After how many decades, sa wakas naisip ko naring ipagpatuloy ang naudlot na pagmamahalan ng isang iced queen at isang playboy...
Bigla ko lang kasi naisip basahin yung kwento from the very start and then naeexcite ako sa kwento nila. XD kaya tadah! New update!
Guys I also have another story. Ongoing rin. Please read also "My Boss is My Fiance" Thanks!****
Viv's POV
Ilang araw nang ganito ang set up namin ni Nyx. Sabay kaming aalis ng school at maghihiwalay nalang sa intersection. Magkaiba kasi ang daanan namin.Kailan at paano nagsimula? Di ko rin alam . basta ang alam ko , nakasanayan ko na.
"So...bye" paalam ko sa kanya. Ngunit bago ako makapaglakad palayo bigla siyang nagsalita.
" want to have an ice cream?"
Humarap ako sa kanya. Nakatingin siya sa mga bituin sa kalangitan saka tumingin sa akin.
" sure" sagot ko. Ayaw ko rin munang umuwi. Magpapalipas muna ako ng init ng ulo. Paano ba naman nagisa nanaman kami ng principal. Tss.
Pumasok kami sa isang convenience store. Dumampot ako ng rocky road flavor ice cream at dumeretso sa counter.
" Talaga sir? Hihi" malanding hagikhik nung cashier.
" Yes of course. Oh vice andito ka na pala, anong pinil--"
" tabi." Ipinatong ko yung ice cream sa counter. Kumuha ako ng bill sa wallet ko at iniabot sa cashier.
" w-wait! I'll pay for it." Nakangiting sabi ni Nyx.
Tinaasan ko siya ng kilay. " sinong kakain? Ikaw? And I have money"
Iniabot ko sa cashier ang bayad ko. Nakabusangot niyang kinuha ito at ngumiti ng pagkatamis tamis sa kasama ko.
Wow ate ano to. Bias lang ang peg. Tss.
" Miss pwedeng kendi nalang sukli ko sa iyo?"
" Bakit tsokolate ba ang binayad ko ? Kalaki-laki ng store niyo wala kayong panukli."
Ako lang ba ang nabubuwisit sa ganito. Kailan pa naging pera ang kendi. Kung nagkataon edi sana wala ng bulok na ngipin diba?
Namumulang nakayuko yung cashier kaya kinuha ko nalamang yung ice cream ko at lumabas.
Nang medyo nakalayo na ako sa store may narinig akong sumisigaw pero di ko pinansin. Eh sa wala ako sa mood .
Mayamaya, may humablot sa kamay ko at hinila ako papasok sa park.
" Now what?" Mataray kong sabi.
Nakatingin lamang siya sa akin na parang ewan kaya nagsimula na akong maglakad.
" Where are you going?"
" palayo sayo. " sabi ko.
"No" hinawakan niya ako sa kamay at pinaupo sa isang bench. Naginit ang ulo ko sa ginawa niyang iyon. Agad akong tumayo at nakipagtitigan sa kanya saka nagtaas ng kilay.
" Sandali nga lang Mr. Lochlain. Sa pagkakatanda ko wala kang karapatan kaladkarin at hawakan ako at higit sa lahat wala ka ni katiting na karapatang utusan ako. Ang kapal ng mukha mo."
Inilapit niya ang mukha niya sa akin at nagsabing
" Happy Birthday"
Labdab labdab labdab
I frozed.
Shit. Totoo na to. Bukas na bukas rin magpapacheck up na talaga ako. Totoong totoo na talaga to.
![](https://img.wattpad.com/cover/43748057-288-k868156.jpg)
BINABASA MO ANG
The Ice Queen's Playboy
Teen FictionShe is the Ice Queen.... He is the Playboy.... what will happen if their hearts collides? Pain... Grudge... Denial... Selfishness... Heartbreaks... Loneliness... Acceptance... Happiness... and ... LOVE <3 When a playful and frozen hearts collide...