Zombie 49

7.7K 222 7
                                    


Zombie 49: Separate

Megan's POV

Nang makalabas ako sa likod ng building ay natanaw ko agad ang magandang dagat. Napakuyom yung kamao ko nung makita ko yung eroplanong papalipad na. Napamura ako at napalinga linga sa paligid para makahanap ng masasakyan.

Napadako yung tingin ko sa helicopter na paandar na rin. Naningkit yung mga mata ko dahil nandoon sila Bianca at Mich. Nag tiim bagang ako at tumakbo papunta sa helicopter.

Nung nasa ere na yung helicopter ay mabilis akong tumalon at inabot yung metal. Mukhang napansin yun nila Bianca dahil sumilip ito. Nanlaki yung mga mata ni Bianca nung makita nya ako.

Tutukan na dapat nya ako ng baril pero mabilis kong sinipa yung baril nya kaya nalaglag iyon sa dagat. Nung tuluyan na akong makapasok ng helicopter ay tinutukan ko sila ng dalawang espada ko.

"Rise your hands, bitches" malamig kong sabi sakanila. Napalunok sila at nanginginig na itinaas yung mga kamay nila.

"Before i kill the both of you, speak about the fucking girl who will getting married to Eren" walang emosyon kong sabi habang nakatutok pa rin sa kanila yung dalawang espada. Wala yung piloto ng helicopter kasi pinatulog ko.

Nangingig pa rin yung katawan ko dahil mas lalong kumikirot yung puson ko. Anak please.

Nag katitigan sila at humalakhak ng malakas na para bang may nakakatawa sa sinabi ko.

"Eh kung sasabihin namin ang tungkol sa babaeng ikakasal kay Eren eh mas magandang patayin mo nalang kami" sabi ni Mich.

"Pero bago mangyari yun, uunahan ka na namin" sambit naman ni Bianca sabay labas ng baril sa likuran nya. Mabilis nyang binaril yung braso ko kaya nabitawan ko yung dalawang espada ko.

Sinakal ako ni Bianca habang si Mich naman ay pumunta sa harapan para mag paandar sa helicopter.

"Hindi ka nababagay para sakanya. Ang bagay sa kanya ay yung bestfriend ko" pag kasabi nya nun ay ininject ako sa leeg. Napadaing ako ng malakas dahil sa sakit ng nararamdaman ko.

Habang may kung ano syang inilalagay sa leeg ko gamit ang injection ay kinapkapan ko yung lapag para hanapin yung katana ko. Nung mahawakan ko na yung espada ko ay agad kong isinaksak sa sikmura ni Bianca. Napasigaw sa sakit si Bianca at napalayo sa akin.

Nakangiwi akong tinanggal yung injection sa gilid ng leeg ko at may nakita akong likidong kulay asul na kumikinang pa. Shit ano yung inilagay nya sa akin?!

Galit akong tumingin kay Bianca na ngayon ay nag hihingalo na.

"I will fucking kill you!!" nanggagaliiti kong sabi at sinaksak ulit sya. Nanlaki yung mga mata nya habang may dumadaloy na dugo sa labi nya. 

Tinanggal ko yung pagkasaksak sa kanya at marahas syang pinugutan ng ulo. Kinuha ko yung katawan at ulo nya at tinapon sa dagat.

Napa upo ako at napahawak sa dibdib ko dahil parang bumibilis yung tibok ng puso ko na kulang nalang ay lumabas na ito. Yung sakit sa puson ko ay parang natabunan ng kung anong pakiramdam.

Mga ilang sandali ay ramdam ko ang pagbabago ng sistema ng katawan ko na para bang mas lalong lumalakas at nagiging agresibo.

Napatingin ako sa dalawang kamay ko at nakita kong nanginginig at may lumalabas na ugat na kulay asul.

Napasigaw ako ng malakas at sinuntok yung bakal. Laking gulat ko na bumakat yung kamao ng kamay ko sa bakal. Nakakapagtaka dahil wala naman akong nararamdaman na sakit sa kamay ko.

