Hindi nakasagot si Lyra sa tanong na iyon. Para bang nagdikit ang kanyang mga panga at hindi niya maigalaw iyon. Kahit ang buong katawan niya ay walang kagalaw-galaw.
"Ano na? Silence means YES," dagdag pa ni Richard.
Dinig na dinig ni Lyra ang tunog ng dibdib niya sa sobrang kaba. Mukhang hindi titigil ang binatang ito hangga't hindi siya nakakasagot.
"Basta ako, mahal kita." Biglang sagot ni Richard kay Lyra. Hindi maipaliwanag ni Lyra ang nararamdaman. Hindi niya na rin alam kung ano ang isasagot. Ang dami nang tumatakbo sa isipan niya pero wala siyang masabi. "But I am well aware na ayaw mo pa magboyfriend, So I am willing to wait." Nakangiti pa niyang sabi niya sa dalaga.
"Ayie. Pakipot pa si ate." Tukso ni Botchok na kanina pa pala nakikinig sa kanila.
"Pero naka-reserved ka na sa akin ah! Bawal ka na sa iba." Dugtong pa ni Richard.
"Sabi ko sayo eh, mahal ka ni Ate." Panunukso ulit ni Botchok. Si Lyra naman ay napapikit na lamang.
"Sige na, umuwi ka na. Wala ka na palang kailangan sakin eh." Pilit na itinutulak ni Lyra si Richard palabas ng kanilang bahay. Nang makarating sila sa labas ng bahay ay hinawakan niya sa kamay si Lyra,
"I'll pick you up tomorrow." Sabi nito at tuluyan na ngang umalis. Napailing na lamang si Lyra at pumasok na sa bahay.
"Anak, gising na." Ginigising na siya ng kaniyang Ina.
"Mamaya na po. Maaga pa eh." Saad naman ni Lyra pero hindi siya tinantanan nito.
"Nandyan na ang sundo mo sa baba. Mahiya ka naman." Doon dali-daling napabangon si Lyra, napasapo siya sa noo.
*Si Richard? Tinotoo niya ang sinabi niya?* Sabi nito sa sarili at iniwan na ang higaan. Nagmadali siyang maligo at magsipilyo. Nagbihis na rin siya ng kanyang uniporme at bumaba na.
"Good morning." Bati ni Richard sa kanya pagkababa nito.
"Ah, good morning. Kumain ka na? Bakit mo pa kasi ako sinundo eh." Sabi naman ni Lyra at naghanda ng almusal.
"Yes, kumain na ako. Hintayin na lang kita." Sabi naman nito.
"Ay hindi Sir Richard, kumain ka na dito. Pamilyar naman sa iyo 'yung almusal namin ngayon." Sabat ng kanyang Ina. Natawa si Lyra sa sinabi ng kanyang Ina, 'pamilyar' talaga ang sinabi. Sa huli ay kumain na rin si Richard. Hindi pa naman talaga siya nag-almusal dahil nais niyang maagang sunduin si Lyra ngayon.
"Ate, ang ganda mo ngayon ah." Bati ni Botchok sa kanya pagkababa niya sa kwarto. Sinuri-suri pa nito ang mukha ni Lyra, "Himala. Wala kang muta o panis na laway." Dinuduro-duro pa ni Botchok ang mukha niya,
"Botchok! Nasa harap ng hapag-kainan." Pagsasaway ng kanilang Ina. Nilingon naman ni Botchok ang katabi ni Lyra,
"Kaya pala. Nandito pala ang mahal mo. Kaya ka pala nagpaganda." Sabi niya at kinurot siya ni Lyra sa tagiliran. Ngumisi na lamang si Richard at nag-apir sila ni Botchok.
"Hey, I brought some chocolates." Sabi ni Richard at dali-daling kumuha sa bag nito. Iniabot ito kay Botchok.
"Ate kasi sagutin mo na si Kuya Richard." Pang-aasar pa nito. Napapailing na lamang si Lyra at minadali ang pagkain. Pagkatapos kumain ay lumabas na siya ng bahay,
"Nay, mauna na ho ako." Paalam nito.
"Hoy Lyra! Hintayin mo naman si Sir Richard." Dali-dali namang hinabol ni Richard si Lyra.
BINABASA MO ANG
My Chinito (Published by Lifebooks/ Wattpad Presents Completed)
Teen FictionLyra is a dreamer. As a college student, she is filled with aspirations and desires, determined to make the most of her youth and experience all that life has to offer. One day, she meets Richard, the handsome grandson of the owner of the most pres...