Chapter 1

65 3 3
                                    

Kakagising ko lang. "Goodmorning!" pagbati ko sa sarili ko. Bumangon na ako at inayos ang aking kama, pagkatapos dumeretso agad ako sa cr para maligo. Medyo bangag pa ako dahil hindi pa din ako nakakamove on sa nangyari samin ni Clark kagabi.

Kinuha ko ang cellphone ko para naman may music habang naliligo ako. After kong maligo, nagbihis na ako ng pambahay ko na damit, kasi hindi naman ako aalis.

Then, bumaba na ako para kumain ng breakfast. Nakita ko si mommy and daddy na kumakain na, and already dressed up for work. Ako nanaman magisa maiiwan sa bahay with my yayas. Sumabay na ako sa kanila sa pagkain. Tumabi ako kay mommy. Kinuha ko yung kanin, at tsaka yung plato ng bacon then sinalin ko sa pinggan ko. And then I started eating.

After we eat, umalis na kaagad sila mommy at daddy kasi daw baka malate sila. Umakyat na ako kaagad sa kwarto ko.

I sat on the chair, and opened my laptop. And nilog-in na yung account ko sa Facebook at Twitter. At tsaka inopen ko din yung Youtube para may music, para di din boring.

Kailangan kong sabihin sa bestfriend ko ang nangyari sakin kagabi, I'm sure kikiligin din yun. Siya nga pala si Alexis Dela Torre. My childhood friend. Since we were little kids, magkakilala na talaga kami. Because our dads and moms were like friends. Kaya nagkakilala na kami.

Tiningnan ko kung online siya. And she is.. Kapag sinuswerte ka nga naman ohh. I chatted her.  "Bessy! May kwento ako."

"Ano yun bes? Mukang good mood ka ngayon ah." tanong niya na parang alam niya na agad yung sasahibin ko pero hindi naman.

"Kagabi kasi nakipagbreak na sakin si clark." putol na sagot ko sa kanya. Para naman paintense.

"Yung gag*ng yun? Buti naman at nakipaghiwalay kana, dahil hindi din ako boto sa kanya. Ewan ko nga kubg bakit mo sinagot yun eh." galit niyang sabi. Grabe parang siya yung hiniwalayan, sobrang affected ni gaga. HAHAHA!

"Hays! Ewan ko din kung bakit ko yun sinagot. Hahaha! Pero bayaan mo na. May nahanap na naman agad siya na mas better sakin eh. Kaya diko na siya hahabulin." Sagot ko naman sa kanya. Ang sakit talaga nun. Diko maiwasan maisip pero kailangan kong kalimutan nalang iyon.

"Ano? May bago na agad siya? Kakabreak niyo lang may nahanap na agad siya? O kayo pa, meron na siya ibang nilalandi? Nako te girl, resbak na ba? May back up ako dito. Sabihan mo lang ako." Grabe siya oh. Ayaw paawat ng bestfriend ko. Hahaha!

"Timang! Hayaan mo na. Dun siya masaya eh. Bahala na siya sa buhay niya! Malaki na siya. Baka di pa tuli yun. HAHAHAHAHAHAHA charot!" Biro kong reply sa kaniya. Mas Grabe pala ako. Hahahah!

"Hay nako Danica! Tinamaan ka nanaman ng pagkalibog mo. So, anyways, Wala ka ng ikwekwento na mas mamamangha ako kesa diyan?" Tanong niya sakin. Aba! Meron pa. Hintayin mo.

"Syempre meron. HAHAHAHA kikiligin ka dito promise! Baka di ka lang kiligin, baka ma ihi ka diyan sa kinalalagyan mo ngayon. HAHAHAHAHA joke!" reply ko sa kaniya.

"Go on. Tell me! Kikiligin talaga ako dapat diyan ah? Ayaw ko masira araw ko bes!" Maarte niyang sabi. Ang arte talaga netong kaibigan kong to. Jusko!

"Yes you will! Haha. So eto na nga... *drum rolls please* HAHAHAHA! Ano kasii. Pagkatapos sabihin ni clark yung masasakit na ganun, grabe iyak talaga ako ng iyak. Nagwalk out ako nun, nagpakalayo layo, tapos may nakita akong upuan, dun ako huminto kaso nung pagkaupo ko biglang umulan. Malas diba? Kaso bigla agad binawi yung kamalasan kasii.... May lalaking pinayungan ako, tapos inabot niya yung panyo niya sakin para daw punasan ko yung mga luha ko. Tapos umupo siya sa tabi ko, bigla niya akong kinausap. Sinabihan niya ako ng mga tips para makalimutan ko siya, para mailabas ko lahat ng sakit. Ganon! Ayun. Ang pogi niya te gurl, grabe di ko inexpect yun. Hays!" Kwento ko sa kaniya. Kiligin siya please.

