Chapter 7

65 1 0
                                    

Alex's POV

Nagulat ako nang marinig ko kay Reine na may 'kakilala' sya o hindi sya sure kung kaibigan nya ba yun o hindi.

Pano ba naman kasi kaming dalawa lang ni Rae ang kaibigan nya. May um-approach sa kanya, sinungitan nya lang. Hirap na kasi sya magtiwala sa ibang tao e. Marami na ring pinagdaanan sa buhay yan si Reine. *sigh*

Kinwento nya sa'min kung sino si Totoy nya. Napagkamalan daw nya na sya yung Totoy Brown na famous sa facebook! Tawa kami ng tawa ni Rae sa kwento ni Reine.

I think I wanna meet that totoy brown. Pfft.

"Alis na ko. Ge." tumayo si Reine at umalis na sa room. Bastos talaga tong babae na to. 

"Mag-transfer na din kaya tayo sa school ni Reine, what do you think?" biglang tanong ni Rae.

Hmm..ano ba? Nakakatamad mag-aral e. Hindi na nga ako pumapasok dun sa school ko ngayon. Pero..

"I think that's a good idea." tinaas-baba ko yung kilay ko.

Nakakatamad mag-aral pero nakakamiss maging estudyante.

"So, ano..Asikasuhin ko na yung papeles natin." sabi ni Rae.

"Yown! Wala na akong poproblemahin. Bait talaga talaga ni Bebe Rae." sabi ko at nag-wink sa kanya.

"Tigilan mo yang kakatawag sakin ng bebe ha!" sabi nito sabay irap at lumabas ng kwarto. Haha! Ang pikon talaga nito.

Maka-alis na nga din. Mga kaibigan ko talaga, hindi uso ang salitang 'Good bye'.

Chris's POV

Hanggang ngayon hindi pa rin ako maka-paniwala na napaka-ganda ni Reine. Yung ganda nya, stunning! Shet. Ligawan ko kaya? Pwede. *tango tango*

"Hoy, alam ko yang iniisip mo. Sa'kin si Reine." sabi ni Earl. 

"Lul, ang pangit-pangit mo. Di ka sasagutin nun." asar ko sa kanya.

"Kung ikukumpara yung mukha ko sa mukha mo, di hamak na mas gwapo ako." sabi nito at nag-pogi sign pa si gago.

"Asa, dude. Mas gwapo ako. Panigurado ako na ang tipo ni Reine ay yung Hot na katulad ko." sabi ko at tinaas pa ang t-shirt ko para maipakita ang oh-lala na abs ko.

*pok*

"Aray!" wengya! Sinong damuho ang nambato ng notebook?!

"Bawal porn dito." buset si Jay pala.

"Nababakla ka na ba sakin pre?" nakangising tanong ko.

"Nababaklaan ako sayo. Ang tunay na lalake, hindi nanliligaw dahil lang sa maganda  yung babae." 

"BOOM! Ano kayo ngayon? Yan ang mga banat!" sigaw naman ni Jake. Sinamaan ko ng tingin si Jake ganun din ang ginawa ni Earl.

Bakit ba, e sa gusto ko yung magaganda tapos sexy. Wooot woot!

"Onga pala, yung naghahamon dati, naghamon ulit." biglang sabi ni Earl. 

Ano bang kailangan nila? Masyado naman silang kati na kati na kalabanin kami.

"HAMON?! ASAN-ASAN?!" napa-tampal ako sa noo sa sinabi ni Jake. 

"Jusko po Jake, may naghahamon hindi HAMON." sabi ni Earl. Pagdating talaga sa pagkain napaka-bilis nito.

"Anobayan." disappointed na sabi nito.

Kung umakto sya parang hindi namin leader. Mas leader pa nga tignan si Jay sa kanya e. Pero sobrang galing nyan makipaglaban at sya yung tipo ng tao na hindi iiwan ang isang kaibigan. 

Don't Mess with the KINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon