Chapter 1

224 2 0
                                    

Taas-noo kong nilalakad ang hallway KO. Oo, tama kayo sa iniisip nyo, ako ang may-ari ng university na 'to. Ang Merry University! Lahat ng estudyante dito masasaya. Sabi nga ni Rhyzza, bawal sad, dapat happy \m/ 

Normal na tanawin na naman ang nakikita ko, yung mga babae, naghahampasan, yung mga bading nagsasabunutan, yung mga lalake nag-papaangasan.

"Jake" tawag sakin ni Earl, tropa ko. Saan naman kaya 'to nanggaling? Kung saan-saan sumusulpot.

"Oh?" 

"May naghahamon. Sa gubat daw." tinanguan ko na lang sya.

"Ngayon na daw." sabat ni Chris. Isa pa 'to. Saan ba sila nanggagaling? Can someone tell me?! Naks. Yan lang ang english phrase na alam ko. Syempre joke lang. Talino ko kaya, de joke lang ulit!

"Sige." aga-aga may naghahamon? Haaaaay, nagugutom na ako. 

"T-teka, naiihi pala ako." maglalakad na sana si Earl ng mahablot ni Chris yung polo nya.

"Tatakas ka lang eh!" 

"H-hindi ah! H-hahanapin ko lang si ano..si Jay!" 

Haaay, ano kayang masarap kainin? Bacon kaya? Hmm...

*grrrrllllkggrlk* Napalingon ako dun sa pinanggalingan nung hilik.

"Hoooooy!" napalingon sina Earl at Chris sa direksyon ko. Agaw atensyon naman yung pagsigaw ko kaya lahat ng tao napatingin sa'min.

"Nandito si Jay!" nag-evil smile ang mga loko. 

"Shhh, wag ka maingay Jake." mahinang sabi ni Chris.

"O-oy, anong gagawin mo? Labas ako dyan ha!" 

"Napaka-duwag mo Earl!" dahan-dahang lumapit si Chris sa pwesto ni Jay. Nagkatinginan kami ni Chris. 

Alam ko na ang pinaplano ng loko. Nilabas ko ang phone ko at lumapit sa pwesto nila.

Nilapit ni Chris yung mukha nya sa tenga ni Jay at---

"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!" *click*

Halos lumuwa na yung mata ni Jay sa sobrang gulat. Laptrip! Taena. Sinave ko agad yung picture at sinend kay Chris. 

"Ginagago nyo ba ko?" halos patayin na kami ni Jay sa tingin. 

"Chris, alam na." tumango si Chris kaya--

"TAKBOOOOOOO!" duet pa kami nyan! HAHAHAHHAH

Reine's POV

Takte first day na first day late ako. Takbo-lakad ang peg ko ngayon.

"Nasaan na ba kasi yun?!" halos mag-360 na yung ulo ko kakalingon.

Takte. Kanina ko pa gustong magtanong kaso kapag lalapit naman ako umaalis agad sila. Psh. Di ko naman sila kakainin no.

Isa na lang talaga kapag hindi ko pa nakita yung room ko. Aalis na ko.

*lingon*   

Nahanap na rin kita sa wakas! Para akong tanga na hinahalikan yung pinto. Nakapikit ako habang nakanguso sa pinto nang bigla itong bumukas.

*boogsh*

"A-aray." daing ko. Pagkabukas nung pinto, ayun nakipaghalikan ako semento.

"HAHAHA!" potek imbis na tulungan, pinagtawanan pa ako!

"A-anong kailangan mo? Pfft." nagpipigil na tawa nung prof. Tumayo ako at inayos ko yung pagkakasabit ng bag ko at hinarap yung prof.

"Ako yung bagong student." I said coldly.

"A-ahh, kung g-ganon ikaw si Ly--" pinutol ko yung sasabihin nung prof.

"Reine. Yun yung itawag nyo sakin." sumeryoso yung mukha ko pero ngumiti ako ng pilit.

Mula sa pagiging tensed, medyo kumalma ito at ngumiti.

"O-osige, miss Reine umupo ka na lang dun sa dulo." pumasok ako sa loob at lumakad papunta sa upuan ko. 

'All eyes on me when I'm walki'n ♪♪' kanta ko sa isip ko. Hahaha! Pano ba naman nakatingin silang lahat sa'kin.

Yung iba parang nandidiri sa'kin o natatakot? Psh. 

