Chapter 2

307 12 2
                                    

Dear Ronnie,

I know it is wrong to say please love me again cause I know that you are already happy with her.

Love,
Loisa

She waiting outside the building of abs-cbn. Inaatay niya si Jameson na kinuha ang kotse sa parking. Pauwi na sila. Galing siya sa taping ng commercial niya while Jameson taped for their upcoming movie. Nakagawian na nilang sabay umuwi, Sa unang taon na magkatrabaho sila ay siya ang naghahatid sa dalawa niya ka-love team na si Jameson at Si Mark pero lumipas ang panahon na si Jameson ang naghahatid at nagsusundo sa kanya. Nung unang beses na nagpaalam si Jameson na ligawan siya sa mga magulang niya at hindi niya malaman kung ano ginawa nito at napapayag niya ang mga ito knowing her parents are really strict. Jameson is really close with her parents kaya nga halos sila na ang magkasama lagi-lagi minsan nga ay naiisip niya na pinapamigay na siya ng mga ito kay Jameson.

"Why are you still standing there ? What are you thinking ?"-Jameson asked her. Nakatayo ito sa harap niya habang nakaparada naman ang kotse ng binata sa tapat ng tinatayuan nila.

"Wala lang. I'm tired na eh"-Malumanay niyang sabi dito.

"Let's go home na para makapagpahinga ka na"- Jameson said.

Naglakad sila papunta sa kotse. Binuksan naman ni Jameson ang pintuan sa passenger seat as she mumble thank you to him ngumiti lang ito at pumunta na rin sa pwesto niya. Nagmaneho na ito at siya naman umupo ng tahimik at naalala ang parte ng nakaraan.

(Flashback)

"Ronnie saan ba tayo pupunta ? Diba may taping ka ?"-Tanong niya sa lalaking katabi niya na seryoso sa pagda-drive.

"Basta tsaka wag ka magalala kasi nagpaalam naman ako"-Mahinang sagot niyo.

"Ayaw mo ba makasama boyfriend mo ? Minsan na lang tayo nagkasama tapos parang ayaw mo pa"-Nagtatampo tugon nito sa kanya.

Hindi niya maiwasan na mamula sa sinabi ng nobyo niya. Hindi pa rin kasi siya sanay na boyfriend niya ito kahit tatlong buwan na silang magkarelasyon.

"Gusto kaya kita makasama. Hindi mo alam kung gaano ko kagusto Ronnie"-Mahina niya sambit habang nakayuko dahil baka asarin na naman siya ng nobyo sa sobrang pamumula na mukha niya sa kilig.

Kinuha naman ni Ronnie ang kamay niya na nakahawak sa seatbelt niya, Hinalikan ni Ronnie ang kamay tsaka binababa ang magkahawak na kamay nila sa may binti niya.

"Yun naman pala eh"-Natatawang sambit nito.

"Beh...Nandito na tayo"-Mahinang sabi ni Ronnie sa kanya. Hindi niya na malayan na nakatulog pala siya.

"Sorry"-Nahihiyang sabi niya habang nakayuko.

Tumawa naman ang binata kaya tumingin siya dito. Tumigil ito ng napasin na nakatitig siya dito.

"Okay lang. Alam kong pagod ka din"-Natatawang sabi nito at hinalikan siya sa noo.

"Tara na ! Dapat hindi tayo magsayang ng oras kasi minsan lang kita masosolo"-Nakangiting sabi ni Ronnie sa kanya sabay hila sa kanya palabas ng kotse.

Nakatayo siya sa harap ng taal volcano. Sa may veranda ng isang kapehan kung saan kitang-kita ang bulkan. Umo-order kasi si Ronnie na kape at cake kaya siya ang magiisang nakatingin sa magandang tanawin.

"Sulit talaga pagsisinungaling ko pag ikaw na pinaguusapan"-Bulong nito sa kanya habang yakap-yakap siya.

"Chasing ka talaga ! Backhug pa more tsaka bakit ako ang dinadahilan mo diyan sa pagsisinungaling mo !?"-Pangaasar niya dito.

"Kilig ka naman ? Gusto mo din eh walang pag palag eh."-Natatawang sabi nito sa kanya.

Humarap naman siya dito at tinaasan niya ito ng kilay.

Tumawa si Ronnie at hinawakan ang bewang niya

"Papalag ka ba ?"-Panghahamon ni Ronnie sa kanya. Umiling naman siya.

"Very good baby. Good girl"-Pangaasar nito sa kanya. Hinampas naman niya ito sa dibdib.

"Aba may paghampas ah"-Nagtatampong sabi nito sa kanya.

"Bakit papalag ka ?"-Nakangise tanong niya.

"Hindi po baby"-Mahinahon na sabi ni Ronnie sa kanya.

"Very good"-Natatawang sabi niya sabay talikod at tingin ulit sa bulkan.

Niyakap naman ulit siya ni Ronnie pero mas mahigpit ngayon.

"Paano ka pala pinayagan na umabsent sa taping niyo ?"-Tanong niya.

"Sabi ko may sakit ako"-Natatawang sabi ni Ronnie.

"Baliw"-Mahinang sabi niya.

"Baliw na baliw sayo"-Malambing na sabi nito sa kanya.

Tumawa lang naman siya. Bigla siyang hinarap ni Ronnie kaya ngayon makaharap na sila. Hinawakan ni Ronnie ang magkabilang kamay niya.

"Mahal kita Loisa. Mahal na mahal"-Sambit nito at pinagdikit ang mga noo nila.

"Mahal din kita Ronnie"-Tugon naman niya.

"Saksi ang mga langit, bituin at lalo na ang bulkan na yan sa pagmamahalan natin. Sa susunod na babalik tayo dito kasal na tayo. Papakasalan mo naman ako diba ?"-Tanong nito.

Ngumiti si Loisa

"Oo naman"-Sagot niya na walang alinlangan.

"WALANG BAWIAN YAN ? AKIN KA LANG HUH ? NARINIG MO YUN AKO DAW PAPAKASALAN NG BABAENG MAHAL NA MAHAL KO"-Sigaw ni Ronnie sabay turo pa sa bulkan na akala mo tao yung kausap niya.

Tumawa lang naman siya habang pinapanood ang nobyo na sumasayaw sa saya.

(End of flashback)

"Nandito na tayo "-Masayang sabi ni Jameson sa kanya. Bumababa naman agad ang binata para pagbuksan siya ng pinto. She can't help to feel guilty. Si Jameson ang kasama niya pero si Ronnie ang nasa isip niya.

Naglakad sila hangang makarating sila sa tapat ng gate ni Loisa.

"Good Night"-Ngiting sabi ni Jameson at hinalikan siya sa noo.

"You should go first tapos pag nakapasok ka na dun na ako aalis"-Dagdag ni Jameson.

"Thank you and Good Night"-Ang tanging sabi niya at tumalikod dito.

I'm sorry Jameson, I'm still in love with him.

------*
Ms.Ely

Dear Ronnie,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon