alex pov
"alex, nandito si kyla hinahanap ka", rinig kong sabi ni mommy sa labas ng kwarto ko pero wala akong lakas para sumagot. narinig ko ang pagbukas ng pinto at nakita si kyla saking harapan. "di ka pa daw kumakain ng meryenda sabi ni tita. ito oh dinalhan kita", sabi ni kyla sabay pakita sakin ng isang paper bag ng pagkain.
umupo ako ng maayos at inayos naman ni kyla ang pagkain saking harapan. nakatunganga lang ako sa kabilang diteksyon ng tawagin ni kyla ang aking pangalan para kumain. tinignan ko ang pagkain at naramdaman ang mga luhang tumulo saking mga pisngi.
"huy bakit ka umiiyak?", tanong ni kyla at kumuha ng tissue para punasan ang aking mga luha. "bakit ito pa binili mo", sabi ko sa kanya at tuluyan ng umiyak. ang pagkaing binigay sakin ni kyla ay chocolate chip cookies at may isang baso ng gatas sa tabi.
tinitignan ko pa lang ang pagkain saking harapan ay naiiyak na ako. mahilig kasi kaming kumain ni andy ng cookies. lagi niya din akong binibigyan nito kapag malungkot ako, stressed sa pag aaral, o kaya hindi makatulog sa gabi.
"ha? eh sorry na. di ko naman namalayan", sabi ni kyla at akmang aalisin na ang pagkain saking harap. hinawakan ko ang kamay nya at sinabi "wag. kakainin ko to, nagugutom na ako eh". narinig ko ang mahinang pagtawa ni kyla at nilayo ang kanyang mga kamay sa pagkain.
"ginawa yan ni mark. nakakatulong daw yan pag break up eh. sya sisihin mo wag ako", sabi ni kyla at napatawa naman ako ng kaunti. "di ka pa ba handang sabihin sakin kung anong nangyari?", tanong nya sakin kaya natigilan ako at tumingin sa kanya.
halos dalawang buwan na simula ng hiwalayan ako ni andy. halos dalawanv buwan na din ako nagkulong dito saking kwarto at lumalabas lang para pumasok sa uni. nakikita ko pa din si andy sa school dahil classmates kami kaya hindi madaling maka move on.
nakikita ko din sya kasama ang bago nyang girlfriend. ay medgo matagal na pala sila, pinagsabay kami eh. turns out na si cass and bago nyang jowa, ang babaeng taga bobo department- este biology department. (layo nun sis ha HAHAHA)
"alam mo namang may bago na si andy diba?", tanong ko kay kyla at kita naman ang galit sa kanyang mga mata. "oo, ang gago nya nga eh. kakahiwalay nyo lang tas may bago na? tf?", sabi nya at tinignan ko namana ng kinakain kong cookie.
"pinagsabay nya kami", sabi ko. "ano?", pasigaw na tanong ni kyla. "aba sobrang gago na nun ah! susugurin ko na yun", sabi niya at tumayo na para bang lalabas ng kwarto. hinawakan ko ang kamay nya at sinabi "kumalma ka nga muna".
nag inhale exhale naman sya at sinabing ituloy ko ang aking kwento. kwinento ko sa kanya lahat ng nangyari noong gabing iyon. ung pagtawag ni cass kay andy, ung pag amin ni andy, at ang paghihiwalay naming dalawa.
"di ko alam kung pano ko nagustohan yun, ang gago talaga eh", sabi niya habang iritang irita. tumahimik na lang ako at pinagpatuloy ang pagkain ko. "sorry ah", rinig kong sabi ni kyla. napatingin ako sa kanya at nagtaka.
"bakit ka nag sosorry?", tanong ko sa kanya at huminga naman ito ng malalim na para bang nagpipigil umiyak. "dapat sinabi ko sayo lahat ng napapansin ko noon. ung lagi na lang ikaw ung nagbibigay, lagi syang wala kapag niyayaya namin kayo ng double date, at yung mga mata nyang wala ng pagmamahal".
"siguro kung sinabi ko sayo, baka nagka heads up ka man lang. hindi ung ganito, sobra kang nasaktan", sabi niya at tuluyan ng naluha. hinawakan ko ang kanyang buhok at sinabi, "ano ka ba. napansin ko din yun 'no. talagang pinili ko lang di isipin kasi ayoko. ayokong maniwala na ganito din kami babagsak. niloloko ko ang sarili ko kaya ako din ang may kasalanan".
"taena mo ka wag mong sisihin sarili mo", sabi ni kyla at pinunasan ang kanyang mga luha. natawa namana ko ng konti at sinabi "thank you nga pala. kasi di mo ko iniwan all this time. kahit noon na hindi na kita masyadong nakakasama dahil busy ako kay andy, kahit na nasisigawan na kita dahil wala akong malabasan ng galit, kahit na tuluyan kita tinutulak palayo kasi masyado akong nasaktan ni andy. thank you kasi di ka umalis sa tabi ko".
"nagagalit na nga si mark kasi ako na lang lagi mong kasama. naririnig ko kayo kasi malakas kang bumulong", sabi ko at tumawa naman kaming dalawa. "syempre naman pipiliin kita kaysa kay mark. bestfriend kita eh, jowa ko lang yun. joke haha", sabi ni kyla kaya napangiti ako.
"alam mo namang ayoko nakikita kang malungkot diba? kahit na inaaway kita, mahalaga ka sakin. hayaan mo na yung si andy. ang tanga nya kasi iniwan ka nya na walang ibang ginawa kundi magalin sya. sana iwanan sya nung babae buset sya", gigil na sabi ni kyla.
"hinay hinay lang sis haha", sabi ko at tumawa kaming dalawa. narinig naman namin ang phone ni kyla na nag riring kaya tinignan namin ang tumatawag. "si mark oh", sabi ko pero pinatay nya lang ang phone nya.
"mamaya na sya. nag momomet pa tayo dito eh", sabi ni kyla at humiga saking tabi. "thank you bespren", sabi ko at ngumiti. "anything for you", sabi nya at nag kwentuhan na lang kami for the rest of the day.
sa lahat ng nangyari, masyado kong binigyang pansin ang aking love story at kung pano ako nagkagusto saking bestfriend na si andy. sobrang halaga sakin ni andy at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung mawawala sya sakin.
kaya sobrang saya ko ng maging kami. naging sobrang saya ako na makasama sya ngunit sa huli, sinaktan nya lang din ako. at ngayon na wala na sya, dun ko lang nakita ang lahat. na sa kabila ng lahat ng iyak, tuwa, galit, at lungkot, hindi ako iniwan ng aking bestfriend. at nagpapasalamat ako na magkaroon ng isang kaibigan na katulad nya.
××××
(unedited)
hi okay so tapos na talaga to HAHAHA and isa lang naman nagbabasa nito so i'll leave this message for you yiee chz. so uhm, ik pov mo ung ginamit ko, pero ung dun sa lucky to have a friend chuchu, message ko yun for you hehe. ung mga realizations ni alex, message ko yun for u. so un HAHAHA labyu and wag lang masyadong kiligin chour HAHAHA
- yongheecereal ♡

BINABASA MO ANG
Bestfriend
Cerita PendekMagkaibigan lang tayo.... at alam ko na hanggang dun lang tayo.... - a book for my bestfriend 💕 -