Muli akong sumigaw ng malakas dahil sa kakaiba ng nararamdaman ko. Para akong isang taong lobo na gustong gustong pumaslang ng tao.

Gusto kong pumatay! Gustong gusto kong pumatay!!

Napatingin ako sa harapan at nakita ko si Mich na takot na takot habang nag mamaneho. Napangisi ako at kinuha ko yung katana na puno ng talsik ng dugo.

Nang pag kalapit ko kay Mich ay malakas kong inuuntog yung mukha nya sa manibela ng helicopter. Mas lalong lumapad yung ngisi ko nung may makita akong dugo na dumadaloy sa noo nya. Parang mas lalong nagiging agresibo ang katawan ko dahil naka kita ako ng dugo.

"Blood....i want more blood" nakakakilabot kong sabi.

"M-mali...maling c-chemical ang nakalagay sa k-katawan mo" nanghihinang sabi nya. Pero hindi ko na iyon pinansin at walang awang pinugutan sya ng ulo.

Bigla akong napatigil nung maramdaman kong gume-gewang-gewang ang pag lipad ng helicopter. Hinila ko palayo yung katawan ni Mich at ako ang umupo. Hinawakan ko ang manibela pero nung paghawak ko nun ay bigla itong nabali.

Gulat akong binitawan iyon. Napatingin ako sa baba at halos malula ako dahil nasa gitna na pala ako ng dagat. Halos nasa labas na ako ng Philippine area. At ang masaklap pa ay hindi ko na makita yung eroplanong sinasakyan ni Eren. Inis kong sinuntok yung pader at nabutas pa iyon.

Tangna! Ano bang nangyayari sa katawan ko?! Kaylan pa ako nag karon ng ganitong lakas?

Mariin akong napalunok nung marinig ko yung red alarm na nag sasabing papasabog na ang helicopter. Sa sobrang kaba at takot na nararamdaman ko ay hindi na ako nakagalaw pa. Napa pikit nalang ako at hinawakan yung tyan ko.

"Sorry a-anak. Hindi nagtagumpay si mama na iligtas ang papa mo" naiiyak kong bulong kasabay na nun ang pag sabog ng helicopter.

Colbie's POV

"No!!!" napasigaw ako ng malakas nung makita kong sumabog ang helicopter. Papaalisin ko na dapat yung piloto pero agad akong hinila papalayo ng mga sundalo.

"Bitawan nyo ko! Iligtas natin yung kapatid ko!!" naiiyak na sigaw ko. Ramdam ko na nandun si bunso sa helicopter. Hindi pwede. Hindi pwedeng mawala sya!

"Sir hindi po pwedeng mangyari yung sinasabi nyo dahil malayo na po tayo sa Philippine area. Halos nasa silangang Japan na po tayo" saad nung sundalong pumipigil sa akin.

"I don't fucking care! Basta iligtas nyo yung kapatid ko!" sigaw ko pero umiling-iling sila.

"Hindi po talaga pwede. Pasensya na po at kailangan po naming gawin sa inyo to" saad nung isa at tinakpan yung ilong ko. Bigla akong nanghina dahil sa kakaibang amoy ng nalalanghap ko sa pinangtakip sa ilong ko.

Hindi nako nakalaban pa sa mga sundalo dahil binalot na ako ng kadiliman.

Sandy's POV

"Dad papunta na po kami d'yan sa Amerika. Kasama ko na po yung anak mo" nakangiti kong sabi habang pinagmamasdan ko ng tingin si Eren na mahimbing na natutulog.

"Ganun ba? Then i will settle your wedding as soon as possible" masayang sabi ni dad. Lalo akong napangiti sa narinig ko.

"That's good to hear, dad. Alam kong magiging one big happy family tayo ni Eren dyan sa Amerika. Tanging tayo lang" sabi ko at binaba na yung tawag. Ngumiti akong nakapikit at relax na sumandal sa sandalan ng upuan.

Akin ka lang mahal ko. Akin lang si Eren at walang makakapigil sa akin na angkinin sya. Lalong lalo ka na Megan Stainsfield. Talo ka na sa laban hahaha!

Zombie Hunter: The Safest Place on Earth (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon