Chapter 7 - Just like that

6K 187 25
                                    

The Ruthless Bastard
MyJaffStories©2017

~

ANONG nangyari?! Ganoon kabilis ang mga naging pangyayari, ang tanging natatandaan lamang ni Ylyn ay ang pagsugod ng mga torturers sa teritoryo ni Hellion; ang pagpatay sa peke nitong ina at ang pagbaril sa kanya ng kung sino. Ang buong akala ni Ylyn ay iyon na ang tatapos sa kanyang buhay pero heto siya ngayon, humihinga.

Di pa yata siya tapos sa mga paghihirap niya dahil hindi pa siya namamatay pero hindi rin naman niya gugustohing mamatay hangga't hindi pa siya nakakalaya sa kamay ni M1.

Mariin siyang pumikit bago dumilat muli ng mga mata para bumalik ang dating linaw niyon. Medyo nahihilo pa rin siya dahil sa mga pangyayari. Ang amoy kaagad ng Hospital ang bumungad sa kanya.

“Where am I?”

“Ramirez Hospital.” Malamig na sagot ni Hellon na nakaupo pala sa sofa sa loob ng silid na iyon habang nagbabasa ng kung ano. “Good thing that you wake up.”

Hindi siya sumagot dahil nakikiramdam siya sa reaksyon nito, mukhang tapos na ang lahat ng paghihirap ng binata base sa itsura nito pero may kung anong lungkot pa rin sa mga mata nito.

Dahil ba muling nakita ni Hellion ang babaeng mahal nito at napatunayan nitong wala itong ginagawang masama? Pero hindi pa rin ito kayang tanggapin?

Minsan, hindi maiwasan ni Ylyn na hindi maawa sa binata. Napaka dedicated nito kay Helen Aiszel at pansin niya lang, masyadong maraming nagmamahal sa babaeng iyon kaya mas lalo siyang nainis.

“Pwede mo na akong iwan, wala na akong pakinabang sayo, Mr. Fame.” Aniya sa binata.

Tiniklop naman nito ang librong hawak hawak bago lumingon ng tuluyan sa kanya. “Why do you think so?” Malamig na tanong nito bago tumayo at lumapit sa pinto. “You didn't leave me before that's why I'm returning the favor to you,” Naramdaman niya ang pag click ng doorknob. “As of now, you're the only person I trusts, Ylyn Alfaro.” Anito bago tuluyang lumabas ng silid.

Awang ang labi ni Ylyn at tila hirap na maiproseso sa kanyang utak ang mga katagang binitiwan ni Hellion. Totoo ba ang mga narinig niya at hindi siya pinaglalaruan ng kanyang tinig o ano? Hindi niya maintindihan kung bakit ang lakas lakas ng kabog ng dibdib niya.

Dahil ba iyon sa tuwa?! Goodness! Ito na iyong matagal nang gusto ni M1, ang makuha niya ang loob ni Hellion at walang habas na paikutin. Ito na iyong isang hakbang para makuha niya ang sariling kalayaan pero bakit parang hindi siya masaya? Bakit parang nasasaktansi Ylyn para kay Hellion?

Pati ba siya ay napalapit na sa binata?

God! Please help her, naguguluhan na siya.

“It's good to see that you're still alive, Jade.”

Laking gulat niya sa panibagong boses na iyon. Kilalang kilala niya iyon, it was M1! And he's wearing a doctor's gown and mask. Fuck! Hanggang ngayon at hirap pa ring pakiramdaman ang mga yabag nito at prisensya.

“W-what are you doing here?”

“He's still keeping you? He trusts you now?” Maligayang maligaya ang boses nito.

Napalunok si Ylyn, parang may kung ano nang bumara sa kanyang lalamunan.

“O-oo.”

“Good to hear that,” Anito. “I'm here to give you a gift.” May inabot ito sa kanyang isang bote ng mga tableta. “Put that in his drinks or his foods, that's a poison that can slowly kill his immune system, hindi matatapos ang taon na ito na humihinga pa si Davis Hellion.”

The Ruthless BastardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon