ENTRY 6

11 1 0
                                    

Woohlala guys!! Whatever your reactions are just type it in the comment box and click enter. XD
Thanks for reading!!!!

****

NYX's POV

Papalabas ako ng campus ng biglang may lumanding sa harapan kong tao.

" Hey bro" bati sa akin ni Tyrone. Kaklase ko siya sa isang subject. " San ka pupunta? Uuwi agad? Bago yan ah kung nagkataon."

" I'm starving" natatawa kong sagot, " maghahanap ako ng makakain sa labas, cliché na kasi yung mga nasa cafeteria"

" baka ibang makakain yang hinahanap mo, tara sa bar. May bago akong alam. Madaming magaganda at masasarap ng 'pagkain' dun 'tol. "

" Nah. I pass. Totoong pagkain ang hinahanap ko. Maybe next time" Hindi naman sa nagmamayabang pero lagi nila akong iaaya dahil tuwing kasama nila ako, naguumapaw ang mga babaeng darating. Its for their benefit and mine also dahil nga sa libre nila. Masarap kaya ang libre. Ang laki ng tipid ng parents ko dahil sa gwapo nilang anak.

Naalala ko tuloy bigla ang definition ng gwapo ni Vice. Haha. Ibang klase.

" oohhkay. Maybe next time. See ya" paalam ni Tyrone. Yan ang gusto ko minsan kay Tyrone, di nagpipilit. Di tulad ng iba, lalo na ang mga babae. Ah, there's always an exception pala.

****

" Manang padagdag ng limang pisong fish ball saka samahan niyo na rin ng dalawang stick ng tokneneng. At pakitoasted po yung isaw ah."

" Ay naku ikaw talaga Nyx, di mo pa nauubos yang nasa kamay mo dinaragdagan mo pa. " sabi sa akin ni Manang Maring. Suki na ako sa tindahan nila kaya magkakilala na kami.

" Si manang naman. Eh sa nagugutom po talaga ako. Saka siyempre masarap di ko mapigilan. Haha"

" oh sya sya. Libre na itong limang stick mong isaw" nakangiti niyang sabi habang iniaabot ang nagsasarapang isaw.

" Ayos! Kaya masarap dito eh. May libre! Hahaha. Salamat manang"

Matapos kong busugin ang sarili ko , nagpaalam na ako. Time check half an hour past five. Time to go to the Student's Council Office.

Habang pasipol-sipol akong naglalakad pabalik sa school, may mga bisita akong nakita.

" oh three little pig , anong meron?"

Si amahing baboy ang una kong napansin. Nakaplaster ang mga kamay at paa at

" ahahaha!! Anong nangyari jan sa ngipin mo?! Hahaha!! Para ka nang tukmol." Di mapigilan matawa dahil wala yung dalawa niyang ngipin sa harap.

Walang ano-ano'y sinuntok niya ako buti nalang naiharang ko ang mga braso ko bago pa masira ang pinakamagandang creation ng May Likha.

" tol alam kong naglalaway kayong magkaroon ng ganito kagwapong mukha dahil sawa na kayo sa pagmumukha niyo. huwag naman ang mukha ko pero pwedeng pwede kayong humiram sa aso."

" P*ta ka talaga Lochlain. Nawalan ako ng ngipin at nagkaplaster plaster ako dahil sa iyo at ngayon yan pa ang isasalubong mo sa amin" nanggagalaiti niyang sabi.

" Sandali nga lang tol. Sa pagkakatanda kayo ang nauna. Sukat ba namang manyakin niyo ang bise presidente namin." Lalong umiinit ang ulo ko tuwing naaalala ko ang mga pangyayari, " pero may maganda namang naidulot kaya OK. You're forgiven" at least dahil sa pangyayaring yun... Napapangiti na lamang ako.

" aba! P*ta ! Kami pa talaga ang forgiven sa ginawa mong iyon? Tingnan lang natin kung may masabi ka pa. OK boys, kayo ng bahala."

Hala! Yung tatlong baboy naging isang dosena?. Lechon festival ba ngayon?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 04, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Ice Queen's PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon