23

12 0 0
                                    

Nathalie's Point of View

"Wahhh!!!"nagpagulong gulong ulit ako sa kama dahilan para mahulog ako."Arouchi ko pu"pagiinda ko ng sakit dahil napalakas ang pagbagsak ko.Huhu.Leche kasi kinikilig pa rin ako hanggang ngayon tapos excited pa ko para bukas hihi.

Kinikilig ako kasi naalala ko nanaman yung nakipagshakehands sakin si Prince Nyijel hihi. 1 week na din simula nung nangyari yon pero kinikilig pa rin ako yiieeee!!pero nakakalungkot kasi di ko na siya nakita simula last week perooooo!...masaya ulit ako dahil makikita ko ulit siya bukas hehe.

May Fieldtrip kasi kami sa VidaCrown bukas at ang masaya pa 5 days kami dun hehe. Sabi nila maganda dun hihi tapos magiistay kami sa Crown Hotel. Ang kokey nga ng pangalan ng country nila VidaCrown parang ice cream lang hehe.

Pinayagan ako ni daddy pero si gian ahmm wala nakong pake dahil napayagan na ko hihi. Balita ko din na nakauwi na yung prinsipe at prinsesa sa bansa nila. Impostora yung prinsesa na yun ah!di ko pa siya nakikita pero naririnig ko siya sa balita, tsk. Mas maganda naman ako kaysa dun panigurado.

Nagayos na ako ng higa at naghanda ng matulog dahil maaga pa kong aasa este gigising bukas hehe baka maiwan ako ng eroplano.

***

"G-gill!wake up!"nalingat ako dahil sa umaalog sakin.Sino namang hampaslupang mang gigising ng ganto ka aga ha?"B-buti nagising kapa?"blankong ekspresyon na sabi niya at umupo sa kama ko.Haytt!bakit ba ang aga niya mang gising ngayon?

"Bakit ka ba nanggigising eh ang aga aga pa kuya!pashneyney ka!"bulyaw ko sakanya at humiga ulit."F-field trip ngayon. 3:00 na at 3:30 a-ang alis"agad akong napabalikwas sa hinihigaan ko kaya nahulog ulit ako sa kama pero hindi ko na pinansin yon at tumakbo na sa loob ng cr.Yieee kaya pala bihis na bihis siya ha?tapos ang aga pa niyang nagising. Excited din ba siya?hehe baka crush niya yung prinsesa kaya excited siya.Sige lang kuya ipagpatuloy mo lang yan para sakin na ang prinsipe hihi. Pero sure ako di nanaman siya natulog, leche siya!

Agad na akong lumabas sa cr at pumasok sa closet ko at naghanap ng maisusuot.Haytt!ano bang magandang isuot?magdress kaya ako?kaso malamig naman doon ngayon eh!kumuha nalang ako ng white t-shirt atsaka black skinny jeans tapos nag black high cut na converse ako. Isinuot ko na din yung white kong hoodie tas sa likod niya merong nakalagay na 'gillian'. Hindi na ko nag make up dahil maganda nako tsk.

"A-akala ko nakatulog ka u-ulit"sabi niya at lumabas na sa kwarto ko.Hindi ko nalang siya pinansin at kinuha ang gamit ko at lumabas na rin. Buti naman sasama siya ngayon diba? Napilit siguro ng mga dabarkads niya kaya sumama hehe o kaya gusto niya din makita ang prinsesa.Galing mo talaga nathalie hehe.

Bumaba na ako at lalabas na sana ng napatingin ako sa orasan...anak ng poste!"Tani!!!sabi mo alas tres na!?leche ka!alas dos palang peste ka!"sigaw ko sakanya at sinundan siya sa kusina.Grrr.Iniinis niya ang kagandahan ko ha!

Tinadyakan ko ito pero sinamaan niya lang ako ng tingin wews!kahit di ko talaga nakikita yang mga mata niya natatakot parin ako hehe. Lumakad ulit siya at umupo sa upuan, syempre. Kumuha din ako ng makakain ko at sinabayan siya. Peste siya sayang yung beauty rest ko ha!11 napamandin ako nakatulog kanina leche talaga 3 hours lang tulog ko! Sabagay di ka pa ba nasanay nathalie?tsk.

"Ang aga niyo ha?"napatigil ako sa pagkain ko at sumandal sa upuan ko.Tsk, kahit di ko tignan kilala ko na siya. Siya ang panira sa buhay ko!"Saan punta niyo?"tanong niya atsaka tumingin sakin pero dk ko siya sinagot.

"May fieldtrip sila"napatingin naman ako kay daddy na naglalakad papunta samin.Humalik ako sa pisnge niya at bumalik din sa upuan ko."Fieldtrip?saan?bakit di ko alam?ha"curious na tanong niya kaya napairap ako.

How Can I Fall? [EDITING]Where stories live. Discover now