Umupo na ako, sakto namang nag-ring yung bell. Anak ng teteng! Kakaupo ko pa lang kaya!

Lumabas na ako ng room. Grabeee! Pagod na ko! 

'All eyes on me when I'm walki'n ♪♪' na naman ako. Kanina pa sila tingin ng tingin sa'kin. Ganda ko talaga *flips hair* Hahaha!

Alam ko naman talaga kung bakit kanina pa sila nakatingin sakin. Naka-jeje porms kasi ako(A/N: Porma ng mga jeje) Di kasi ako umuwi sa condo ko. Hinugot ko lang dun sa tauhan ko yung suot ko ngayon. Naka-cap ako habang nakasuot ng oversized t-shirt tapos shorts na barako bulls tsaka tsinelas. Hindi lang ako mukhang jeje, mukha pa akong snatcher.

Nakita ko na yung room ko dahil nalibot ko ata 'tong buong university kanina. Pumasok ako sa loob at prenteng umupo sa likod. Sinaksak ko ang earphones ko pero walang music. Ramdam ko na tingin sila ng tingin sakin. Uso kaya 'tong suot ko. Tss.

Pumasok na yung prof kaya nagsi-ayos sila. Nagsimula na itong mag-check ng attendance.Tinanggal ko yung earphones ko at tumingin sa harap.

Mag-aayos na ako baka makick-out na naman ako. Every year na lang kasi ako palaging naki-kick out. Isang taon na lang graduate na ako sa college. Pwede naman akong hindi mag-aral kasi may pinagkukuhanan ako ng pera pero mas maigi pa rin yung may natapos ako no.

"Ms. Thomas?" tawag nung prof.

"Nandito." nakangiti kong sagot.

Nagsimula yung klase. Pinaglalaruan ko yung ballpen ko. Minsan kinakagat sa dulo tapos papagalawin o di kaya ilalagay ko sa ibabaw ng nguso ko. Ang boring naman kasi magklase ng prof na 'to. Di tulad nung kanina kakaupo ko pa lang, bell na! 

Jake's POV

Hapon na nang makarating ako dito sa bahay ng kapatid ko. Wala kasi akong magawa kaya naisipan kong pumunta dito. Hindi na namin na sipot yung naghamon kanina, bukod sa nakalimutan namin, nag-marathon din kami nila Chris at Jay sa university.

Kung naabutan siguro kami ni Jay kanina, baka hindi na kami nakakalakad ni Chris ngayon. Buti nga nauto ko e. Pina-delete ko na sa kanya yung picture di nya alam na sinend ko kay Chris.

"Tito Brown!" tumakbo papalapit sa'kin si Liam habang bitbit-bitbit ang toy car nya. 

"Hoy, diba sinabi ko sa'yo na 'wag mo akong tawagin na tito Brown? Tito Jake dapat." sabi ko habang buhat-buhat ko sya. Ang bigat!

"Pero mas gusto ko yung Tito Brown eh!" pagmamaktol nito. Ginulo ko yung buhok nya at binaba sya.

"Tito, I want stick-o!" eto na naman tayo -____-

"Gagawin ko?" 

"Bili mo ko!" 

"Ayoko nga." 

"Dali na titooo!"

"Iyak ka muna." haha, ang sarap talaga asarin ng mga bata!

"Hindi umiiyak ang mga lalake!" sabi nito ng naka-cross arms

"Edi wala kang stick-o. Isusumbong pa kita sa mommy mo kasi hindi mo ginagawa yung homeworks mo.." tumingin sa'kin si Liam. Kinuha ko yung phone ko at nagkunwaring tumatawag "Hello, Ate Colleen? Si Liam oh hin---"

"HUWAAAAAAAAA! GUSTO KO LANG NAMAN NG STICK-O E! UWAAAAAAAA!" Hahahha! Ayan na! Umiyak na! HAHAHA!

"Oo na! Bibilhan ka na! Tumigil ka na sa pag-iyak!" pinipigilan kong matawa baka umiyak pa lalo yan kapag nalaman nyang pinagloloko ko sya

Umalis na ako at binilin kay yaya si Liam. Pumunta na ako sa pinaka-malapit na tindihan dito sa subdivision.  

Ang bilis naman ng oras mag-gagabi na pala..

---------------------------------------------------------

Don't Mess with the KINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon