Chapter 3 - The Liore League!

5 1 0
                                    

"ANONG NANGYARI!! ASAN SI SUTTRON!!"

Itinaas ni Liroy ang Sleeves ng suot niyang manipis na vneck shirt and that made his biceps visible.

Boogsh!

"Aww" Yun ang huling sinabi ni Liroy bago sya mawalan ng malay dahil sa suntok ni Kira.

Waaaaah!!!

Nagtago ako sa likod ni reini sa sobrang takot. Jusko! Ganun ba  kalakas si Kira para patulugin ang isang First class member ng ganun ganun na lang?

"now meet the queen." Bulong ni Reini na natatawa tawa pa. A scary queen indeed!

"Kira, kamusta sa Dragon Valley?" Tanong ni shannia.

Dragon valley? If i know' that's where the home of the good dragons, when its the great Hepius Era.

Samantala, Hindi naman sinagot ni Kira si Shannia. Bagkus kinalikot nito ang bag niya. Hmm, ano kaya yung kinukuha ni Kira sa bag niya?

Pinagmasdan ko lang sya habang dumudungaw ako sa likod ni Reini. Talaga ngang nakakaintimidate ang presensya niya. Yung tipong titignan mo pa lang sya mababahag na agad ang buntot at sungay mo? Huhu. Pansin ko ding naging tahimik at limitado ang galaw ng mga League members nung dumating sya. Mukang kinatatakutan talaga sya ng mga kamembers niya.

Nakita kong may kinuha si Kira mula sa loob ng faded red sling bag na bitbit niya at

"waaaaah!!" Napasigaw ako at napatago sa braso ni Reini dahil sa inilabas ni Kira. Tila gulat na gulat naman ang ibang mga league members.

May ibang nakanganga, may ibang nanlalaki ang mata. At may ibang dedma.

Inilagay nya sa gitna ng League Hall ang isang napakalaking kulay puting bagay gamit lang ang isa nyang kamay. Teka!? Pano nagkasya yan sa bag niya? Eh ang laki laki nyan!? Halos umabot na nga yun sa kisame ng house league eh!

"woah." Hindi ko maiwasang mamangha sa mga pinapakita ni Kira. Idol ko na talaga sya!

"Ano to Kiraaaa!?" Lumapit si Svolt dun sa napakalaking bagay na nilabas ni Kira. hinawakan at hinimas himas niya yun tapos para bang sinusuri nya ito. Oo nga ano ba yun!?

"Tooth of the monster i killed." Simpleng sagot ni Kira.

WHAAAAAAAT!?!?

Halos malaglag ang panga ko sa sahig dahil sa sinabi ni Kira! a tooth? O--Of a monster? Eh ang laki nyan eh!

"Woah! Galing mo talaga Kira!" Sabay apir ni Svolt kay Kira. Inapiran din naman sya ni Kira at dahil dun napaatras si Svolt ng kaunti dahil sa lakas ng impact ng apir ni Kira. Hahaha!

"Hoy T-teka!!... Anong sabi mo? Pinatay ko din yan! Hindi lang ikaw!" Nagulat ako ng biglang bumangon si Liroy sa pagkakahiga sa sahig Tapos mukang nag poprotesta sa sinabi ni Kira. eh?

Kira just gave Liroy a deadly glare tapos napakamot na lang si Liroy sa batok niya. "Ahehe.. Oo pinatay ni Kira ang halimaw na yan galing sa dragon valley."

Tapos ay patakbong lumayo si Liroy kay Kira. Ayaw na siguro nyang masuntok ulit! Hahaha how cute.

Nagtungo si Liroy sa bar para humingi ng inumin sa babaeng nandun.

He carelessly sat down sa isa sa mga high chairs at ipinatong pa nya ang paa nya sa bar at sumandal sa high chair. "hey Clove!" bati ni Liroy.

So, clove pala ang pangalan ng babae na nagseserve ng drinks.

"one glass of red wine nga dyan!" Bossy na sabi ni Liroy kay clove.

Clove had this slim and perfect body. Nakalugay din ang mahaba at brown nyang buhok na hanggang pwetan niya. She's also wearing an oversized white shirt at cat ears. Cute yet sexy.

Throne's HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon