Chapter 2

83 2 0
                                    

Reine's POV

Pumunta ako sa subdivision namin. Pamilya ko may-ari nito. Kukunin ko lang naman yung natitira ko pang gamit. 

"Kuya guard, pakibantay ho muna nitong motor."

"Sige po ma'am." Nung huli akong nag-uwi ng motor sa bahay, tinakbo ng walangya kong kapatid.

Nang makarating ako sa tapat ng bahay, agad akong pinagbuksan ng gate ni tatang berting.

"Hija!" ngumiti ako kay manong.

"Kamusta po tang?" Tanong ko.

"Ayos lang naman ho. Kayo po ba? Bakit po biglaan kayong pumunta dito?" tanong nito habang sinasarado yung gate.

"Eto naman si tatang, wag mo na ho akong i-po. Ice lang naman ako 'nong. Kukunin ko lang yung natitira ko pang mga gamit." nakita kong lumungkot yung itsura ni tatang.

"Wag kayong mag-alala tang! Dadalaw pa rin naman po ako." sabi ko at ngumiti dito. Gumanti rin naman ito ng ngiti.

Parang pangalawang Tatay ko na 'tong si tatang e, tapos nanay-nanayan ko naman si Manang Elma, asawa nya at mayordoma dito at ako naman yung maganda nilang anak-anakan.

"Punta na po ako sa loob." tumango naman ito.

Pagkapasok na pagkapasok ko, pumunta agad ako sa kwarto ko. Kinuha ko na lahat-lahat para di na ako pabalik-balik dito.

Lumabas na ako ng kwarto at bumaba.

"Huy!" lumingon ako sa tumawag sakin.

Si Cole lang pala, nakakatanda kong kapatid.

"Oh?" walang gana kong tanong.

"Bakit ganyan suot mo? Mukha kang hoodlum." poker face lang ako sa sinabi nya.

Akmang aalis na ako nang magsalita ulit si Cole.

"San punta mo?" tanong nito.

"Dyan lang." sabi ko at tuluyan nang umalis.

Nagkakaron talaga ako ng bad vibes kapag nakikita ko yun.

Sya kasi yung kumuha ng motor ko.

"Tay.." tawag ko kay tatang.

"Hija, aalis ka na ba? Gusto mo ipahatid kita?"

"Nako wag na po! Ayos lang po ako."

"Sigurado ka? Mukhang mabigat yang dala mo, halika tulungan na kita." akmang aabutin nya yung mga gamit ko pero nilayo ko agad ito.

"Tay, Kaya ko na po 'to. Tsaka dala ko naman po yung motor ko."

"Ganun ba.." niyakap ko si tatang.

"Tay, pa-Hi na lang ako kay nanay elma ha." tumango ito at yumakap pabalik sakin.

Nagpaalam na ako at tuluyan nang umalis sa bahay.

Naglalakad ako ngayon nang may matanaw akong bata na tumatakbo.

"T....Brown!" sigaw nito habang tumatakbo. Ano daw?

"To...Brown!" sigaw ulit nito. To...Brown...

Don't tell me.. NANDITO SI TOTOY BROWN?!

Sinundan ko yung bata nakita kong lumapit ito dun sa lalaki na may katangkaran. Lumapit agad ako dun sa lalaki.

"TOTOY BROOOOWN!" kinamayan ko sya ng todo todo. Grabe, gusto ko talagang makita si totoy kaso di ko makita yung mukha nya kasi madilim na.

Pero ayos lang at least nakamayan ko sya.  Finally nakilala ko na sya! Sya kasi yung pinag-uusapan ng mga tauhan ko. Tinanong ko sa kanila kung sino yun sabi lang nila gwapo tapos mahilig sa brownies.

Don't Mess with the KINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon