"congrats, anak!" umiiyak na niyakap ako ni mama.
hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na graduate nako. it felt so surreal. i'm finally engineer akira cassidy collins.
"ma, natupad ko na yung promise ko sayo. engineer nako." i was crying too, crying because of too much happiness.
"i'm so proud of you, anak. and i'm sure proud din sayo ang papa mo," mom caressed my cheek. "kahit na hindi siya makakapunta sa graduation mo ay may iniwan naman siyang regalo na tiyak na magugustuhan mo."
"si papa talaga oo," napailing na lamang ako. "sana sinabi niyo na hindi na siya dapat nag-abala pa. medyo gipit pa naman tayo ngayon. edi sana pinangkain na lang natin yun."
natawa si mama. "baka pag nakita mo yung regalo ng papa mo, kainin mo yang sinasabi mo."
"bakit? ano ba yung regalo ni papa?"
"SUPRISE!"
napahawak ako sa dibdib ko sa gulat.
"hi bes!"
my eyes widened. "k-kiyo?" si kiyo ba talaga 'tong nasa harapan ko? hindi ba ko nananaginip?
"grabe, ilang taon lang tayo hindi nagkita nakalimutan mo na agad ang byutipul peys ko? kagigil ka bes ha."
naiiyak na natatawa ako ngayon. para kong baliw.
"bruha ka! ikaw pa talaga may ganang umiyak! ikaw nga 'tong umalis nang walang pasabi! tara nga dito ng makurot kita sa singit!" niyakap niya ako.
"sorry kiyo... sorry..." paulit ulit kong sabi.
"'to talaga! napaka iyakin mo talaga forever! tahan na! ano ka ba, okay lang yun. lagi naman akong iniiwan eh, charot! ang mahalaga is nagkita na tayo ulit. kaya don't cry na! masisira ang make up!"
natawa ako bago humiwalay sa yakap. pinunasan ko iyong pisngi ko.
"TITAAAA! OKAY NA PO BA?" sigaw ni kiyo.
kumunot iyong noo ko. anong okay na?
mas lalong kumunot iyong noo ko ng may nilabas si kiyo na kulay pulang panyo.
"bessy, may isa pa kaming suprise for you. hihihihi! promise you're going to love this but first, i need to blindfold you okay?"
jusko. ano nanaman ba 'to?
ipiniring niya na sa akin iyong blindfold.
"ops! dahan dahan! oh! hindi diyan!" rinig kong sigaw ni kiyo habang ginaguide ako to God knows where.
ang hula ko ay sa backyard kami papunta. narinig ko kasi yung pagbukas ng sliding door, eh yung pinto lang naman papuntang backyard ang sliding door sa bahay.
napahawak ako kay kiyo ng muntik na kong madapa. jusko!
hindi ko alam pero may naririnig akong nagviviolin. siguro yung kapitbahay lang namin, nagpapractice.