Chapter 2: #ENTRY SONG

27 1 0
                                    


Nasa kuwarto na ngayon si Keith at nagpapahinga. Kakatapos lang ng meeting nila para sa songwriting competition. Pero heto siya ngayon at iba ang iniisip habang nakatingin sa kisame.

Hindi kasi mawala-wala sa isip niya ang nangyari 3 years ago kung saan naging magkalaban sila ni Jade.

Nang matapos ang contest at innanounce na siya ang nanalo pumunta agad siya noon sa dressing room para tawagan ang papa niya, at ipaalam dito ang pagkapanalo niya.

Akala niya iko-congratulate siya nito pero iba ang narinig niya sa kabilang linya.

David: Ilang ulit ko bang sinabi sa'yo Keith na wag kang sumali sa contest na yan. Hindi ka na nga sumunod sa utos ko, pinanalo mo pa!

Wala pa rin siyang imik at nagpatuloy pa rin sa pakikinig dito.

David: Kapag lumabas ang balita na may anak ako sa labas masisira ang pangalan ko, hindi mo ba naisip yon'? Kaya kung pwede huwag mong tatanggapin ang recording contract na'yan.

Nang hindi na siya nakatiis sa galit dahil sa mga narinig ay sinagot na niya ito.

Keith: Huwag kayong mag-alala papa, hindi nila malalaman na anak ako ng nag-iisang David Alcantara.

Kahit anong pilit nilang pagpapaamin sa'kin hindi ko sasabihing anak niyo ko, yon' ba ang gusto niyong marinig mula sa'kin ha?

Gagawin ko kahit ano maprotektahan lang yang ipinagmamalaki niyong pangalan.
Pero hindi niyo ko mapipigilan sa pangarap kong maging recording artist, pagalit niyang sabi sa ama at tinapos na ang usapan nila.

Lumabas na siya ng dressing room nang makita naman niya si Jade sa hallway at binati siya.

Naalala pa niya ang sinagot niya dito na talagang pinagsisihan niya noong araw na'yon at kahit hanggang ngayon.

"Umaasa ka ba talaga kanina na ikaw ang mananalo? Halata naman na ako ang tatawagin ng emcee. Better luck next time na lang", sabi pa niya kay Jade noon.

Nagalit siya sa sarili kung bakit binunton niya kay Jade ang galit niya sa ama.

Binalikan niya si Jade non' para sana magsorry pero nakaalis na pala ito at wala man lang siyang contact sa dalaga.

This Song Is For YouWhere stories live. Discover now