"HUMAGUDNEZZZ! BES!!!! ANO BA YAN?!? BAKIT MO AKO PINAKILIG NA GANITO?? GRABE KA. SABI KO LANG PAKILIGIN MO AKO NG SLIGHT.. HINDI NG GANITO!! RESPETO NAMAN OH. HAHAHAHA CHARUTT. SOOO, ANONG PANGALAN NI MR. PayongxPanyo?? HAHAHAHA" Reply niya agad agad. Yep! Napakilig ko nga siya. Ganyan na ganyan siya kiligin tuwing nagkwekwento ako tungkol samin ni Clark.. Ooops! nevermind.

"Hahahaha! Grabeng kilig yan ah? Anyways, ang pangalan niya is Yuri Bastian Ezekiel Torrez. Ang haba no? Pero Yuri nalang daw ang itawag sa kaniya. Pero trip ko tawagin siyang Ezekiel Huhu!" Saad ko sa kaniya. Oo, mas trip ko siyang tawagin na Ezekiel kesa Yuri. Hahahaha!

Matatawag din kitang Ezekiel, One day! Sana hindi lang sa panaginip kundi sa totoong buhay din.

"Lakas mo mangarap dai. Di pa nga kayo close. Di ka pa nga niya inaadd sa facebook eh. Wag ka muna mangarap diyan uy!" Pang asar na sabi niya sakin.

"Abay grabe ka ah! Hu U ka sakin pag inadd niya na ako. Kala mo ah!" Pang asar din na reply ko.

"Oh well! Goodluck with that beshy! Sige na I have to go, may gagawin pa ako. Pm mo ako pag inadd ka na niya.... HAHAHAHAHAHA loveyouu mwaps!!"

Nagpaalam na siya sakin. May gagawin pa daw siya. As if I know naman na, makikipag date yun sa shota niya. You want to know who? He is Sean Cedric Mendoza. Ayan na ah? Maputi. Singkit. Gwapo. Ex-crush ko din siya dati. But dati na yun!

Pero sana talaga, iadd na ako ni Ezekiel. I mean, ni Yuri. Sana magkachat pa din kami. Sana hindi pa last yung kagabi. Sana hindi puro sana nalang yung sana ko, maging totoo ka din naman minsan.

Nakaramdam na ako ng gutom. It's 1pm in the afternoon na pala, ngayon palang ako kakain ng lunch. So bumaba na ako and hinainan ko na yung sarili ko, nakaserve na yung ulam sa lamesa kaya sumandok na ako ng kanin at ulam then I started eating. Ang sad lang kasi ako lang mag isa sa table. Hays kaso sanay naman na ako kaya okay lang.

After I eat, nilagay ko na yung pinagkainan ko sa lababo tapos umakyat na ako sa kwarto ko.

Kinuha ko yung phone ko, full charge na kasi. I opened my facebook account. Then nakita ko may 1 friend request. Sino kaya yun? Sana siya na please!!

Pagkapindot ko, nakita ko......Siya nga!! The guy last night. Inadd niya na ako sa facebook.

Grabe hindi ko inexpect na ganon ka bilis yun ah? Pero okay na din. Halos mapatalon ako sa kilig nung inadd niya ako. Di talaga ako makapaniwala. Gusto ko tumili kaso baka may makarinig, akalain pa na may ibang tao dito sa kwarto ko.

Agad ko siyang inaccept. And I did the stalking na din. Grabe ang pogi niya. May girlfriend kaya siya? Sana wala.

Ay! Meron. Naka-tag siya sa isa sa mga post ni Yuri. Picture nilang dalawa. Nasa date ata sila neto kasi 1st Monthsary nila. Bat ko alam? Yun nakalagay sa caption eh. "Happy 1st Monthsary Bal! Iloveyousomuch!"

Awwwtsuu!! Ang sweet nila. Inggit ako.

Kinlick ko din yung account nung girl na nakatag sa post ni Yuri. Her name is Nathalia Nicole Sanchez. Kung anong ganda ng pangalan, ganon din ang ganda ng itsura. Grabe walang wala ako. Huhu! Talo na agad ako. Ilong palang wala na. Hays!

Magiging akin ka din, someday! Lakas ko talaga mangarap. Grabe!

Kakatapos ko lang magshower. Off to bed na ako, para matulog. Gusto ko pa sanang buksan yung account ko para tingnan kung online siya, gusto ko kasi siya ichat. Kaso nakakahiya, baka girlfriend pa niya yung makabasa, at akalain pa na I'm flirting with her boyfriend kaya hindi ko nalang tinuloy.

Matutulog na sana ako ng biglang may nagnotif sakin. Agad agad kong kinuha yung cellphone ko, baka kasi nagmessage na siya. Hindi pala. Notification lang pala yun dun sa game na nilalaro ko which is Mobile Legends. Kaya binalik ko nalang yung phone ko sa ilalim ng unan at matutulog nalang ulit.

Kaso bigla ulit tumunog yung cellphone ko, pero this time hindi ko na siya kinuha kasi alam ko namang notification lang naman yung sa game ko eh. Kaya natulog nalang ako.

——————————————————

Hope you like Chapter 1!! :)

Love Square Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon