Zombie 5 part 2: Help
Continuation......
Megan's POV
Nang maka hanap na kami ng pwede naming matutulog ay agad kong pinarada ang kotse sa gilid ng kalsada. Mukhang safe dito.
Habang kinukuha ko yung armas ko sa likod ng backseat ay pansin kong pinapanood ako ni Colbie.
"Wow...mga armas mo lahat yan?" hanga nyang sabi. Kunot akong tumingin sa kanya.
"Diba sundalo ka? hindi ka ba makakakita ng mga ganito sa lugar mo?" takang tanong ko. Binuhat ko na yung bag at lumabas na ng kotse. Sumunod naman sya sa akin.
"Naka kita na. But your weapons is different. Nakaka tuwa dahil nakita ko na rin sa personal yung mga gamit ng isang zombie hunter" natutuwa nyang sabi. Mukha tuloy syang nag de-day dream habang sinasabi nya yun. Bakla kaya ito?
Mahina akong natawa at tumingin sa kanya na para bang hindi makapaniwala. "Iba ka rin no? saan mo ba nakuha ang mga salitang yan at bibilhin ko" sarcastic ko'ng sabi sa kanya. Seriously, Zombie hunter ang tawag sa akin? Saan nya yun napulot?
Nang mabuksan namin yung pinto ng bahay ay ako muna ang na unang pumasok.
Nilibot ko yung paningin sa paligid. Hindi masyadong kalakihan ang loob pero ok na din. Nilatag ko yung bag sa carpet floor at nag patuloy sa pag lalakad.
Medyo madilim ang paligid at naka bukas pa yung telebisyon sa sala.
"Pumunta ka sa taas at tingnan mo kung may zombie doon" walang emosyon ko'ng utos sa kanya habang palinga-linga. Hindi na sya nag salita at umakyat na.
Wala akong nakitang bakas na zombies dito sa sala kaya nag patuloy pa ako sa pag lalakad. Huminto ako sa kusina. Naka patay lahat ng ilaw sa loob ng kusina kaya wala akong makita.
Humugot ako ng baril at nag kasa. Masama ang pakiramdam ko dito sa loob ng kusina. Nang mabuksan ko na yung ilaw ay may biglang zombie na papasugod sa harapan ko.
Mabilis kong tinutok yung baril sa zombie at binaril sa ulo. Huminga ako ng malalim at nilapag yung baril sa lamesa.
Lumuhod ako sa gilid ng zombie para pag masdan ang mukha ng zombie.
"Bakit ang pangit mo?" tanong ko sa zombie na ngayon ay basag na ang bungo. Sa sobrang kapangitan ng mukha ay hindi ko na malaman kung naging tao ba o hayup na naging zombie?
May nararamdaman akong presensya sa likuran ko. May zombie sa likuran ko.
Naka talikod akong sinikuhan sya sa sikmura. Mabilis kong kinuha yung baril sa lamesa at mabilis na tinutukan yung nasa likuran ko.
"H-hey it's m-me *cough* *cough* your h-handsome cousin *cough*" umuubong sabi nya habang naka hawak sa sikmura nya. Umikot yung dalawang bilog ng mata ko at binaba yung baril.
"Sa susunod wag kang lalapit sa akin na hindi nag sasalita. Mapagkakamalan kita na zombie sa ginagawa mong yan." walang buhay kong sabi.
"Kapag inulit mo pa yun, baka mapatay kita" ngising sabi ko. Napa lunok sya at umiwas ng tingin. Tumikhim sya bago nag salita.
"Clear yung taas. Wala akong nakitang zombies" tumango lang ako at pagod na umupo sa highstool. Im tired!!
Habang naka upo ako ay lumapit naman sya sa ref at mukhang nag hahanap ng makakain.
"Anong gusto mong pagkain at ipag luluto kita" sabi nya habang nakatingin sa loob ng ref. Ngumisi ako. Kahit papaano may pakinabang din pala ang lalaking to.
"Kahit ano basta pagkain na walang lason" bored kong sagot at pinatong yung ang ulo ko sa lamesa at pumikit.
Narinig ko pang tumawa sya pero hindi ko parin sya tinitignan.
"Coming right up, Madame!!" yeah....yeah *yawn*
****
"Bakit ka palibot-libot sa kalsada? mag pa-pakamatay ka ba or what?" tanong ko sa kanya habang kumakain. Ngumiti sya at umiling.
