Chapter 1

19 2 0
                                    

Rachele's POV

Ilang araw ng hindi ako nakakatulog nang mahimbing. Hindi ko maalala ang nangyari pero alam ko ang mukha niya. Maybe I drank too much tequila. Hindi pa naman ako sanay sa mga ganun. I stood up and felt rumbling inside my stomach. Napatakbo ako sa sink tsaka napasuka.

"Rachelle? Okay ka lang ba?" Bigla akong nagulat dahil sa boses ng roommate ko, si Jolly.

Tumango lang ako tsaka pinaandar ang gripo. Naghilamos ako kasi baka sa sobrang tequila lang yun mula kagabi. Think positive Rachele.

"Yan kasi, sumama pa kagabi." Sabi niya kaya napatingin na lang ako sakanya habang nagluluto siya ng pancakes.

"Wala namang problema dun diba?" Sabi ko habang nakataas ang kaliwa kong kilay. Niyaya ako ng mga kaibigan niya, tapos wala naman akong kasama dito pag hindi ako sumama.

"Just saying. Baka kasi di kayanin nang katawan mo lahat ng iniinom mo." Nag - aalala niyang sabi habang nililipat ang pancakes sa isang pinggan.

Napangiwi na lang ako. Kinaya nga ng katawan ko kagabi, sa susunod pa kaya? Tahimik kaming kumain ng biglang pumasok si Nile, ang boyfriend niya kasama si Russel, ang boyfriend ko.

Agad napakunot ang noo ko. Hindi ko alam kung bakit pero parang nagbago ngayon ang mga galaw niya. Dati dati ay kada punta nila dito ay uupo siya kaagad sa tabi ko o babatiin kaagad ako. I stood up, and sat beside him but he moved a meter away from me.

"Anong problema mo ha?" Inis kong tanong sakanya.

"Mag - usap tayo." Seryoso niyang sambit tsaka hinila ang braso ko papunta sa kwarto ko. Nilock niya kaagad ito kaya kaagad akong kinabahan.

"Anong pag uusapan natin?" Nagtataka kong tanong tapos napaupo na lang sa kama ko habang nakatayo naman siya tsaka nakasandal sa pader.

"You know, I love you right?" Tanong niya habang blanko pa din ang ekspresyon niya. Tumango ako sakanya ngunit napabuntong hininga siya. Kutob ko, masama ang mangyayari.

"But not anymore. Let's break up." Mahina niyang sambit tsaka lumabas na ng kwarto at iniwan akong nakatulala. Anong sabi niya?

Hinila ko siya paharap sa akin tsaka hinalikan siya ng diin. Wala akong pake - alam kung sino ang nakatingin sa amin. Ilang segundo ang lumipas pero bigla na lang niya akong tinulak papalayo kaya pumatak kaagad ang mga luha ko.

"After 3 years Russel, yan lang ang sasabihin mo? May bago ka ba ha?!" Pasigaw kong tanong sakanya at kaagad na bumuhos ang mga luha ko.

"Can you force my heart to love you again? Hindi diba?" Galit niyang tanong sa akin tapos tumakbo papunta sa sasakyan niya at umalis na.

Napaupo na lang ako sa sahig habang umiiyak. Blurred na ang pananaw ko dahil sa madaming luha ang pumatak mula sa mga mata ko. Lumapit sa akin si Jolly tsaka niyakap ako nang mahigpit.

"Jolly, bakit ganun? Do I deserve to be loved or not?" Sabi ko habang bumubuhos pa din ang luha ko. Ang sakit sakit talaga sa pakiramdam ko. Ramdam ko ngang parang hindi na tumitibok ang puso ko.

"You deserve to be loved too much than Russel's, everything happens for a reason Rache. Kaya tahan na." Sabi niya habang hinihimas ang likod ko kaya napahagulgol ako lalo.

"Ang hirap mag move on." Mahina kong sambit pero hindi pa din tumigil ang mga mata ko sa pagluha.

"Kaya mo yan. Think positive. Andito lang kami para sa'yo Rachele." Sabi niya kaya napangiti ako pero lumuluha pa din. Siguro nga iyak na lang ang pwedeng magawa para maka move on.

"Really?" Tanong ko tsaka tumingin sakanya nang seryoso.

"That's what best friends are for right? Kaya tahan na. Papangit ka niyan." Sabi niya kaya napatawa kami nang mahina.

It doesn't matterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon