Chapter 4
Nasa loob ako ng aking closet at magulo na ang mga damit ko. Kanina pa ako pumipili ng susuoting damit, pero wala akong mapili. Napabuntong hininga ako nang makita ang mga nagkalat na damit at hanger sa sahig.
Pupunta ngayong gabi ang mga kaibigan ni Enna dito sa bahay at ibig sabihin nun ay kasama doon sa mga pupunta dito si Marvin. Gusto kong maging maganda sa paningin niya. Gusto kong magmukhang presentable sa harap niya. Gusto kong tumapat sa level of maturity nila. Ayokong ituring niya akong bata.
May narinig akong sunod-sunod na katok mula sa pintuan ko. Narinig ko din ang pagbukas at pagsara nun.
"Liza?" Tawag sa akin ni Enna
"Yep?" Sigaw ko "In here!"
Bumukas ang closet door ko at nakita kong nakapambahay lang siya "What the hell happened here?" Gulat niyang tanong
"I don't know what to wear" I whined
Mas lalo akong napasimangot nang tinawanan niya ako. Anong nakakatawa sa sitwasyon ko? Bukod sa parang binagyo ang loob ng closet ko, hindi pa ako nakakapag-ayos. Thirty minutes na lang at nandito na sila.
"What?" Suplada kong tanong sa kanya
"Ano ka ba?!" Umirap siya "Maga-attend ka ba ng event para kailangan mong pumili ng damit?"
Tumayo ako at hinarap siya "Pupunta dito si Marvin. Anong isusuot ko?" Lumabi ako
"Wala!" Tumawa siya pero agad ding tumigil ng narealize niya kung ano ang sinabi
"Wala akong isusuot? Gusto mong humarap ako sa kanya na hubad?!" sinakyan ko ang sinabi niya
Hinampas niya ang aking braso "Baliw!"
"Eh ano nga?" Simangot ko "Tulungan mo ko. Dali!"
"Simpleng pambahay lang, okay na" aniya at pinulot ang isang simpleng t-shirt at shorts sa sahig "Gaya nito. Pwede na to"
"That's too plain" I said
She took a deep breath and sat on my storage bench "Have you heard the saying 'Don't dress for men, dress for yourself.' You're putting so much effort when you don't have to. You're already beautiful the way you are. If Marvin can't see that, then it's his lost."
"I just..." I sighed and sat next to her "I just want to impress him. Gusto ko lang naman na mapansin niya ako"
"Well let me tell you this" hinarap niya ako "In order to get a man's attention, is not through getting his attention intentionally. Let him see you with his own eyes. Let him notice you by not pushing yourself into him, but because you're the girl that can grab his attention effortlessly."
"But what if I'm not that kind of girl that can grab his attention without doing anything?" I asked
"Then he's not worth it. He's stupid and blind to not notice how beautiful you are" she said and pushed a strand of hair behind my ear.
Hindi ako nagsalita. Kung hindi niya ako mapapansin, hindi ba ibig sabihin ay gumawa dapat ako ng paraan para mapansin niya ako?
Tama ba si Enna? Dapat hindi ako ang gumawa ng paraan para mapansin ako ng taong gusto ko? Dapat hayaan at hinatayin ko na lang na mapansin niya ako?
Paano kung hinihintay niya pala akong mag-approach tapos hihintayin ko din siya, edi naghihintayan lang kami. Hindi ba mas maganda yung may mag-effort sa aming dalawa? At wala akong pakialam kung ako ang dapat gumawa ng effort. Basta ang importante lumevel up kung ano man ang meron sa amin.

BINABASA MO ANG
Hold On
General FictionElizabeth Hope Marquez is willing to give up everything just to have a taste of Marvin Alfaro's love and attention. She loves him more than anything in this world, more than herself. Wala siyang hindi kayang gawin para sa taong mahal niya. Kahit na...