"No. May binigay kasi sa akin si dad na mission. May pinapahanap kasi sya sa akin na mahalagang tao" pag sagot nya. Tumango-tango ako habang umiinom ng juice.
"Eh sino ba yung pinapahanap ni tito?" tanong ko sabay subo naman ng pagkain.
"Ikaw" bigla akong nabulunan sa naging sagot nya. Kumuha sya ng panibagong juice at binigyan sa akin. Kinuha ko yun at ininom ng mabilis. Nang mahimasmasan ako ay naka kunot yung noo kong tumingin sa kanya.
"What did you say? ako? ako ang pinapahanap nya?" hindi makapaniwala kong sabi. Tumango sya.
"Yes"
"Why? why me?" inis ko'ng tanong sa kanya. Nag buntong hininga sya at seryoso akong tinignan sa mata.
"Because we need your help, Megan. Kailangan ka namin" seryoso nyang sabi na may kasamang nag ma-makaawa. Napa hawak ako sa sintido. Bakit nila kailangan ang tulong ko?
"Paano nyo ko natunton dito? paano nyo nalaman na buhay pa ako? a-at bakit nyo ko kailangan?" sunod-sunod ko'ng tanong sa kanya. Syempre, hindi ba nila na isip nung mag simula ang apocalyopes dito sa Amerika, hindi ba nila naisip na patay na ako?
Huminga sya ng malalim bago mag paliwanag.
"Nung mag start yung apocalypes dito sa Amerika ay nag pakabit na sila dad ng cctv's sa paligid. Minamanmanan namin ang buong paligid ng Amerika. Nag babaka sakaling makahanap pa ng survivor's na lumilibot. Pero iisa lang ang nakita namin. At ikaw yun, Megan"
Wow, all this time kapag pumapatay ako ng mga zombies ay pinapanood pala nila ako? Hindi ko akalain na may nag mamasid pala sa akin.
"Nagulat kami nung makita ka naming pumatay ng mga zombies. Mag isa ka lang pero marami sila. Pero kahit marami sila ay na pa-patumba mo pa rin silang lahat. That's incredible, you know that" paliwanag nya na naka ngiti. Mukhang idol na idol nya nga ako. Pero yung hinahangaan nya ay isang delikadong tao.
"Mahigit isang taon ka na naming hinihanap, Megan. Nahihirapan din kami dahil masyado kang malayo sa safe zone. Kahit delikado ay lumabas ako sa safe zone na mag isa lang, basta mahanap ka lang. Mabuti at nakita na nga kita. Alam kong matutuwa si dad at yung iba pa kapag nalaman nilang nakita na kita" seryoso akong tumingin sa kanya.
"So what are you trying to say? na sasama ako sa inyo para tulungan kayo? ganoon ba?" malamig kong tanong sa kanya.
"Yes and i hope that you will come with me" ani nya. Nag buntong hininga ako.
"And if my answer is no, what will you gonna do?" nawala yung ngiting naka paskil sa labi nya at naging seryoso.
"I have no choice. Wala akong magagawa dahil desisyon mo yun. Pero kapag pumayag ka na sumama sa akin, madali na lang nating maibabalik ang dating bansa, ang maayos na bansa ng Amerika o buong mundo" seryoso nyang sabi. Pagak akong natawa at umiling iling na para bang hindi makapaniwala sa sinabi nya.
"Hindi na maibabalik ang dati. Habang buhay na tayong magiging ganito" ngising sabi ko.
Kumuha ako ng table napkin at pinang punas sa gilid ng labi ko.
"Get ready for tomorrow. Sasama ako sa'yo" sabi ko sa kanya na hindi sya tiningnan. Kita ng pheriperal vision ko yung gulat nyang ekspresyon. Mag sasalita na dapat sya ng tumayo na ako at umalis na ng dining room.
Hindi ko na kailangan pang marinig yung sasabihin nya. Ginagawa ko ito para sa kuya ko. Ito yung pinangako ko sa kanya bago sya mamatay.
"I-iligtas mo y-yung mga.....taong hindi pa n-naapektuhan....ng v-viruz"
Gagawin ko yun, kuya. Pangako.
BINABASA MO ANG
Zombie Hunter: The Safest Place on Earth (COMPLETED)
AdventureEDITED "Usually, people think that I'm a strong person. But behind my strong aura they just don't know how much im in pain and almost damn broken." Hindi nya na alam ang gagawin. Binuhos nya lahat ng galit nya gamit sa pag patay ng mga kakaiban...