Fifteen ::
| Ivan's POV |
DAMN , this girl is so crazy , akala ko niloloko lang niya ako na kakausapin niya si Nicole , then what the heck tinotoo nga , sh*T . . .
Nakita ko na kinakalabit kalabit ni Yvette si Nicole , and nakafeel naman ako ng hiya baka mamaya naiistorbo niya si Nicole , dahil busy ito sa pakikipagusap sa bago niyang uhm what can I say love ?? tsk , judge me -______-
"Excuse me ? " nakita ko sa mukha niya ang pagtataray kay Yvette and parang bigla akong kinabahan . . .
"N-Nicole , k-kumusta kana ? " tsk , palpak , haaay I guess kailangan ko na siyang hilain , dahil nakakahiya na ang ginagawa niya , alam naman niya na galit ang tao sa amin eh -__-
"Oh , I didnt know it was you Yvette , how nice na nagkita tayo ngayon sa party , and who's with you ? " narinig kong paguusap nila , nang tinanong ni Nicole kay Yvette kung sino ang kasama niya , bigla akong kinabahan , aiiissh seriously , ito na nga ba ang sinasabi ko eh . . . I better stop Yvette bago pa may kung anong mangyari . . . balak ko na sana siyang hawakan sa braso nang marinig ko ang sinabi niya .
"Uhm , actually Im with Ivan . " para akong binuhusan ng malamig na tubig at nanatili nalang na nakatayo at parang tanga na ewan at ung mga bwisit kong mga paa naman ayaw kumilos . . .
"Im sorry , my friend , it was-- uhm , Im sorry I think we need to go . " bigla kong hinila ang kamay ni Yvette , at sa wakas naman gumalaw na ang mga paa ko . . . tsk itong babae na to lagi ako dinadala sa trouble -____-
"Oh Ivan it was you , I didn't expect you were here , why don't you want to talk with me , or naiilang ka lang ? " bigla akong napatigil at humarap kay Nicole , ibang iba na talaga siya ngayon , hindi na siya ung kilala kong Nicole , na mabait at mahal ako , ang nakikita ko nalang sa mga mata niya , coldness . . .
"I told you , mali na kausapin natin siya ngayon . " bulong ko kay Yvette , pero diko inexpect na maririnig un ni Nicole . . .
"No it's fine with me , I think maybe next time , when we meet again . " bigla niya kami nginitian , at ako naman ay nailang nalang . . .
"A-ah , o-okay pasensya na Nicole , si Ivan kasi mukhang naiinip na , sana magkita pa ulit tayo , I have so many stories to tell you pa naman , sige bye . " hay ito talagang babae na to may gana pang magsalita , tsk , kailangan na namin umalis dito . . .
| Patricia's POV |
"Patricia , I have something to tell you . " sabi sa akin ni Mom , andito kami ngayon sa room ko , and inaayos ko ang mga gamit ko . . .
"What Mom ? " sabi ko ng hindi lumilingon .
"Well you see , di ba I said na dito ka na mag aaral at dito mo na rin tatapusin ang pag aaral mo ? " napatingin ako kay Mom nang sinabi niya iyon .
"What do you mean ?" may pinakita siya sa akin na papel at pinabasa naman sa akin .
"Uhm actually we , ah you re Dad and I have been decided na sa dating school ka na lang mag aaral is it okay with you ? " bigla akong napatigil sa pag aayos ng mga gamit ko , at napatingin kay Mom , alam na kasi ni Mom ang mga nangyari sa akin last years . . .
"Of course it's okay with me , wala naman problema . " ngiti ko sa kanya , then bigla siyang nalungkot
"Why Mom , is there any problem ? " lumapit ako sa kanya at hinawakan sa balikat .
"Uhm nothing , baka kasi ibully ka na naman doon eh , naalala ko ung mga kinuwento mo sa akin . " haaay si Mom talaga , di pa talaga maka get over , kaya mahal na mahal ko to eh . . .
"Hay Mom , wala ka ba tiwala sa akin , di na ako katulad noon na nagpapapi , wag ka mag alala Mom , magiging matapang na ako mula ngayon and makakaasa ka sa akin . " ngiti ko sabay yakap kay Mom .
Humanda lang talaga sila sa pagpasok ko , at makikita na nilang lahat ang Nicole , na inapi nila noon at ang makikita na nila ngayon ay ang bagong Nicole , na nangangalang Patricia Bridget na isang palaban , mataray , at maganda , not just maganda but sexy pa , huh , ganun pala ahh , losyang ? panget ? baduy ? well watch out guys . . .
*1st Day of School*
| Ivan's POV |
"Hey dude , mukhang puyat ka na naman ahh , may raket ka siguro kagabi noh ? " kalabit sa akin ni Aaron mula sa tagiliran ko , loko loko talaga oh -___-
"Tsk , wag nga kayo maingay , istorbo naman eh , alam na ngang puyat , guguluhin pa . " sabay isnob ko sa kanila , at narinig ko naman silang tumawa . psshh -___-
"Hey guys , narinig ko na may bago daw na transferee dito , sabi sabi na maganda at sexy daw . " narinig kong sabi ng kaklase kong si Josh .
"Ganun , sino naman kaya yun ? " natatawang sabi ni Brandon .
Maya maya , biglang natahimik ang buong klase , at ako naman ay nagulat ako napabangon .
O___O I didnt expect na siya yun . . .
Dito na din pala siya nag aaral . . .
To Be Continue . . .
Oooooh , sino kaya yung bagong transferee ? Is it Patricia or Margot , better watch out , uhm si Margot sa next chapter niyo pa siya mababasa , at may konting flashbacks don , so wait for it , and that's all guys . . . .
