Zombie 4

15K 611 54
                                    


Zombie 4: Gift

Megan's POV

Halos dalawang oras akong naka bantay sa bangkay ni kuya. Pero sa dalawang oras na iyon ay hindi ko matingnan yung itsura nya. Ni isang lingon ay hindi ko nagawa dahil hindi ko naman talaga kayang matitigan ang kuya na wala ng buhay.

Gabi na at kailangan ko ng maka uwi sa bahay. Tulala akong pumasok sa kotse. Hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap na nawala na si kuya.

Inis kong sinuntok yung manibela at sumubsob doon. Nararamdaman ko na naman yung masasaganang luha sa sulok ng mata ko. Parang hindi na mauubos yung luha ko. Wala akong tigil sa kakaiyak, kaya namaga yung mata ko.

Bakit pa kasi kailangang mangyari ito? Kung kelan ko sya kailangan ay doon sya mawawala sa buhay ko.

Nang mahimasmasan na ako ay binuhay ko na yung makina ng kotse. Mabuti at marunong na akong mag maneho.

----

Seryoso akong nagmamaneho papunta sa bahay. Hating gabi na pero hindi pa rin ako nakakarating sa bahay. Masyado kasi akong nahirapan na lagpasan yung mga zombies. Pero ang ginagawa ko nalang ay sinasagasaan sila.

Para akong patay na buhay habang nag mamaneho ng kotse. Walang emosyon ang mga mata habang naka tingin sa kalsada.

Hindi man lang ako nakakaramdam ng takot o kaba kapag may zombies na nasa paligid at hinaharang yung kotseng gamit ko.

Trenta minutos na ang nakakalipas ng makarating na ako sa village. Bilang nalang yung mga zombies na nakikita ko kaya madadalian nalang akong  maka pag maneho.

Napa ngiti ako ng malungkot ng matanaw ko na yung bahay. Nang mai-park ko na yung kotse sa gilid ng kalsada ay pumasok na ako sa main door.

Nang maka pasok na ako ay parang may tumusok sa puso ko habang pinagmamasdan ang paligid. Ang tahimik at ang lungkot.

Dati rati, sumasalubong si kuya sa akin sa pintuan kapag umuuwi ako ng hating gabi at sesermunan ako. Ngayon wala na sya.

Nag lakad ako pero agad akong napahinto nung mapadako yung tingin ko sa family picture na naka design sa wall. Picture namin ni kuya kasama sila mama at papa. Bakas yung saya at kislap sa mga mata namin habang may naka paskil na matamis na ngiti sa litrato.

Naka akbay sa akin si kuya habang ako naman ay bibong naka ngiti. Hindi pa kumpleto yung ngipin ko sa litrato at naka tirintas pa ng padalawa yung buhok ko. Habang ang magulang naman namin ay nasa likuran namin ay naka yakap sa amin.

Those picture.... I hope that day will be rewind it pagain and again.

Sana umulit pa yun ng umulit hanggang sa mawalan na ako ng hininga. Mas gugustuhin ko pa ang araw ng kabataan ko kesa sa mga nangyayari ngayon.

Nag simula na akong maglakad papunta sa hagdan pero hindi pa ako nakakatapak sa unang palapag ng hagdan ng bigla kong maalala yung sinabi ni kuya sa akin.

Yung basement.

Agad akong tumakbo papunta sa kwarto ni kuya. Nang maka pasok na ako sa loob ay agad akong lumapit sa side table at nakita ko nga yung susi ng basement. Kinuha ko yun at pumunta naman sa basement.

Nanginginig yung kamay ko habang nakatingin sa pintuan ng basement. Hindi ko alam pero kinakabahan akong buksan ang pinto. Ano ba kasi yung nasa loob nito?

Huminga ako ng malalim at pinasok yung susi sa keyhole. Nang pag bukas ko ay wala akong makita dahil sobrang dilim sa loob. Nang mahanap ko na yung switch ng ilaw para makita ko na yung paligid. Sobrang dilim kasi.

Zombie Hunter: The Safest Place on Earth (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon