napairap na lang ako ng mag-active one minute ago si keiro. kainis! bahala siya dyan!
aalis na sana ako nang may tricycle na dumating. pagkakita ko sa bumaba, si keiro. naka-tshirt na puti at shorts na pambahay.
agad akong nag-iwas ng tingin. bakit ba ko naiilang?
"aba! ikaw ba yan, akira? babaeng-babae ka ngayon ah. yan ba ang epekto sayo ng kapatid ko?"
"uuwi na ko."
"teka! sandali lang!" hinawakan niya ko sa braso. "sayang naman yang dress mo. ang ganda mo pa naman."
"a-ano?" hindi ko narinig yung huling sinabi niya. mamaya nilalait na pala ako nito! "ulitin mo yung sinabi mo."
"wala! tara na kako."
"saan tayo pupunta? uuwi na lang ako!" pigil ko sa kanya.
"magdedate," nanlaki parehas yung mata namin sa sinabi niya. "mali! hindi... ano."
natawa na lang ako. "saan ba tayo?"
nagugutom na rin kasi ako. wala naman ding pagkain sa bahay.
"seryoso ka ba?"
"bakit? ayaw mo ba? kung ayaw mo, uuwi na lang ako."
"joke lang! 'to naman. di mabiro. tara, kina aling tere tayo."
pumara siya ng tricycle. inalalayan niya pa ako papasok dahil nakadress daw ako. parang tanga.
"kumakain ka naman siguro ng street foods?" tanong niya.
tumango ako. "paborito kaya namin ni kiyo yan. lalo na yung isaw."
"aling tere, anim na stick nga po ng isaw," sabi niya sa ale na nag-iihaw.
"ililibre mo ba ko?" siniko ko siya.
"luh. hindi ah. akin lahat yun."
napapout na lang ako. akala ko naman!
natawa siya at inabot sa akin yung tatlong stick. "joke lang! oh. umorder ka pa kung gusto mo."
parang bata ko namang kinuha sa kanya yung isaw. pakiramdam ko naghugis puso yung mata ko. i've been craving for these!
"salamat nga pala dito, keiro." puno ang bibig kong sabi.
"isipin mo na lang na si kairo yung kasama mo ngayon," tawa niya.
bigla naman akong nalungkot. miss na miss ko na si kairo! halos isang linggo na rin kasi simula nung huli naming kita, tapos saglit lang yun. sobrang busy niya kasi sa company nila. ang balita ko kasi, magreretiro na yung dad nila kaya sinasanay na si kairo.
"a-ayos ka lang ba?" napansin siguro ni keiro na medyo nawala ako sa mood.
tumango ako. "salamat talaga, keiro."
ngumiti lang siya. "kain ka pa."
pauwi na kami nang biglang bumuhos ang ulan. buti na lang at may dalang payong si keiro.
i flinched when keiro's hand touched my skin. tube dress kasi 'tong suot ko kaya exposed ang shoulders ko.
"wag mo lagyan ng malisya. nababasa ka kasi," paliwanag niya.
sa tangkad kasi nitong kasama ko ay hindi talaga kami magkakasya sa maliit na payong niya. mukha ngang kay kiyo pa yung payong dahil pink na polka dots ang design.
"salamat sa libre at paghatid," sabi ko nang nasa tapat na kami ng bahay. "sigurado ka bang hindi ka na papasok sa loob?"
umiling siya.
"sige, pasok na ko. salamat ulit. ingat sa pag-uwi," ngiti ko at akmang tatalikod na.
"akira, wait."
nilingon ko siya. nagulat ako sa sunod niyang ginawa.
niyakap niya ako.
"k-keiro..." bulong ko.
"just let me do this. please..." nakabaon ang ulo niya sa balikat ko.
hindi ko alam kung dahil ba sa ulan kaya basa ang balikat ko o dahil sa mga luha ni keiro.