Chapter 2 D.A. Girl (Dakilang Alalay)

139K 1.4K 111
                                    

Gaya nga ng napag-usapan nila ng binata ay pumunta siya sa likod ng building na 'yon. Wala pa ang mukhang koreanong hilaw kaya't nagdesisyon siyang gawin muna ang kanyang mga assignment. Maya-maya pa ay nagulat na lang siya ng biglang may bumagsak na journal sa kanyang harapan.

"Ay! koreanong hilaw." gulat na sabi ni Lyra.

"Ano?" umarteng hindi narinig ni Richard ang sinabi ni Lyra.

"Ay wala po. Nagulat lang po ako" sabi ni Lyra habang pinipilit pekein ang kanyang ngiti.

"Do my homework." utos ng binata kay Lyra.

Hindi naman agad naka-react si Lyra. Sa loob-loob lang ni Lyra, anong tingin nito sa kanya tiga-gawa ng assignment? Talaga naman palang sukdulan ang kahambugan ng lalaking ito at hindi lang iyon may katamaran pa. Gustong-gusto niyang hiwain ng blade ang maliliit na talukap ng mata para naman lumaki-laki ang mga mata nito.

"You are an Engineering student and a scholar of this school, siguro naman a simple algebra equation won't be that hirap to you" dugtong na wika ni Richard.

"Pero mukhang mas maganda kung tuturuan na lang kita at ikaw ang gagawa, di ba sir?" Para siyang nakikipag-usap sa bata na kailangan pang utuin para lang mapapayag.

"Hindi na. Matutulog ako and gisingin mo ako after you finish it" patuloy pa niya.

Inis na inis si Lyra sa inasal ni Richard

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Inis na inis si Lyra sa inasal ni Richard. Kulang na lang ay idukdok niya ang binata sa isa sa mga desk na naroon pero pinigilan niya ang sarili dahil ayaw na niyang lumaki pa ang gulo. Pero may naisip siyang paraan kung paano makakaganti sa binata.

*Ang akala niya yata ay maiisahan niya ako* sabi ni Lyra sa sarili.

Saktong hihiga pa lamang si Richard sa mga hanay ng upuan nang biglang tinawag ulit siya ni Lyra. "Umm medyo hindi ko maintindihan ang sulat mo. Ano ba 'to, ang pangit. Ikaw ba talaga ang may sulat nito?" reklamo ni Lyra.

"My handwriting skill is the least of your concern. Gawin mo na lang" pagpupumilit na sabi ni Richard.

"Ok sir sabi mo eh"nagpatuloy sa pagsagot si Lyra ng homework ni Richard sa Algebra. *Tingnan na lang natin kung hindi ka makakuha ng itlog bukas* nakangiting sabi ni Lyra sa kanyang sarili.

Sinagutan ni Lyra nang mabilis ang mga tanong, sinigurado niyang mali-mali ang isasagot niya. Siguro naman kung mali ang mga isasagot niya ay titigil na itong magpagawa sa kanya ng assignment.

  Siguro naman kung mali ang mga isasagot niya ay titigil na itong magpagawa sa kanya ng assignment

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
My Chinito (Published by Lifebooks/ Wattpad Presents Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon