Dao
"Hey! 'Wag ganyan yung mukha mo, mukha kang isda."
"Di ako isda, tao ako pero ikaw, hayop ka. Isa kang baliw na chimpanzee na naligaw sa siyudad." Singhal ko.
Kahit medyo malapit lang ang bahay ko sa school, PAGOD NA PAGOD NA 'KO.
Kaya eto ako ngayon, nakabusangot habang nakapout. Kung 'di ba naman may saltik sa ulo 'tong kasama ko eh busog na ako ngayon at nakahilata nalang sa kama. -__-
"Alam mo, kaya wala kang kaibigan eh. Ang suplaaaa suplado mo." Pinagdiinan niya talaga yung "suplado". Bwiset.
Napatahimik nalang ako.
I'm not like that to other people, actually, I'm kind but not so friendly. 'Di rin ako sanay makipag-interact sa ibang tao. I live alone, remember?
But, I'd a bestfriend back when I was 7 years old. Kaso 'di ko na matandaan yung pangalan niya, just his eyes and the way he smiles at me. Unfortunately, I was forced to leave the province when--
"What the!? Umuulan!" Agad kong kinuha ang panyo ko at tinabunan ang ulo ko.
"Sumilong muna tayo do'n sa karenderya!"
He let go of my hands and used that to cover my head.
Mabilis niya akong hinila papunta sa karenderya.
Wala masyadong tao kasi gabi na.
"Nabasa ka ba?"
"M-medyo." Tinanggal ko ang kamay niya sa ulo ko.
"Hays. Ang kupad kupad mo kasing maglakad eh."
"Ano!? Sabi ko sa'yo magtaxi nalang tayo pero ayaw mong makinig!" Singhal ko.
Nagugutom na nga ako nabasa pa ng ulan. Para akong basang sisiw ngayon. Huhu.
*urrlggg*
Yung makikisabay pa 'yung tiyan ko. T.T
"Lika, kain muna tayo. Baka gutom na 'yang mga cobra mo sa tiyan. Haha!" Tawa niya.
Sa lahat ng sinabi niya 'yan lang ang tama.
-.-
Hinila niya ako papunta sa isang bakanteng lamesa at pinaghila ng upuan.
"Umupo ka muna."
"Malamang uupo ako kasi upuan 'to."
'Di ako pinansin ng kumag. Tangna ang sakit ha!
Umupo nalang ako sa plastic na upuan sa opposite niya. Bale, magkaharap kami ngayon.
"Ah, ate!" Tawag niya do'n sa waitress.
Kumekembot kembot habang naglalakad ang waitress papunta sa'min. Daming ganap kukuha lang naman ng order. -_-
"Ano po sir?" Napatingin naman ang waitress sa kumag at natulala. First time niya bang makakita ng chimpanzee?
"Paorder nga ng sinigang tsaka kanin."
BINABASA MO ANG
Something I Need
AcakWARNING: BOYXBOY. Anlaki na niyan para mabasa. Kung ayaw niyo sa ganyang klase ng storya at may dugong "homophobe" ka, 'wag mo basahin. May scenes din dito na only suitable for adults. Charot. Basta bawal sa bata, bahala ka kung ma Lee Vaugh...