Si Ara hindi naniniwala sa pag-ibig, hanggang sa nakilala nya si Jerwin at dahil dito ay nagbago ang pananaw nya. Si Jerwin ang tipo ng tao na hindi sumusuko hanggang hindi nya nakukuha ang gusto nya.
Nagkakilala sila ni Ara sa isang sayawan, napilitan lamang si Ara na pumunta dito dahil sa matalik na kaibigan nya ang nag-imbita sa kanya. Ayaw na ayaw nya ang mga ganitong pagdiriwang dahil naiisip pa lang nya ito ay nandidiri na sya sa hindi paipaliwanag na dahilan, marahil ay naiisip nyang para lamang ito sa mga magkasintahan dahil nga sayawan ito. Hindi nya napansin na may biglang lumuhod sa harapan nya para kunin ang kanyang kamay, tinitigan lamang nya ang kamay nasa harapan nya. Hindi alam kung sasama ba o hindi. Kunin kaya ni Ara ang kamay sa kanyang harapan? Sino kaya ang lalaking nasa harapan nya? Ito na kaya ang makakapagpaibig sa dalaga?
Maagang nagising si Ara, alas sais palang ng umaaga nang tumingin sya sa orasang nakasabit sa harap ng kanyang kama, ngunit bigla syang napatayo ng kanyang pagkakahiga dahil naalala nya na may klase pa pala sya ng alas otso. Kolehiyo na sya ngunit ni minsan ay hindi pa sya nagkakanobyo, marahil ay wala pa syang nagugustuhan sa kanyang mga manliligaw, minsan nga ay napapagkamalan pa syang hindi tunay na babae dahil sa kanyang mga isinusuot na pamasok, dahil sa walang unipormeng sinusunod ay pwedeng kahit ano ang suotin nila, kayat maong na pantalon lamang at maluwang na t-shirt ang kanyang sinusoot. Samantala gumayak na sya ng mabilisan, at basta nalang pinusod ang kanyang mahabang buhok.
Sa kanyang paglalakad nasalubong nya ang kanyang matalik na kaibigan na si Naomi, si Naomi ay kababata nya, at sa matagal na panahon ay ngayon lang sila nagkita, kahit na sa iisang Unibersidad lang sila nag-aaral. Kaya naman hindi nya mahindian ang kanyang kabigan na ayain sya nito sa isang sayawan.
� "Uy Ara ikaw na ba yan, lalo kang sumeseksi a�"medyo nahiya naman si Ara sa sinabi ng kaibigan kaya ang naisagot lang
�" Ikaw din naman Naomi, hehe"�
� "Nga pala punta ka saamin sa Sabado ng gabi, may sayawan dun, ikakasal na kasi ang ate ko, wala ka namang klase non di ba? Saka wag ka nang tumanggi minsan lang akong mag-aya, magagalit talaga ako sayo pag hindi ka pumunta. Ay 7:30 na pala, sige mauna na ako may klase pa ako e, basta hintayin kita a, itxt mo nalang ako. Bye hehe"�.Huminga nalang siya nang malalim, at nasabing..
�"Haist kahit kelan talaga yun napaka kulit."�.
Mabilis na lumipas ang araw at Sabado na. Eto na ang kinatatakutan nyang araw, hindi nya alam kung pupunta ba sya o hindi. Kaya�t naisipan nyang itxt si Naomi na hindi nalang sya pupunta at magdadahilan nalang sya na may gagawin pala sya ngayon. Ngunit nang ittxt na sana nya ito ay bigla nyang naiisip na wala na nga pala syang numero nito. Ganon nalang ang kanyang pagkainis nang malaalala nya ito. Kaya naman wala na syang nagawa kundi ang pumunta dito kahit na masama sa kanyang kalooban.
Alas syete na ngunit nagdadalawang isip parin sya kung pupunta sya.
�"Bahala na nga"�
ang kanya lamang nasabi at umalis na sa kanilang bahay, sabay sakay sa pampasaherong jeep na saktong huminto sa harap ng kanilang bahay. Malapit lang naman ang bahay ng kaibigan nya siguro ay 30 minuto lang ay narating na nya ang bahay nito. At saktong pagbaba nya ay nakita na nya ang kanyang kaibigan na nasa harap na bahay at sinasalubong ang kanilang mga bisita. Nang makita sya nito ay agad syang binati at hinila papasok.
�"Sabi ko na nga ba at hindi mo ako bibiguin e, halika na sa loob at kumain na muna tayo."�
�"Ha e sige, pero Naomi maaga akong uuwi a, alam mo namang ayaw ko ng mga ganito e. "��"Ano kaba naman Ara hanggang ngayon ba ay ganyan ka pa rin? Baguhin mo na ang sarili mo, kolehiyo na tayo, kaya wala ka pang boyfriend e."�
Hindi na lang niya pinansin ang kaibigan at nagpahila nalang sya dito hanggang sa nakarating na sila sa loob ng bahay. Hindi na sya nagulat na maraming tao dito dahil nga sayawan ito. Hinila sya ni Naomi sa isang table at kumain sila doon, kasama ang iba pa nilang kaibigan noong high school.
BINABASA MO ANG
Huling Patak ng Tinta: Compilation of Short Stories
RandomHuling patak ng tinta (Compilation of Short Stories Bunga ng malikot na pag-iisip ng may akda. Ito ay binubuo ng iba't ibang kwentong walang magandang wakas. In short, walang poreber. Ang iba dito ay nagawa noong mga panahong wala pang masyadong al...