Chapter 3

14 1 0
                                    

Ilang linggo na din ang lumipas at medyo lumaki na nga ang tyan ko. Hindi na ako nakauwi sa probinsya dahil sabi ko sumama ako kay Jolly sa summer house nila pero ang totoo, andito pa din kami sa dorm, at sinusubukang tawagan si Ian.

"Jolly paano na to?!" Galit kong tanong habang naghihintay na sagutin ni Ian ang tawag. Nakakainis!


"Maghunos dili ka nga muna Rachele baka sa sobrang stress mo malaglag si baby." Sabi niya kaya tinaasan ko siya nang kilay.


"Anong klaseng tao ba siya Jolly?! Gusto niya bang iiwan ang dinadala ko ngayon?! Sabihin niya dahil uuwi ako nang probinsya!" Pasigaw kong sabi sakanya habang nakapatong ang dalawang kamay ko sa bewang ko.


"Sigurado kang kaya mong umuwi sa probinsya ha, Rachele? Eh naka airplane mode nga ang cell phone mo para hindi ka matawagan! Hays nakakaloka ka Rachele, pati ako tuloy stress na din." Wika niya kaya tinarayan ko na lang siya at umupo sa sofa.


"Aruruy masakit!" Sigaw ko dahil bigla na lang sumakit ang tiyan ko.


"Uy Rachele masamang biro yan ha! Ano, okay ka lang ba?" Nag - aalalang tanong ni Jolly tsaka kinuha ako nang tubig habang umiihip ako nang hangin papunta sa ilalim nang leeg ko. Pinapawisan tuloy ako dahil maiinit na nga, sumakit pa ang tiyan ko.


"Eto uminom ka muna." Sabi niya habang inaabot sa akin ang baso na may lamang tubig kaya uminom ako dito nang kaunti.


Tumayo siya tsaka kinuha ang kilohan kaya pinilit ko ang sarili kong tumayo at pumatong sa kilohan. Dahil hindi ko makita, si Jolly ang nag - aabang sa ibaba.


"Ilan ang kilo?" Tanong ko habang sinisilip ang kilo pero dahil medyo may laki na ang tyan ko, di ko na maklaro dahil nakaharang.


"Pwede na kitang ibenta Rachele!" Masigla niyang sabi kaya hinampas ko kaagad siya gamit ang kanang kamay ko.


"Hindi ako baboy Jolly!" Sigaw ko sakanya tsaka tinignan siya nang masama.


"Biro lang! Wag kang magugulat. 61 lang naman ang kilo mo." Mahinahon niyang sagot kaya parang sasabunutan ko na siya sa inis.


"Lang?! Tinatawag mo lang yun, LANG?!" Pagmamaktol ko tsaka napaupo na lang ulit sa sofa.


Gulong gulo na talaga ako tsaka hindi pa mapakali. Ano bang klaseng buhay to?! Lintek na tequila yun, dinamay pa ako sa problema niya! Yan tuloy heto ang resulta!


-____-


"Jolly, what if puntahan natin siya sa condo niya?" Masigla kong sabi sakanya habang nakingiti nang napakalapad. Bakit kasi ngayon ko lang to naisip?!


"Di ako sigurado diyan sa binabalak mo..baka mapahiya ka lang dun." Nag aalinlangan niyang sagot kaya napanguso na lang ako.


Biglang bumukas ang pintuan tsaka isang mokong feel at home ang pumasok, sino pa syempre, edi ang boyfriend ni Jolly. Parang araw araw palagi na lang nandito na parang wala nang dorm na inuuwian.


"Hi baby!" Bungad niya kaagad habang nakangiti papuntang probinsya.


"Hello baby I miss you!" Baby talk na sabi ni Jolly tsaka niyakap si Nile kaya napataray na lang ako.


"What seems to be the problem here?" Pa english pa niyang tanong habang naka - akbay kay Jolly.


"Gustong puntahan ni Rachele si Ian yung alam mo na." Malungkot na sabi ni Jolly sabay kindat kay Nile at agad naman siyang nagtaka. Hays. Napaka slow naman.



It doesn't matterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon