Killer

25 2 1
                                    

Kitang-kita ko kung paano siya kalunos-lunos na pinatay.
Nakatatakot!
Nakapangingilabot!
Nakatitindig balahibo!
Itinali ang kanyang kamay at paa sa magkabilang direksyon. Rinig sa buong lugar ang pagpalahaw niya ng iyak. Nakakaawa, ngunit wala akong magawa.
Pagkatapos niyang itali ay walang habas siyang ginilitan sa leeg. Pinatulo sa isang malaking timba ang tumutulong niyang dugo, matapos maubos ang kanyang dugo ay walang alinlangan siyang pinugutan ng ulo, tumalsik pa sa mukha ko ang malapot nitong dugo.
Hindi pa natatapos doon ang kanyang paghihirap, dahil unti-unting biniyak pa ang kanyang tiyan, iniahon doon ang kanyang lamang loob. Halos masuka ako sa aking nakikita.
Nakita ko ang pumipintig niyang puso ng lumabas ito.
Puro dugo na ang paligid, hindi na rin maririnig ang kanyang pag-iyak na tila humihingi ng tulong. Ngunit hindi pa rin natitigil ang pagpaparusa sa kanya. Isa-isang pinaghiwalay ang kanyang mga lamang loob pagkatapos ay inilagay iyon sa isang lalagyan.
Hindi ko na kaya ang nakikita ko.
Tumalikod na ako at pigil ang aking hininga.
Ang sikip na ng dibdib ko, hindi ko na kayang tagalan pa ang nangyayari.
Ngunit hindi pa man ako nakalalayo ay may tumawag sa akin.
"Lira, san ka pupunta? Akala ko ba'y nais mong matutong magkatay ng baboy?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 07, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Huling Patak ng Tinta: Compilation of Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon