20

13 0 0
                                    


Gian's Point of View

"Haha!I'm not cloud, Miss Louise.Nyijel.Prince.Nyijel.soon.to.be.King.Nyijel.haha"may pagkadiin ang pagkasabi nito na lalo kong ikinainis.Wth?!Pinunasan ko ang mga luha ko at nagsimula ng magmaneho papunta sa bahay.Agad naman kaming pinagbuksan ni manang ng gate kaya bumaba na ako pagakapark ng kotse ko.

"Nyi--Prince Nyijel nandito na ho tayo maaari na po kayong bumaba"may pag kasarkastikong sabi ko dito.Ibinaba niya ang bintana at tiningnan ako tapos yung paligid.Huwag mong sabihin ayaw mo pa dito?aba napakaselan mo naman!?sabagay hari e..

"May galit ka ba sakin Miss?"tanong nito pero hindi nakatingin sakin.Tsk.Wow!just wow!pagkatapos mo kong pagsalitaan ng mga ganong masasakitna salita tapos tatanungin mo ko kung galit ba ako?!of course, yes!!!"Ay wala po mahal na prinsipe bat naman po ako magagalit sa isang prinsipe na katulad niyo?...isang matapobreng prinsipe"napangisi ako ng binulong ko yung bandang huli at siguradong hindi niya nadinig.Aw, kawawa naman haha.

"Ano yung sa huli Miss?"tanong nito habang nakakunot ang noo.Napakangiti ako ng makita ang reaksyon niya."Wala PO mahal na prinsipe,ay oo nga PO pala!hindi PO tayo magkaibigan mahal na prinsipe kaya di PO dapat tayo naguusap"nakangiting sabi ko sakaniya at pumasok na sa loob.Nakakawalang gana.Bumalik siya...pero ibang iba na..

Nathalie's Point of View

"Kainis talaga siya!may kasalanan pa siya sakin pero hindi man niya naalala yung mallshow ko!"pamproprotesta ko dito sa condo ko kasama sila manager."Baka busy lang siya gillian, wag ka masyadong nega ha?"sabi sakin ni kuya paul habang kinakain yung jollibee ko.Akin yun eh!

"Nathalie, tama si kuya paul mo atsaka ano sayo kung pupunta siya doon sa mallshow mo?eh wala ka ngang pake sakanya e"pagkampi pa ni ate rhea kay kuya paul.Oo nga no?anong pake ko kung pupunta siya?wala lang siya sakin no!

"Pero kahit na!naiinis pa rin ako sakanya dahil ayaw niya akong pauwiin!ano yon?papalayasin na naman niya ako?ok lang naman kung ako lang huwag niya lang idadamay si hawk, baka...makalimutan ko ulit na nanay ko siya.tsk."tumayo na ako at pumasok sa kwarto ko at nilock ang pinto.Naririnig ko pa silang kumakatok sa pinto pero hindi ko ito sinagot.Ewan ko!bigla ko nalang ulit naalala yung mga yon.Kaimbyerna yon...bakit ba ayaw niya akong pauwiin?pagod ako oh!wala man lang siyang concern!ay wait!concern?haha.Lintek na concern na yan?!kailan paba nauso yan?haha.

Tiningnan ko ang phone ko sa side table ko ng magvibrate ito.

[Sleepwell...]

Napaayos ako ng upo ng mabasa ko iyon.Siya nanaman?lagi nalang siyang nagmemessage sakin.Kapag tinatanong ko naman kung sino siya lagi niyang sagot 'soon baby, soon' yan,laging ganyan!kaimbyerna talag oh.Ibabalik ko na ulit sana ito ng may tumatawag.Sino bang pesteng tatawag ng ala una ng madaling araw?!bwiset!

"Sino to?pwede ba magpatulog ka naman?!pagod na ko oh!"sabi ko dito at humiga.Inaantok na talaga ako di ko na kaya pang magpuyatttt!!

[Haha chill lang, babe]mabilis pa ako sa alas kwatro at hindi namalayan na nakaupo na pala ako ngayon.Tiningnan ko ang Caller I.D. at nakita kong siya nga.

"Hehe anong kailangan mo...brix?"mahinahong tanong ko dito kahit na gustong gusto ko ng sumabog sa inis ngayon.Pero dahil sakanya nawala lahat ng inis ko hehe.

[Punta kang lobby, nandito ako]binaba ko ang phone at dali daling lumabas para puntahan siya.Hihi, excited na ako.Pagbaba ko ng elevator ay agad kong inikot ang paningin ko at hinanap siya and...spotted!nandun siya sa loob ng coffee shop dito at may kasama pa..

How Can I Fall? [EDITING]Where stories live. Discover now