15

10 0 0
                                    


Dave's Point of View

"Gian!"kanina pa ako sigaw ng sigaw dito sa may pinto ng kwarto ni gian pero walang sumasagot.Ano nanaman kaya ang ginawa ng babaeng to?porket wala na si pareng ula--huhuhu naalala ko nanaman siya baka kasi multuhin ako kaya ayoko siyang isipin hehe."Isa gian!pag di mo to binuksan sisirain ko to!"sigaw ko ulit.Pinapatawag kasi  siya sakin ni leklek dahil magsisimula na daw ang mass tapos pagkatapos ng mass ililibing na siya este si pareng ulap duhhh edi sasama ako kapag siya ang namatay hehe jokeeee!!!mahal ko buhay ko no pero mas mahal ko siya...kaso wala atang pag asa e.

"Gian!!!nandiyan kaba?kanina pa ako dito oh!mahal ang oras ko kaya kung wala ka diyan sabihin mo hindi yung pinaghihintay mo ko dito sa labas aba sayang naman ang kagwapuhan ko kung maghihintay lang diba?baka hindi nako mahalin ni alek pa---oh hi gian!hehe"napatayo ako ng maayos ng bumukas bigla ang pinto dahilan para mahulog ako sa sahig dahil nakasandal ako sa pinto niya.Lagi nalang ba ang sahig ang sasalo sakin kapag nahulog ako?huhu mashakit sa feelings!

"What?!"iritang tanong sakin ni gian tapos pumasok ulit.Malay ko bang naliligo pala siya?bat ko alam?syempre alam ko kaya nasabi ko diba?masasabi ko ba sainyo kung di ko alam?hayy naku po mygash!buti nalang talaga may natitirang matalino at syempre gwapo at isa ako dun mapagbigay naman ako hehe.

"A-ah ehh hinahanap kana dun ni p-pareng ulap"nanlaki ang mata nito at kumunot ang noo.May nasabi bakong mali?huhu ayaw ko fa mamatey.

"Ow shete walo siyam!mali!ibig ko sabihin h-hinahanap kana pala nila a-alek kasi daw mags-simula na ang mass at i-ikaw nalang ang h-hinihintay"pagpapaliwanag ko ng maayos kahit parang nakatali ang dila ko at nabubulol pa.Huminga ito ng malalim at nasuot ng sapatos.Suot niya yung black na vneck ni pareng ulap siguro nagtataka kayo kung bakit alam ko?syempre alam ko hindi ko naman masasabi kung hindi ko alam diba?hehe gusto niyong malaman yung kasunod?basahin niyo yung sa taas.

"Gian ayos ka lang ba?bakit parang namumula ka?may sakit ka ba?alam mo namang ayaw ni pareng ulap na ganyan ka, kumain kana ba?ayo--"

"I-im alright basta...magdrive ka nalang ayoko munang makipagusap"tanging yan lang ang sinabi niya at parang malalim pa sa hukay na paglilibingan ni pareng ulap ang iniisip niya.Alam kong gwapo ako kaya dapat di niya na ko iniisp diba?

Bumaba na kami sa kotse ko at naglakad na papasok sa chapel hindi ito kalayuan dahil ayaw nila lewis dahil ayaw na daw nilang mahirapan si gian.Buong burol ni pareng ulap walang tigil na umiiyak si gian.Magtatatlong linggo na tong umiiyak pero wala lang saknya yon.Buti nga kumakain na siya ngayon eh.Si tita carmella hindi man naisipan umuwi dito...kinontact namin siya pero laging busy ang number niya.Sila ate zhen naman umuwi nung isang araw kasama yung asawa niya pati si chase.

"Bat ang tagal niyo santos?"tanong sakin ni alek pagkaupo ko sa tabi niya.Tiningnan ko lamang ito pero hindi sinagot.Ano ba ako sakanya?Isang hamak na taga sunod sunuran niya.Napatingin naman ako sa tabi niya at nakita ko nanaman ang mukha ng aswang bwisit!di naman siya kaanak ni pareng ulap ha?ni kakilala nga hindi e.Sa pagkakaalam ko siya si Calvin Montinegro anak siya ng governor sa probinsya pero hindi ko alam kung saan.At sa nakikita ng dalawa kong mata sa harap at isa sa likod...manliligaw siya ni alek.Tsk kala mo naman gwapo?puti lang nagdala tol!

"Hoy kinakausap kita"hindi pa naman nagsisimula ang mass pero kung makapagtanong naman to kung bat ang tagal namin kala mo naman patapos na eh."Not now alex"madiin na sabi ko sakanya at tumingin sa ibang direksyon.Huminga lang ito ng malalim at nakipagusap ulit kay tukmol!aba't talagang di niya ako kukulitin kung bakit?!bahala siya manigas siya diyan!

"Kala mo naman gwapo mukha namang tukmol"bulong ko pero narinig ata ito ni alex kasi napatingin siya sakin.Anong pake ko kung marinig niya?inirapan ako nito at nakipagdaldalan ulit.

How Can I Fall? [EDITING]Where stories live. Discover now