Two ::
| Ivan's POV |
Hay eto talaga si Yvette ang hilig makipag kaibigan .. di na natuto ... actually hindi naman sa ayaw ko nang makipagkaibigan si Yvette . eh kasi dati. nakipagkaibigan siya so bali naging friends sila . lahat binigay ni Yvette ng kabaitan niya ang bait niya sobra dun sa babae . ako naman si naniwala naman akala ko mabait eh hanggang sa nalaman ko na niloloko niya lang si Yvette at pineperahan lang to. eh nagalit ako dun sobra sa babae kaya ayun si Yvette lalo nalungkot.
Ayoko lang naman na magkaroon ang kaibigan ko ng mga plastic na kaibigan .. baka mahawa .. >_<
Kaya ngayon eto na naman si Yvette nakahanap na naman ng bagong kaibigan ... alam nyo ba sa tuwing may bago siyang kabigan tinitignan ko kung totoo ba .. tyaka ewan ko ba nagagalit ako sa lahat ng mga bago nyang kaibigan kaya ayun tuloy ayaw na sa kanya ng mga kaibigan niya .. tapos ngayon nakahanap pa siya ng bago niyang kaibigan... at take note isa pang nerd ... kaya eto sinusungitan ko pa rin ...
Eh bakit ba ? eh sa gusto ko eh ... mamaya manloloko at sinungaling pa yan .. malay nyo nagpepretend lang yan na nerd..
"Ui Nicole magkwento ka naman bili .. tungkol sa life mo.."
"A-ahh e-ehh ..."
Tsk.. ang iingay .. >.<
"Ayan ka na naman di ba sabi ko sayo magtiwala ka sa akin ? di ba friends na tayo ?"
Friends ?? malay mo hindi ka nya tinuturing na friend..
"Alam ko naman nagtitiwala ako sayo .. pero masyado kasing private eh .."
Sus may pa private private pang nalalaman..
"Ah okay ... kahit konting details nalang about you.."
"Sige"
Grabe ang iingay ng mga to ??
"Ano paano ba ako magsisimula ?"
"Ikaw tungkol sa pananamit mo or what so ever na gusto mo"
Ano to scrapbook ?? >.<
"Ah ano isa akong nerd.. di ako mahilig mag ayos sa sarili . puro pag aaral lang inatupag ko. wala ako gaano ka friends friends kasi alam ko naman na ayaw nila sa akin . kaya hindi ko na sila iniintindi sa room namin bansaga sa akin loner . panget . nerd . pero matalino ako sa room namin . lagi ako inaaway . minamaliit nila ako . tingin nila sa akin isang basura --"
"Oh no you don't... hindi ba nila alam ang bait bait mo kaya . tapos ang ganda ganda mo pa .. o matalino ka pa ... at isa pa hindi ka isang basura "
Hmmpp .. maganda ? mabait ? matalino ? pwede payag na ako sa matalino pero ung maganda at mabait .. NEVER..