Bestfriend

40 2 11
                                    

~ Kyla POV ~
~ Lunch Break ~
Finally!!! Lunch break na! Gutom na gutom na ako.
"Ang tagal niyo naman! Gutom na ako." sabi ko.

"Hehehe may hinanap lang ako. Halika na." sagot saakin ni Alex.

Hinatak ni Alex yung kamay ko at pumunta kami ng cafeteria. Pagkadating namin dun, hinanap agad namin yung mga kasama namin.
"Kyla! Alex! Nandito kami!"
Tumingin kami sa babaeng sumigaw. Si Meg.

Lumapit kami ni Alex sa table kung nasaan si Meg at Savea. Iniwan ni Meg yung ID niya sa table para malaman nila na may tao na nakaupo dun. Pumila kami sa pagkuha ng pagkain at ako pa talaga yung hinuli nila sa pila ha! Such Good friends diba! After a few minutes may pumila sa likod ko at nagusap usap sila.

........parang kilala ko yang boses na yan.........si Andy......

Kinalabit ko si Alex na nasa harapan ko at bumulong ako sa kanya.

"Alex, si Andy nasa likod ko. Palit naman tayo ng pwesto oh. Tutal friends naman kayo diba."

Tumango si Alex habang nakangiti. Nagpalit kami ng pwesto ni Alex at narinig ko nag uusap sila Alex.

Si Andy bestfriend ko siya dati.....dati lang. Bakit? Ganito kasi yan.....

~ Flashback: 2 years ago ~
Kasama ko si Andy at Alex at papunta kami sa kung saan kami laging pumupunta kapag lunch break. Nag usap-usap lang kami hanggang matapos yung break. Yung next period namin ay Art at gagawa kami ng iba't ibang klase ng shake!

Habang gumagawa ng shake yung ibang group, nakaupo lang kami nila Alex at Andy sa likod, nag-uusap ulit.
Tumayo si Andy para kumuha ng bagong shake para saaming tatlo. Nung medyo malayo na saamin si Andy biglang nagwala si Alex.

"Hoy! Anong problema mo!" Sabi ko sa kanya.

"Kyla!! May sasabihin ako sayo pero secret lang ha!" Sabi niya. Tumango lang ako tapos lumapit siya sa tenga ko para ako lang ang makakarinig.

"Crush ko si Andy" nanlaki yung mga mata ko at tinignan ko siya.

"Talaga?" Tumango lang siya at pinagpatuloy ang pag hampas sa braso ko.

Hindi ko alam kung ano yung nararamdaman ko. Masaya ako para sakanila, kaso medyo.......masakit..?
Bakit medyo masakit? .......Kasi crush ko si Andy eh. Pero wala na dapat makaalam.

Bumalik na si Andy at binigay saamin ang shake namin. Nakatulala lang ako habang nag-uusap silang dalawa. Sasabihin kaya ni Alex yung feelings niya kay Andy? Kasi ako, wala akong plano sabihin sakanya. Masisira lang friendship namin.

For 2 years, tinago ko yung feelings ko para sakanya. Walang may alam. Ako lang. Last day of school na namin for this year. Binigyan ako ni Andy ng note.

Kyla,
xxxxxxxxxxx, yan yung number ko.
Let's keep in touch.

Tinago ko yung note na yun pero hindi ko sinave number niya.

As expected, hindi na kami classmates ni Andy, pero classmates pa rin kami ni Alex. Nung nagsisimula pa lang yung bagong school year, magkasama pa din kaming tatlo. Pero syempre, dahil hindi na kami magkakaklase, unti unti na kaming hindi nag usap. Hanggang...... hindi na talaga kami nagusap.......parang hindi namin kilala yung isa't isa.......close as strangers.
~ End of Flashback ~

Ok naman na ako. Buti na lang naka move on agad ako. Kasi kung hindi, baka umiiyak ako dahil lang sa isang tao na hindi naman deserving para iyakan ko. Binayaran ko na yung pagkain ko tapos pumunta sa table namin. Naupo na ako sa pwesto ko at sumunod saakin si Alex. Tumingin ako sa kaharap ko at nakita ko si Andy. Ngumiti siya saakin pero kumain na lang ako. (Gutom na kasi ako eh hehehehe😅)

"Guys..... may sasabihin ako sa inyo" sabi ni Alex.

Tumingin saakin si Alex at parang nag aalala siya sa magiging reaction. Ngumiti lang ako sakanya at sinabi...

"Ano yun?"

Huminga ng malalim si Alex at saka tumingin kay Andy habang naka ngiti.
Hinawakan ni Andy ang kamay ni Alex at dun ko na nalaman kung bakit ganon ang tingin saakin ni Alex kanina. Alam kasi ni Alex na naging crush ko si Andy.

"Kami na ni Alex" sabi ni Andy.

Tumingin lang saakin si Alex at bumulong siya ng 'Sorry'. Ngumiti lang ako sa kanya. Nagulat at masaya naman ang naging reaction ni Alex sa sinabi ko.

"Congrats sa inyo. Sana magtagal kayo." sinabi ko habang naka ngiti.

Masaya na ako ngayon kasi masaya na yung mga bestfriend ko. Atleast ako masaya na rin ako kasi......

"Ako din, may boyfriend na. Si Mark"

Buti na lang dumating sa buhay ko si Mark. At naging masaya ulit ako.
 
              ~ The End~
============================
Hay! Buhay pag ibig nga naman oh!
Sana po nagustohan niyo yung story ko. Medyo may inspiration (*ehem *ehem 😂😂) kaya sana nagandahan kayo sa story ko. Sorry kung may wrong spelling. Thanks for reading.
사링해요❤️
- Kim Hyejin💎

BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon