042

11 1 0
                                    

bumahing ako. na nasundan ng isa. at ng isa pa.

"ano ba kasing pumasok sa isip mo at nagpaulan ka?" inabutan ako ni kaiya ng tissue. "and don't even try to deny it, girl. i saw it with my two beautiful eyes. magkayakap kayo ni keiro sa ulan."

"siya yung yumakap sa akin," depensa ko. "hindi ko nga alam kung bakit niya ginawa yun."

"girl, di ko alam kung nagtatanga-tangahan ka lang or tanga ka lang talaga."

"ang sakit mo naman magsalita."

"truth hurts," she said matter of factly. "wag ka ngang manhid. gusto ka nung tao, girl!"

"imposible," bulong ko. hindi ko alam pero lumakas yung tibok ng puso ko sa sinabi niya.

"buksan mo nga yang mga mata mo. hindi ko alam kung bulag ka ba o nagbubulag-bulagan," tumayo siya at lumabas ng kwarto.

inabot ko yung phone ko na nasa side table. i was hoping there's a message from kairo but to my dismay, wala. ganun ba siya kabusy to the point na kahit isang message ay hindi niya magawa?

i opened my facebook app. ang unang bumungad sa news feed ko ay ang status ni keiro. it was posted five minutes ago.

Keiro Lei Miller
fuck headaches. fuck colds.

May sakit din siya... hindi ko alam pero nagsimula akong mag-alala. Nakainom na kaya siya ng gamot? May nag-aalaga kaya sa kanya?

I was about to message him nang matigilan ako. No. This is wrong. Why am I acting like this?

Tinitigan ko ang pangalan niya sa screen hanggang sa mapalitan ang active now ng one minute ago.

my best friend's brother Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon