13

10 0 0
                                    


Gian's Point of View

Nandito kami ngayon nila lewis sa mall dahil bigla nalang silang nagyaya.May plano din kaming bumili ng mga gamit namin na dadalhin sa resort.Kaysa naman daw tumunganga lang kami eh magbakasyon nalang daw kami hehe.Sumang ayon ako di dahil gusto ko.Ayoko lang talaga muna makita si papa.

Masakit pa ang ulo ko at inaantok pa pero sumama padin ako.

"Uy tingnan niyo yun oh!"turo ni dave samin sa di kalayuan.Hindi ko ito masyadong masilayan kaya hindi ko sila makilala."Hindi ba si pareng ulap yun?"sabi naman ni jett.Tsk kanina lang napakaseryoso niya ngayon bumabalik nanaman sa dating anyo psh!

     -Flashback

Pagkapasok ko sa sala namin ay nakapatay na ang mga ilaw kaya tulog na siguro sila mama.Si papa naman nasa business trip at uuwi na mamayang gabi kaya naiinis ako.Nang aakyat na sana ako pataas ay biglang may nagsalita sa likuran ko tsk.

"Ganto naba oras umuuwi ang mga matitinong babae gian?"sabi niya habang hawak hawak padin ang dyaryo na binabasa niya.

"As if you care jett"sabi ko at inirapan ito.Umayos ito ng upo at ibinaba ang hawak niyang dyaryo.

"Aba syempre kapatid kita ulol!kahut naman ganito ako kagrabe sayo mang asar may pake pa din naman ako sayo kahit konti lang...1% hehe"sigaw niya sakin.Tsk.

"Ok?goodmornight baby bro"sabi ko sakanya at aakyat na ulit sana ng magsalita ulit ito.

"Dahil nanaman ba sa g*gong manlolokong lalakeng  yon kaya inumaga ka na ng uwi?kaya ba umiiyak ka nanaman ngayon ha!"madiin na sabi niya sakin.Hinarap ko ito pero hindi ako nagsalita.

"Huwag mo siyang murahin jett dahil sa una palang...ako ang nanloko at hindi siya!"madiin na sabi ko din sakanya.

"Ouch!masakit ba gian?kung nasasaktan kana bitawan mona!hindi siya sayo at hindi ka na sakanya!wala ng kayo gian kaya huwag ka ng magpaka desperada sakanya!"

"Wala kang karapatan para husgahan ang pagmamahal ko sakanya jett...pag inulit mopa ito...baka makalimutan kong kapatid kita"naiiyak na bulong ko.

"Tsk!kapatid kita gian!ako dapat ang unang taong nagtatanggol sayo pero wala akong magawa...kaya please gian...layuan mo na siya..."umiwas ako ng tingin dahil narinig ko itong umiiyak.Si jett kahit minsan nagkakaaway kami at hindi nagkakaintindihan...mahal ko pa din siya at kaya kong gawin at gagawin ko ang lahat wag lang siyang makitang naghihirap ng ganyan.

"...kung hindi ako papatay sakanya!Mark my words... big sis" napatingin ako sakanya pero ngumisi lang ito at umakyat na.Hindi...hindi niya pwedeng gawin kay cloud yon.Kilala ko si jett gagawin niya lahat ng gusto niya.Kaya niyang pumatay ng kahit na sino basta masunod lang ang kagustuhan niya..

Ayokong maulit muli ang nangyari dati sakanya...

      -End of Flashback

"Oo nga no tara puntahan natin siya"pag aaya ni caleb.Wala lang ba sakanila ang nangyare kagabi?Wala nakaming nagawa at pumunta sa kinaroroonan...nila.

"Uyy dave anong ginagawa niyo dito?"bungad ni cloud samin ng makalapit sakanya.Nakatingin lang ako sa babaeng kasama niya.Maganda ito kahit kailan talaga marunong pumili si cloud.Hayss!bakit parang may tumutusok sa dibdib ko?lalo na't magkahawak kamay pa sila.

"A-ah eh naglilibot lang pareng ulap hehe kayo bat kayo nandito?"nabubulol na tanong ni dave sakanya.

"Ah si Diane nga pala,pi---"hindi natuloy ni cloud ang sinasabi niya ng sumingit tong babaeng to.

How Can I Fall? [EDITING]Where stories live. Discover now