Limang araw na ang dumaan mula nang sagotin ni Jade si Keith. Hindi na rin niya pinatagal ang pagsagot sa binata dahil naisip niyang don' din naman papunta ang relasyon nila.Nalalapit na rin ang music festival kaya to do practice na silang dalawa ngayon sa pagperfect ng kanta na pinamagatan nilang "Ambon".
Practice time...
Ako'y nakatayo sa lilim ng
iyong yakap at halik
ngunit nalulunod pa rin
At nangangarap na
maanggihan man lang
ng pagibig mong binihag ng
mga ulap.Paano ba patitilain
ang bagyo
Kung ang gusto mo lang
ay ambon...Sinenyasan ni Keith si Jade na itigil muna nila ang pagpractice para makapagpahinga muna sila.
Keith: Gusto mo ba nang tubig Jade? Ito oh..., saka inabot ang tubig sa dalaga.
Jade: Thanks, saka kinuha na rin ang dala ni Keith.
Napansin ni Keith na tinitignan siya ni Jade habang umiinom ito ng tubig.
Keith: Bakit tinitignan mo mukha ko, may dumi ba?
Jade: Wala naman. Naisip ko lang pa'no kaya kung hindi kita sinagot noh?
Keith: Eh malamang kawawa ka..
Jade: At bakit naman aber?
Keith: Eh pinakawalan mo ba naman ang katulad kong ubod ng gwapo.
Jade: Che...ang sabihin mo ubod ng yabang...
Nagpatuloy pa ang kuwentuhan nila ni Keith. Pero nag-iba ang ekspresyon nito ng mapunta ang usapan nila sa ama nito.
Jade: Keith...Sorry sa tanong ko ha...
Pero wala na ba talaga kayong pag-asa na magbati ng papa mo?
Sa tingin ko naman eh naghahanap siya ng paraan na makapag-ayos kayo.
YOU ARE READING
This Song Is For You
Short StoryGagawing lahat ni Jade para manalo sa kompetisyong sinalihan. Dahil kasama non' ang pangarap na gusto niyang matupad. Pero pa'no niya magagawa yon' kung ang tanging natitirang paraan para manalo ay humingi ng tulong sa dating kaaway na si Keith. Ano...