Rape Victim

325 2 0
                                    

Nakatanggap ka na ba ng regalo?

Nakapagbigay ka na ba ng regalo?

Diba ang sarap sa pakiramdam na makatanggap at makapagbigay nito?

Pero alam mo ba na mayroong isang napakagandang regalo na dapat matanggap ng bawat tao. Dapat rin na ipamahagi ito pag natanggap mo na.

Alam mo ba kung ano ito?

Ito ay ang regalong binigay sa atin ng Diyos. Binigay Niya sa atin ang kanyang bugtong na anak na si Hesu Kristo para tubusin ang mga kasalan nating mga tao. Napakamakasalanan natin pero tinanggap Niya parin tayo, tinanggap Niya kung ano at sino tayo. Kung tatanggapin natin Siya bilang ating Panginoon at tagapagligtas ay yayakapin Niya tayo patungo sa kanyang kahariang tinatawag na Langit. Hindi ba at napakagandang regalo nito?

Ngayon ay kumakatok sayo, sa iyong pintuan si Kristo, handa mo bang tanggapin sa iyong puso?

Kung tinatanggap mo Siya bilang iyong Panginoon at tagapagligtas basahin ang nasa ibaba..

Lord Jesus, I believed you are the Son of God. Thank you for dying on the cross for my sins. I ask you into my life and heart to be my Lord and Savior, I want to served yo always. Amen.

Prayer request?

Or you want me to pray for you?

Just message me on facebook or in my account in wattpad. I will reply on you ASAP.

Godbless ^.^

******



Ako si Dessa, kasalukuyang nag-aaral ng ikatlong taon ng kolehiyo sa isang sikat na Unibersidad dito sa Luzon. Mahilig akong magbasa ng iba�t ibang kuwento, mahilig din akong magsulat ng mga tula, kuwento at nobela. Nagsimula akong magbasa ng mga kuwento dahil sa kaibigan kong si Mich nung first year college ako. Masaya daw magbasa at nakakalibang pa kaya naman sinubukan ko. Hanggang sa tuwing magkasama kami at naagkukuwentuhan ay yung mga nabasa namin ang aming mga topic. At tulad nga nga sinabi niya sakin ang saya ngang magbasa. Parang kasama ka na nga sa cast na kuwento pag talagang minahal mo to. Iiyak ka pag namatay yung bida na ang sakit-sakit sa dibdib, tatawa at kikiligin ka naman pagtalagang nakakakilig na ang kuwento hanggang sa marerealise mo nalang na para kana palang baliw dahil mag-isa mong tumatawa sa gilid ng daan o sa higaan mo at pagtitinginan kana lang ng mga tao sa paligid mo.

Masaya akong kasama si Mich pero nakakalungkot na nung nagsecond year na kami ay huminto na siya ng pag-aaral at yung kuya niya muna ang kailangan na pagtapusin dahil graduating na daw yun. Wala siya nagawa kaya madalang na lang kami nagkita. Dahil siya lang ang pinakaclose ko sa barkada ay talagang nalungkot ako sa balitang yun.

Nung nagpasukan naghiwa-hiwalay ang barkada dahil nag-iba-iba na kami ng major. Naiwan akong mag-isa sa at pumili ng major sa Filipino. Hindi ko alam kung sino ang magiging kaibigan ko, hindi ko alam kung kanino ba ako sasama. Kinakabahan ako. Hindi kasi ako sanay na mag-isa dahil takot akong mag-isa. May mabigat na dahilan yun pero..

�Okay class para sa final exam niyo dito sa subject na Humanities kailangan niyong gumawa ng sarili niyong nobela o kuwento. Ipapass niyo sakin yung mga gawa niyo at mamimili ako ng isa. Yung mapipili kong isa na yun ay gagawin niyo movie na papasok naman bilang final project niyo. Maliwanag ba?�

Finals na nga pala at simula na naman ng ngaragan. Hayst.!!!!

�Ma�am individual po ba yung paggawa ng kuwento o nobela o by group po?�

�Individual yun. O may tanong pa ba?�

�Wala na po.�

�Sige yan na muna. Hindi na pala tayo magmimeeting bale last meeting na natin to para sa paggawa niyo ng iyong mga kuwento. Class dismissed.�

Huling Patak ng Tinta: Compilation of Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon