Chapter 4 - Tanxania Kingdom?

9 1 0
                                    

Nakarating na ang carriage sa palasyo at naubos na din yata ang dugo sa katawan ko sa sobrang kaba.

Huhuhu!

I knew dad, he can be sweet and caring but he can also be a monster.

Nakita kong unti unting umangat ang makapal na gate na gawa sa kahoy at bakal ng palasyo. Bumungad sa akin ang malaking fountain at sa taas noon ay ang rebulto ng hari! Ang haring magpaparusa sa akin sa ginawa kong kalokohan! Waaaah!!

"Letus!" Tawag ko kay letus na ngayo'y natutulog sa gown ko. Nakatihaya sya at nakalawit pa ang dila. Nadislocate na din ang pastel violet ribbon na nakakabit sa leeg niya at napunta na iyon sa mata niya. Pusang batugan!

"oy letus!" Tawag ko sa kanya pero ayaw pa din magising! Aba! Maturuan nga ng leksyon ang botchang pusa na ito!

Itinaas ko ang kanang kamay ko at maya maya ay may lumabas na kaunting usok doon na kulay asul na mapusyaw.

Bwahahaha!

Idinikit ko iyon sa pwetan ni letus at ng madikit ko iyon sa pwetan niya ay unti unting nagyelo ang paa niya paakyat sa pwetan niya, paakyat sa----

Biglang nanlaki ang mata niya at tumalon palayo sakin.

"HAHAHAHA!!!" Tawa ko habang nakahawak sa tyan ko.

"ANG LAMIG!! ANG LAMIG!! ANG LAMIG!!"

"ANG LAMIG!! ANG LAMIG!! ANG LAMIG!!"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ayan ang napapala mo! Hahahaha!"

Tanging tunog ng takong na suot ko ang naririnig sa pasilyo ng palasyo.  Nakayuko ako habang naglalakad samantalang nasa gilid ko naman ang dalawang kawal na nakasuot ng armor suit at may hawak na palaso. talagang sinisigurado nilang di ako tatakas eh no? Duh! Pano ako makakatakas sa lagay na to? Common sense nga mga be.

Ting!

A great idea pops up on my head.

Hmmmmmm..

Napahawak ako sa baba ko at pinaningkit ang mata ko.

Mapagtripan nga ang dalawang to.

"wop!" Tumakbo ako papunta sa kaliwang gilid ko tapos sinundan naman nila ako ng patakbo din.

"Ahhh mabibilis kayo ah."

Huminto ako sa paglalakad kaya't huminto din sila.

"Wops!" Tumakbo naman ako sa kanang parte ng pasilyo at mabilis din silang nakasunod. Huhuhu muka na siguro akong tanga na tumatakbo pakaliwa kanan habang nakagown.

Ayaw ko na nga.

Pabigat ng pabigat ang hakbang ko habang papalapit kami sa malaking double door sa dulo ng pasilyo. Oh my gosh. This is it.

Huminto ako sa harapan ng pintuan bago ako huminga ng malalim. Kaya mo to Memory! Kaya mo to!

Napatingin ako sa gilid ko at pinagmasdan ang malaking portrait ng isang babae. Napakunot ang noo ko habang pinagmamasdan ko sya. Luh! Ang creepy ah!

Throne's HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon