"hoy, akira! i-unblock mo na kasi ako!" sigaw ni keiro habang nakasilip sa bintana ng room namin.
inilagay ko yung mga gamit ko sa bag at lumabas na ng room. nilampasan ko si keiro na nakaabang sa may pintuan.
hindi ko siya nilingon kahit na tawag siya ng tawag sa pangalan ko.mamalat siya kakasigaw diyan! beastmode pa rin ako sa kanya, no.
"huy, bes! di ka ba naaawa kay kuya? kanina ka pa kaya nun hinihintay." ani kiyo na nililingon lingon si keiro.
"tss. lakompake."
nagulat ako ng may biglang humila sa wrist ko at dinala ako sa men's restroom. agad naman akong napatakip ng mata ko.
i heard keiro chuckled. "painosente ka pa eh. atsaka wala namang tao."
sinamaan ko lang siya ng tingin bago pumunta sa may pinto. pero pakshet, nakalock!
"wala ka nang kawala."
"ugh! ano ba, keiro! di na ko natutuwa ah! open this damn door." utos ko.
"not until you unblock me." he crossed his arms.
nagtitigan kaming dalawa hanggang sa ako na ang umiwas ng tingin. naiilang ako, puta.
i sighed bago inilahad ang palad ko. "phone."
kinuha niya yung phone niya sa bulsa at ibinigay sa akin. wow, siya na naka iphone 7.
binuksan ko yung account ko gamit yung messenger niya. nang maunblock ko na siya ay naglog out na rin ako agad. sinigurado ko munang di nakasave yung account ko bago ibinalik sa kanya yung phone.
"oh ayan na. alis na ko, bye." akma na kong maglalakad papunta sa pinto ng hawakan niya nanaman yung wrist ko.
"bakit mo ba ko binlock? dahil ba sa nalaman ko na crush mo si kairo? diba sinabi ko naman sayo na di ko naman yun ipagsasabi."
magsasalita na sana ako ng biglang bumukas yung pinakahuling cubicle.
"crush mo ko, akira?"
SHEEEEET!!
SI KAIRO!!!!!!!!
"tangna, ambaho." tinakpan ni keiro yung ilong at bibig niya.
napahawak ako sa braso ni keiro ng makaramdam ako ng hilo hanggang sa unti unting dumilim ang lahat.