part 2

6 0 0
                                    

alex pov

"ako din may boyfriend na. Si mark", sabi ni kyla at nakita ko ang saya sa kanyang mga mata habang sinasabi nya iyon. "itong mga to! bakit ngayon lang kayo nagsasabi na may mga jowa na pala kayo ha. jusq kayo", sabi ni meg na naging rason ng pagtatawanan namin.

napatingin naman ako kay andy at inisip 'sobrang swerte ko at nagustohan din ako ni andy. hindi ko alam kung sinong gagawin ko kung hindi niya ako tinanggap'. naramdaman siguro ni andy ang pagtitig ko kaya napatingin siya sakin.

"okay ka lang ba? gusto mo ba ng tubig?", tanong ni andy and humindi naman ako. nagpatuloy naman ang aming lunch break na puno ng tawanan at kasiyahan. sana hindi na matapos ang sandaling ito.

--time skip: pagkatapos ng 4 na buwan--

"hoy bilisan nyo at iiwanan namin kayo", rinig kong sigaw ni mark. siya kasi ang magd'drive ng van papuntang pangasinan. nag aya kasi ang mama ni mark na sumama si kyla sa kanilang trip at napagdesisyonan ni kyla na isama na din kaming buong tropa.

buhat ko ang gamit namin ni andy at ipapasok na dapat ito sa van pero ang bigat masyado, hindi ko maiangat. nakita kong dumaan si andy at tinawag sya. "andy! tulungan mo naman akong buhatin to oh", sabi ko at lumapit naman si andy.

napangiti ako ng makitang inangat nya ang kanyang bag. ang lakas lakas nya talaga, kinikilig ako. pero agad itong nawala ng bigla siyang umalis. aba ung bag nya lang ang inangat. "hoy! bakit di mo inangat bag ko?", tanong ko habang naka pout.

"gamit mo yan diba? Di ko naman kasalanan na ang dami mong dinala", mataray nyang sabi at pumasok na sa van. ano kayang problema nun? okay naman sya kanina ah :(( nakita ko namang dumaan si kyla at narinig ang kanyang sinabi.

"pumasok ka na. ako na bahala dito", sabi niya habang nakangiti kaya napangiti na lang din ako. pumasok ako ng van at tumabi kay andy. "naeexcite na akong pumunta dun andy! ikaw? excited ka na din ba?", masaya kong tankng habang nakakapit sa kanyang braso.

narinig ko ang pag 'tsk' nya at tinanggal ang kapit ko sa kanyang braso. "manahimik ka nga", sabi niya at sinuot ang kanyang earphones. napabuntong hininga na lang ako at napatingin sa harapan. sakto namang nakasilip si kyla sa salamin sa gitna at nagka tinginan kami.

"okay ka lang?", bulong nya at tumango na lang ako. kailangan nya lang siguro mapagisa. baka stressed lang sya sa acads. oo tama, yun yung rason. magiging okay din sya kapag nakapag pahangin na sya sa beach.

sinuot ko na lang din ang aking earphones at di katagalan ay nakatulog din.

--sa pangasinan--

"hoy ang ganda dito sa resort nyo mark grabe! huy picturan mo ko dali". natawa ako habang pinapanood si meg na picturan si savea sa may beach. "pumasok na muna tayo sa mga rooms natin guys. tapos pwede na tayo mag swimming", sabi ni kyla at tumango naman kami.

naglalakad sa harap namin ni andy sila kyla at mark at kita ko naman ang pagiging sobrang lapit nila sa isa't isa. sobrang swerte ni kyla at nakahanap siya ng isang katulas ni mark. di lang siya gwapo at mayaman, mabait, matalino, at maginoo din.

napangiti naman ako at tinignan muli si andy. "okay ka na ba?", tanong ko at tumingin naman siya sakin. tumango sya at umiwas muli ng tingin. napangiti ako ng malungkot at binilisan ang aking paglalakad para mas nauuna ako kay andy.

"meg at savea, magkasama kayo sa kwarto. at ung isa namang kwarto ay para sainyo ni andy, alex", sabi ni mark at binigay na ang mga susi ng aming kwarto. pagkadating namin ni andy saming kwarto, binaba ko ang aking bag sa tabi at humiga sa kama.

nakatulala lang ako sa bintana at tinitignan ang magandang view ng beach. ramdam ko ang paglubog ng kama kaya alam ko na agad na nasa tabi ko si andy. "alex, sorry. di ko sinasadyang maging mataray sayo. a-ano... stressed lang ako", rinig kong sabi ni andy.

BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon