Chapter 6 ( Reality)

13 2 2
                                    



Unti-unti kong dinilat ang mga mata ko. Nasan ba ko? Ang ganda na ng panaginip ko e... kaya lang sad pa rin yung ending. Hayyysss.




"Buti naman at gising ka na. Babalikan ka daw ng kaibigan mo mamaya after ng last period niya." sabi nung nurse na kadalasan kong nakikita sa clinic namin. Wait. Anong ginagawa ko dito sa clinic?





"Bakit po ako nasa Clinic?" tanong ko sa nurse matapos umupo ng maayos sa kama.






"Nawalan ka ng malay kaninang lunch niyo." sabi niya habang nag aayos ng mga kit sa kabilang kama. Maya-maya din ay umalis na siya. 3:00 pm na rin pala. Mamayang 4:00 pa ang dismissal namin. Maghihintay pa ko ng isang oras dito. Huhu. Bes nasan ka na?





Pero teka! Nawalan daw ako ng malay kanina...





Loading...





Loading...








"Thank you for the compliments Ms.IlikeyouMatthew"




"OH MY GOSHHHH!! Waaahhhh! NAPANSIN NIYA KO KANINA" sigaw ko tsaka nagpagulong gulong sa kama. Huwaaa. Kinikilig ako. Ang gwapo niya kanina. Pati dun sa panaginip ko ang gwapo din niya.




Naubos lang ang oras ko kakaisip ng mga nangyari kanina pati na rin dun sa panaginip ko. Ang ganda na sana ng dream ko kung hindi lang panira yung dulo. Pero go lang maisulat nga.





Kinuha ko ung notebook ko na di ko pa nasusulatan sa loob ng bag ko, siguro dinala na rin ni Bes yung bag ko dito kanina. Sinulat ko dun lahat ng napaginipan ko kanina. I will make sure na dudugtungan ko 'to.





Nang matapos na ko sa pagsusulat ay nahiga na lang ulit ako. Ang OA naman na nahimatay ako after mapansin ng crush ko. Pero keri lang kinikilig pa rin ako.






"Bes ano na kamusta? May pahimatay himatay ka pang nalalaman kanina ha" Ayan ang bungad niya sakin. Kumukulo na ang tiyan ko dito. Di pa pala ko nag tatanghalian.






"Bes nagugutom na ko." Yun na lang ang nasagot ko sa kanya. Anong oras na kaya tapos di pa ko kumakain. Huhuhu.






"Edi halika na kaya at kumain sa labas. Libre ko bilis tutal nag iimprove naman na ang lovelife mo. Hihihi" Sabi ni Amara. Kahit naman ako kinikilig noh.







Napag desisyunan namin na lumabas na ng clinic. Nagpasalamat lang ako kay Nurse Andi at lumabas na rin kami. Habang palabas ng school gate ay may tumawag sakin.







"Viena wait!" nilingon ko kung sino yun. Si Kyle Gonzales na kaklase ko. Matagal na niya kong nililigawan kahit di naman ako pumayag. Actually, mabait naman siya at matino pero di talaga siya ang gusto ko.





"Bakit?" tanong ko nung nakalapit na siya samin.






"Kamusta? Maayos na ba ang pakiramdam mo? Nahimatay ka daw kanina." he said habang ineexamine ang katawan ko.





"Ayos lang ako noh. Ano ka ba" I said tsaka hinarap yung mukha niya sakin. Napaka caring talaga niya kahit kailan kaya nga di ko alam kung bakit di ko siya magawang gustuhin.





"Suke ka?" tumango lang ako sa kanya.







"Kakain kami sa labas Kyle. Sama ka?" tanong ni Amara. Naku naman. Alam naman niyang medyo umiiwas ako kay Kyle kasi nga ayoko 'tong paasahin. Pero what to do? Ayoko naman siyang diretsuhin kasi masasaktan siya pero ayoko din naman na patagalin pa 'to.







You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 15, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Own Fantasy (On-going)Where stories live. Discover now