Ang Lihim ng Mansyon

167 3 0
                                    

Isang bakasyunista si Alex nasa edad na 26 na gulang, medyo katangkaran, matangos ang ilong, at may itim at mahabang buhok. Apo siya ni Aling Linda na kasambahay sa masyong pag-aari ng mga Saavedra. Napili nyang magbakasyon sa probinsya ng kanyang lola dahil gusto nyang lumayo sa syudad kung saan marami siyang problemang kinakaharap. Ang hindi nya alam ay ditto na sa probinsyang ito siya mawawalan ng hininga.

Pagkababa nya ng tricycle ay agad naman siyang sinalubong ng kanyang lola na kulubot at tila hindi na makalakad dahil sa nirarayuma ito ng mga panahong iyon.

"O, hija buti naman at dumating ka na, kala ko'y naligaw ka na e." ang sabi ng matanda sa mahina nitong boses.

"Mano po lola. Muntik na nga po akong maligaw e, buti nalang po may mga sign board." Tugon naman ng dalaga.

"Halika na sa loob at delikado ditto sa labas lalo nat padilim na." animoy kinakabahan na wika ng matanda.

Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay biglang nangilabot at kinabahan si Alex dahil sa tinuran ng matanda kaya naman ng pagpasok nila sa loob ay agad niya itong tinanong.

"Lola, ano po yung ibig nyong sabihin kanina? Bakit po delikado sa labas?" natatarandang tanong nya.

"Alam mo kasi apo maraming usap-usapan dito na may lumalabas raw twing gbi dyan sa kalsada, hindi rin nila maipaliwanag kung ano dahil hindi pa naman nila nakikita, pero pagsapit ng umaga may mga nakikitang dugo ng tao dyan na kung minsan ay may mga kasama pang lamang loob ng mga ito. Kaya ikaw apo wag na wag kang lalabas kung gabi at baka ikaw na ang sunod na mabiktima nila." Salaysay ng matanda.

"O-opo lola." Maigsi at natatakot nyang tugon.

Sa di kalayuan buhat sa kinaroroonan ng mag-lola ay nakamasid sa kanila ang mga matang nanilisik. Nanlilisik na animo'y nasasabik na matikman ang bagong salta. Bago ito sa paningin nya at talaga namang kasabik-sabik para sa kanya.

Pumasok na sa loob ang mag-lola. Luminga-linga si Alex sa loob ng bahay, hindi ito tulad ng inaasahan nya dahil sobrang kakaiba ng nasabing bahay. Animoy walang nakatira dito dahil sa dami ng sapot at alikabok sa mga gamit, may mga gagamba pang nagpapahulog mula sa kanilang mga sapot. Sa pag pasok pa lang ay makikita na ang isang hagdan papunta sa itaas na pag tinignan mo ng maigi ay mangingilabot ka dahil animoy may mga matang nakatingin sayo at titingnan ang mga galaw mo. Agad namang kinilabutan si Alex at tuluyan ng sumunod sa kanyang lola.

Idinala siya ng kanyang lola sa isang kwarto ng mansyon, ito raw ang magiging silid nya habang nanunuluyan sya dito. Maluwang naman ang silid ngunit tila may kakaiba siyang nararamdaman ditto naa hindi nya maipaliwanag. Minabuti nyang tanungin na lamang ang kanyang lola tungkol ditto.

"La. Bakit tila wala namang nakatira ditto? Nasaan po ang amo nyo?" tanong ng dalaga.

"Apo, nasa taas lang sila, bihira lang silang lumabas ditto sa baba, lagi silang nandoon lamang at dinadalhan ko lamang sya doon ng pagkain pag kailangan na." tugon naman ng matanda.

"Bakit naman ho? Wala po bas yang trabaho sa labas?"muli nyang tanong

"Yun rin ang hindi ko nalalaman Apo. Alam kong pagod ka sa byahe apo kaya magpahinga ka na muna. Tatawagin na lang kita kapag handa na ang hapunan."wika muli ng matanda.

