Chapter 3I didn't care if he doesn't know that I exist. I was contented of loving him in silence. I was contented of admiring him from afar. I was used to guys chasing me, so I told myself that if he doesn't know that I exist, then I can't do anything about it.
As the days go by, the more I kept my feelings, the more I fell in love with him. Every night, I wonder how it would feel like to be loved by the person I love.
"Wow! Cupcakes!" Enna said cheerfully
Kukuha sana siya ng isa, pero mabilis kong tinampal ang kamay niya.
"Hindi yan para sayo"
"Ang damot naman neto. Isa lang eh" simangot niya "Para kanino ba yan?"
"For my new friend" I smiled
"New friend?" She asked in a confused tone
"Yeah. Marvin is my new friend?" I smiled from ear to ear
"Hoy! Elizabeth Hope nanaginip ka na naman ah" saway niya sa akin
I rolled my eyes "I'm not dreaming. Totoo kaya yun. Kanina nga lang yun nangyari eh"
"Paano nangyari yun eh, mapili yun sa mga kakaibiganin niya" nalilito niyang tanong
"I used my charm" I smirked "You know, no one can resist my charm"
"Yabang!" ngumiwi siya "Ang lakas ng hangin"
Umirap ako sa hangin at bumalik sa paglalagay ng icing. Sana talaga magustuhan 'to ni Marvin. Ito ang unang pagkakataon na nag effort at nag bake ako para sa isang lalaki.
"So, paano nga kayo naging magkaibigan?" Pangungulit ni Enna
Kwinento ko sa kanya ang ginawa ko at nakatingin lang siya sa akin parang hindi makapaniwala. Hindi ko naman kasi gawain ang mangulit at humanol ng lalaki. Alam ng mga pinsan ko na kung ayaw sakin ng isang tao, hindi ko ipagpipilitan ang sarili ko. Kaya nga ngayon lang ako lumapit kay Marvin dahil dati kuntento na ako hanggang tingin lang.
"Alam mo baliw ka talaga" naiiling na sabi sa akin ni Enna "Pero seryoso sa kanilang apat, si Marvin ang pinakaseryoso, he's a no nonsense kind of guy. Sila Thunder, Dylan, at Axel ang sobrang magkakalapit ang ugali. Sila yung mga chickboy, playful, pero sweet. Yung tipong ipagtatanggol ka talaga pag may nambastos sayo kaya masarap silang maging kaibigan kasi ituturing ka talaga nilang parang totoong kapatid"
"E di ba magkaibigan din naman sila Thunder at Angie? Parang magkapatid ba ang turingan nila? Akala ko ba may gusto si Angie kay Thunder?"
"Yon na nga" bumontong hininga siya at kumuha ng cupcake pagkatapos ay mabilis na kinagatan iyon "Si Angie gusto niya si Thunder, pero si Thunder ang tingin niya kay Angie parang kapatid lang. Ilang beses na namin siyang pinagsabihan, pero ayon habol pa rin ng habol."
Kumuha na din ako ng cupcake para matikman kung masarap ba 'yon. Kinakabahan kasi ako kanina habang gumagawa. Gusto kong sarapan 'tong cupcake para naman maimpress siya sa akin.
"Kaya ikaw huwag ka masyadong umasa kasi masasaktan ka lang pag hindi ka niya nagustuhan. Ngayon na magkaibigan na kayo wag kang bigay ng bigay, magtira ka din para sa sarili mo para pag dumating yung panahon na malaman mong hindi ka pala niya gusto, hindi ka masyadong masasaktan." Payo niya
"Eh bakit si Ana tsaka Dylan? Kahit magkaibigan sila, naging sila pa rin. Engaged na nga sila, di ba?" Pagrarason ko.
"Syempre iba yung sakanila. Hindi pa sila magkaibigan gusto na siya ni Dylan. Si Ana naman, mahabang istorya yung part niya, pero overall mutual yung feelings nila. Alam mo kasi hindi magiging maganda ang daloy ng isang bagay kung hindi balance. Gaya ng one-sided love. Kung ikaw lang ang nagmamahal, hindi magwo-work yung relasyon. O kaya walang madedevelop na relasyon kasi simula pa lang ikaw lang yung nagmamahal, ikaw lang yung may gusto. At sa huli, ikaw yung masasaktan. Kaya nga sinasabihan na kita ngayon pa lang na huwag mong ibigay lahat. Magtira ka para sa sarili mo kasi mahirap yang ganyan." Seryoso niyang saad
BINABASA MO ANG
Hold On
General FictionElizabeth Hope Marquez is willing to give up everything just to have a taste of Marvin Alfaro's love and attention. She loves him more than anything in this world, more than herself. Wala siyang hindi kayang gawin para sa taong mahal niya. Kahit na...