Chapter 3 (3rd Fantasy)

7 2 0
                                    

I am here infront of the library. Mula kanina nung inexcuse ako ni Matthew hanggang ngayon ay lutang parin ako. Pinaprocess pa ng utak ko. Okay? Hanggang ngayon kasi di pa rin ako makapaniwala. Katabi ko ang lalaking gusto ko. Matagal ko ng inaasam na mangyari at eto na nga. Dream come true.


"Halika pasok na tayo!" he said at pumasok na nga kami sa loob ng library. May kalakihan ito dahil kadalasan ay dito nagpupunta ang mga estudyante.

Pinaliwanag niya sakin ang mga dapat gawin. Marami kasing bagong libro ang binili ng school para sa mga estudyante ngayong taon. Every year ay laging maraming bagong libro.


Napagdesisyunan naming hatiin ang gawain. I will arrange the English Books and Filipino Books are assigned to him. I decided na medyo malayo sa kanya para di ako madistract. Aba! Ikaw kaya gumawa malapit sa crush mo? At isa pa baka mamaya umatake ang pagka-clumsy ko. Nakakahiya lang kung sakali man.


"Heaven sigurado kang diyan ka gagawa?" tanong niya sakin. Naku! Wag kang ganyan baka mamaya magbago ang isip ko. Gusto niya bang sa tabi niya ko gumawa? Assuming ka na Viena! Stop it!

"Ahh. Oo gusto kasi yung tahimik. Pero di ko sinasabi na maingay ka ha. Hehehe" I said smiling wide. Para mas convincing!


"You say so. Sige dun lang ako sa kabila ha! If you need my help just call me." he said at umalis na rin. Ako naman... parang nanghinayang! Ang tanga ko. Dapat pala pumayag na lang ako na tabi kami gumawa. Pero okay na rin yun baka mamaya sa sobrang kaba ko ay kung ano anong katangahan ang gawin ko. But... Kyahh!!



I have two hours to be with him... inside this library.


***

Kanina pa ko frustrated sa taas ng library na 'to ha. Bakit ba kasi kailangan ko pang gumamit ng hagdan para maabot yung pinakataas. Naroon kasi ang section ng English History. Pagkatapos kong pag samasamahin lahat ng magkakasection ay kailangan ko silang ilagay sa mga shelves and unluckily, halos lahat sila ay nasa taas. Gosh! Disadvantage ng malaking library. Kailangan mo pang gumamit hagdan.


Nakakahiya namang abalahin si Matthew. Busy rin siya sa paghahanap ng shelves ng mga libro. Samantalang ako eto last na. I told you, right? Di na ko nadistract napabilis pa ang paggawa ko.




Isa-isa kong hinawi yung mga libro para magkaron ng space para sa librong ilalagay ko pero...


Para kong nastiff...



MAY IPIS! Huwaaaaaa! TT




"Ahhhhhhh!" sa sobrang takot ko sa ipis sumigaw ako ng sobrang lakas. Somebody help me please! Ayoko talaga sa ipis. Huhuhu!



"Heaven okay ka lang?"he said with worried look. Shet! Paglingon ko sa ipis lumalapit siya sakin. No!No!No! And accidentally I step backward...


Tsaka ko lang narealize na nasa hagdan pala ko ngayon...




Pinikit ko ang mata ko. Jusko Lord! Anytime mababalian ako ng buto...





Malalaglag na ko...



Malalaglag na ko....



Then naramdaman ko na lang na nahulog na ko...




Pero hindi sa sahig kung hindi sa katawan ni Matthew...




Teka?! Saan nga ulit?! O_O




SA KATAWAN NI MATTHEW!!

Naramdaman ko siyang umusog palayo sa library...



Then I felt something na tumama sa ulo ko.




My Own Fantasy (On-going)Where stories live. Discover now