May gusto pa sanang tanungin ang dalaga ay hindi na nya nakuha pang magtanong dahil nakaalis na ang matanda. Tulad ng tinuran ng kanyang lola ay nahiga muna sya sa kama, ngunit hindi nya nakuhang makatulog. Sa tuwing pipikit kasi siya ay parang may mga matang nagmamasid sa kanya.

Dumating ang hapunan at tinawag na nga sya ng kanyang lola upang kumain na ng hapunan. Bumaba sya sa kusina kasama ang kanyang lola . ganun nalang ang kanyang pagkamangha at pagkagulat ng nakita nya kung gaano kalaki ang mesa na nasa kusina, nagulat rin sya sa kung gano karami ang nakahaing pagkain roon na kung susuriin ay puro may sangkap na dugo ang mga putahe. Nagulat na lang sya ng kausapin sya ng kanyang lola.

"Iha, ikaw na muna ang magdala ng pagkain ni Madam sa itaas gusto ka rin daw pala nyang makita at matik --- makausap pala." Tila may pinapahiwatig ito sa apo, ngunit hindi na nya naituloy pa.

"Ngunit hindi kop o alam kung saan ang silid nya sa itaas." Tugon ng dalaga

"Apo, nag-iisa lamang ang silid sa itaas kaya hindi ka maliligaw pa, huwag kang mag-alala, mabait ang amo ko." Sambit muli ng matanda.

Dahil sa sinabi ng matanda ay nawala ang pangamba ng dalaga at dinala ang halos halat ng putaheng ulam sa itaas, hindi naman sya nahirapang dalhin iyon dahil sa nakalagay ito sa isang malaking lalagyan. Ngunit habang papalapit sya ng papalapit sa silid na sinabi ng kanyang mahal na lola ay lumalakas ang tibok ng kanyang dibdib, hindi rin nya maipaliwanag kung bakit.

Ngayon nga ay nasa harap na sya ng isang malaking pinto kung nasaan ang silid ng amo ng kanyang lola. Kakatok pa lang sana siya ng biglang bumukas ang pinto na kanya namang ikinagulat.

Sa pagbukas ng pinto, wala syang nakitang tao roon, pumasok siya at tumawag ngunit wala namang nagsasalita. Bigla namang tumunog ng malakas ang isang nakakatakot na tugtog na sinamahan pa ng isang malakas na bugso ng hanging malamig. Labis nyang ikinatakot ang nangyari, tatakbo n asana sya palabas ngunit bigla sumarado ang pinto kaya napaatras sya sa pagkakataong iyon.

Wala syang makitang mapuntahan, pagharap nya mula sa kanyang likuran ay nakita nya ang isang matandang maas kulubot na ang balat kaysa sa lola nya, may dugo ito sa gilid ng kanyang bibig at nakalutang ito sa sahig kung saan sya nakatayo. Ginusto nyang sumigaw ngunit walang lumalabas na boses mula sa kanya. Napahalakhak ang matanda at kaagad na sinunggaban ang kaawa-awang dalaga.

Dinala ng matanda ang katawan ni Alex sa kalsada upang doon ito ilagay, ikinalat pa nya ang lamang loob nito upang maging babala sa mga taong gusting pumasok ng kanyang mansion. Ayaw sana nyang gawin ang ginawa nya sa dalaga ngunit tila nasasabik sya sa kung ano ang lasa nito. Sinabi rin nya sa sarili na huli na iyon at hindi na muli sya mambibiktima.

Samantala ang lola naman ni Alex aay umalis na ng mansion at iniwan na ang kanyang amo. Napagdesisyunan na rin nyang wakasan ang kanyang buhay pagdating sa kanyang bahay dahil sa konsensyang dala-dala nya.

Huling Patak ng Tinta: Compilation of Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon