Chapter 3

11 3 0
                                    

Dao

Ilang hakbang pa papunta sa gate.

Ilang hakbang nalang para ako'y sumaya muli, o masaktan ulit.

Nanlalamig ang mga kamay ko. Dahil baka ito na ang huling pagkakataon para mahawakan ko ang kamay niya.

Oo, luluhod ako. Kung kinakailangan. Ilalantad ko ang sarili ko maayos lang ang relasyon na 'to.

Kaunti nalang ang mga estudyante dito dahil hapon na.

Pati mga kaibigan ko ay nauna nang umuwi. Balak pa nga atang hintayin ako kaso pinauna ko na. Dahil baka masaktan ako at ayokong makita nila akong umiiyak.

"K-kevin?" Tawag ko sa kanya.

Wala akong makitang tao sa gate bukod sa guard.

Niloko na naman ba niya ako?

"Hey Dao!"

Nabuhayan ako ng loob. Baka siya na yun!

Unti-unti akong tumigin sa direksyon ng taong tumatawag sa'kin. "K-kevin?"

"Dao." Lumapit siya sa'kin at tiningnan ako aa mata."Kamusta ka?"

Inabot niya ang kamay ko at hinawakan. Pero tinabig ko.

"Kamusta? Sinong tao ang magiging okay pagkatapos nila malaman na ang boyfriend mo may kalandiang iba!?" Bumuhos ang luha ko. Ang mga luhang noon ko pa pinipigilan.

"Sorry." Walang emosyon niyang tugon.

Sorry.

"Sana ganun lang kadali yun, Kevin. Sana isang sorry mo lang mabura na sa isip ko yung ginawa mo." Sabi ko habang pinupunasan ang mga luha kong patuloy sa pagtulo.

"I mean sorry. K-kasi." Napakamot siya ng ulo.

I don't get it. So hindi siya humihingi ng tawad sa ginawa niya? May iba pa siyang ginawa!?

Lumapit ako sa kanya at hinawakan siya sa balikat.

"K-kasi ano!?" I shaked his shoulders. "Damn Kevin! So may iba ka pang ginawa!? Ano!? Don't tell me may kinakama ka rin ba habang tayo p--"

"SORRY KASI 'DI NA KITA MAHAL!" Winakli niya ang mga kamay ko.

Lahat ng gusto kong isumbat sa kanya parang umatras lahat.

Sana 'di nalang ako pumunta dito.

I thought that we could fix this.

Pero akala ko lang pala.

"K-kevin." Inaabot ko ang kamay niya pero pilit niya itong nilalayo. "K-evin naman. 'Wag ganyan. A-akala ko aayusin natin 'to?"

"Hindi na 'to maaayos, Dao. Let's end this relationship." He said while looking directly at my eyes.

"N-no! Kevin please!"

"I need to go." Nag-umpisa na siyang maglakad palayo.

No! 'Di ako papayag na ganito nalang 'to!

Mabilis ko siyang hinabol at iniharap sa'kin. "P-please Kevin? J-just one more c-chance."

Nakakatawa. Ako na nga yung niloko ako pa yung humihingi ng chance?

Kaso wala eh. Mahal ko eh.

"Dao stop." He said coldly.

Lumuhod ako sa harapan niya at kinuha ang kamay niya. "P-please? K-kevin kaya pa 'to! K-kaya pa nating ayus--"

"DAO JUST FUCKING STOP! AYOKO NA SA'YO! I DON'T LOVE YOU ANYMORE! MAY IBA NA AKONG MAHAL!" Itinulak niya ako at naglakad na palabas ng gate.

Napaluhod ako.

Tang-ina ang sakit. Sobra.

Umaagos ang mga luha sa pisngi ko. Mukha na 'kong dugyuting bata dito. Pesteng luha kasi 'di na maubos-ubos.

Masakit pala marinig na 'di ka na mahal ng mahal mo 'no? Para kang dinukutan ng puso, parang 'di ka na makahinga.

'Di na ko makahinga.

"K-k-kevin."

Ang s-sakit.

N-nahihirapan na akong m-makahinga.

"K-kevin come b-back. I n-need you." Halos wala nang salita ang lumabas sa bibig ko.

Sobrang blurred na yung paningin ko.

S-sana bumalik si Kevin kapag nakita niya akong nahihimatay. S-sana maawa siya sa'kin.

Bigla akong may naramdaman na kamay sa bandang likod ko.

"Hey! Wake up!" Tinapik tapik ng lalake ang mukha ko. "Dadalhin kita sa hospital."

S-si Kevin ba 'to?

I gently touched his face. "K-kevin? B-bumalik ka."

"Shhhhhh. Don't talk, nahihirapan ka nang huminga." Binuhat niya ako.

B-bumalik siya. Napangiti ako.

And slowly, nandilim ang paningin ko.

~*~

James

Binilisan ko ang takbo ko.

Puteks ang bigat ng isang 'to.

"Henry! Isakay mo 'to sa kotse dali!" Tawag ko sa driver ko ng malapit na ako sa kotse.

Dali-dali naman siyang lumapit sakin at kinuha yung lalake at ipinasok sa backseat.

"Dumeretso ka sa pinakamalapit na Hospital dito."

"Sir napano po iyan?" Nag-aalalang tanong ni Henry.

"I don't know, he just fainted." Liningon ko ang lalake sa backseat. "Can you drive faster?"

"Okay sir."

Pinaharurot ni Henry ang sasakyan patungong hospital.

Geez, I can't believe this. Pumunta ako ng school na 'yung para bumisita, hindi magrescue ng 'di ko kilala. -_-

Kakatransfer ko lang sa school na yun kasi pinauwi ako ni mom ng Pinas para sa--

"Sir andito na tayo." Sabi ni Henry pagkabukas niya ng pinto.

Pagkababa ko ay binuksan ko kaagad yung pinto sa backseat at kinarga yung lalake.

Mukhang aangal pa si Henry pero inunahan ko na. "Ako na. Pakitawagan nalang si mom na 'di na ko magdidinner kasama sila."

"Sige sir."

I nodded at him and headed to the nurses station. Agad agad naman nila akong nilapitan at kinuha yung lalake at saka inihiga sa stretcher.

"Anong nangyare sa kanya sir?"

"I dunno. He just fainted."

"Sir may I have your number?" Tanong nung isang nurse sa'kin. I'm handsome but gee, this is a hospital for goodness sake.

"No and pwede ba? Unahin niyo ang pasyente niyo."







Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 24, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Something I NeedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon