The Ruthless Bastard
@MyJaff~
TITIG na titig si Ylyn sa napakalawak na lupain ni Hellion. Nasa may parteng Laguna lamang sila pero hindi niya maiwasang mamangha, hindi niya alam na may ganito pa lang lugar sa Laguna. Nakatago nga lang pero tanaw na tanaw mo iyong napakalinis na falls na napapalibutan ng berdeng mga halaman. Tingin niya ay talagang alagang alaga ang lugar na ito. Pagpasok pa nga lang nila sa malaking tarangkahan kanina ay hindi na niya maiwasang mamangha sa lawak ng lupain ng hudyo! God! Gaano ba talaga kayaman ang mga Fame?! Tingin niya kasi ay hindi pa ito ang yaman ni Hellion.
Huminto ang sasakyan. Halos mapanganga si Ylyn nang makita kung ano ang nasa harapan nila. It's not a freaking mansion! It's a fucking palace! Tangina! Kinabog pa nito iyong ETHQ! Alam niya kung gaano iyon kaganda pero ito! Puta! Mapapamura ka sa ganda.
“Damn! T-totoong b-bang p-palasyo ito?!” halos magkandautal na si Ylyn dahil sa pagkabigla.“Yeah.” Hellion shrugged. “I made this palace for my Queen.”
May pait sa boses nito sa huling sinabi. Gusto pa sanang magtanong ni Ylyn tungkol sa Reyna nito pero lumabas na ang binata sa sasakyan. Alam naman niyang hindi siya nito pagbubuksan kaya lumabas na rin siya.
Nalulula talaga siya. Hindi makapaniwala si Ylyn na may ganitong parte sa Pilipinas. Well, ang ETHQ nga, isang napakalaking palasyo rin ito pa kayang kay Hellion. She wonders kung may ganito rin si Aiszel mukhang mas mayaman pa kasi si Hellion sa inaakala niya.
“Let's go inside.” anyaya sa kanya ni Hellion.
Kahit na nabibigla pa siya sa nangyayari ay nakakuha rin siya ng lakas ng loob para sumunod sa binata.
Pagkapasok na pagkapasok pa lang nila ay sinalubong na sila ng nakahilerang mga tagapagsilbi nang palasyong iyon. Maging ang loob, hindi mo maiiwasang mamangha. Halang mamahalin ang lahat ng materyales na ginamit rito. Hindi pa nga nakawala sa matang lawin niyang mga mata ang mga dyamanteng dekorasyon sa dingding ng Palasyo. Goodness! Magnanakaw si Ylyn kaya alam niyang tunay na mga diamonds iyon! Alam niyo ba kung gaano iyon kamahal? Tapos pinangde-decorate lang ni Hellion sa dingding! Damn! What a waste!
Huminto ang kanyang mga mata sa napakalaking larawan sa dulo ng pasilyo. Kamukhang kamukha iyon ni Hellion, parang babaeng version ni Hell.
“Who is she?” Matanong talaga si Ylyn kaya hindi niya maiwasang gulohin ang binata. “Kamukha mo siya.”
Maybe that's his mother. Alam niya kasing anak lang ni Demon sa labas si Hellion.
“Yeah, she's my mother.” Walang buhay na sagot ni Hellion. “Come, ipapakita ko sayo ang silid mo.”
Hindi pa rin siya nakakibo. Ang alam niya ay patay na ang ina ni Hellion, tragic ang pagkamatay nito. Well, she did her research, bago pa man niya pasukin ang ETHQ noon, may mga bagay na siyang alam tungkol kay Hellion.
BINABASA MO ANG
The Ruthless Bastard
General FictionDAVIS HELLION FAME's STORY EVIL TORTURERS SECOND GENERATION @MyJaff