos ay nagsimula na akong kumain.

"Ayaw mo nito?" Tanong ni Enna sabay kagat sa Italian sausage

It took me a lot of self control not to gag. Gusto kong kumain ng sausage, pero hindi ko kayang kumain nun na hindi naiisip 'yong nakita ko sa banyo.

"No" I shook my head and scrunched up my nose

"Why?" Her voice filled with curiosity "It's your favorite"

"I know, but" I sighed "I want to-"

"Mga bata bilisan niyo diyan at malelate na kayo. Kanina pa kayo hinihintay ni Erning sa labas" ani manang Nita

Mabilis naming inubos ang agahan namin at tsaka lumabas na ng bahay, ngunit wala naman si Mang Erning sa kotse.

Hold OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon