Chapter 9

24 3 0
                                    

Danica's POV

"Hi Bastian!" Sigaw ko sa kaniya nung papunta na ako malapit sa table niya.

Pagkadating ko doon, tumayo na agad siya. "Tara na?" Aya niya saken.

Anong Tara? Hindi ba magkakape kami? San ako dadalhin neto? Mga tanong na tumakbo agad sa isip ko.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko sa kaniya na mahalong curiousity.

"Umm. Basta doon, sa malayo. Wag dito. Masyadong maingay, at baka may makakita satin." Sagot niya sa tanong ko.

Saan ako dadalhin neto? Baka nakaset-up ako ah!!

"Ah ganon ba? Sige. Tara na!" Sabay ngumiti ako sa kaniya.

At umalis na kami sa table na iyon.

Pinagbuksan niya ako ng pinto.

May pagkagentle man din siyaaa! OMG!! Bat kaya siya nagawang lokohin ni Thalia hays!?

"Thank you!" Sinabi ko sa kaniya, nung nakalabas na ako. Nginitian niya nalang ako.

Nakakainlove yung ngiti niya! Seryoso ako . WAAAH!

Nang makalabas na kami, agad siyang pumara ng Taxi. Parehas kasi kaming walang kotseng dala.

Sumakay na kami sa taxi, parehas kaming nasa likod ng driver nakaupo.

Magkatabi kami. Pinipigil ko yung kilig ko. Baka kasi mahalata niya, at maturn off siya, tas di niya na ako kausapin.

Ganon naman lagi eh.

Tahimik kaming dalawa sa loob ng taxi. Pero binasag niya naman ang katahimikan.

Yuri's POV

"Elisse. Niyaya kita magkape, hindi dahil paguusapan natin yung nangyari samin ni Thalia, kundi niyaya kita dahil gusto kitang makilala ng husto." Basag ko sa katahimikan namin dito sa loob ng taxi.

Sana hindi siya umatras.

Bakas sa mukha niya ang pagkagulat. Dahil siguro, ang alam niya dadamayan niya ako dahil malungkot ako sa nangyari samin ni Thalia. Pero mali siya.

Ano kaya isasagot niya? Kinakabahan ako.

"Ah ganun ba? Akala ko pa naman paguusapan natin yun, pero okay lang naman alam kong private yun at tsaka I want to know you more." Sagot niya at sabay nginitian ako.

Kung nakakamatay lang yung ngiti niya? Sigura kanina pa ako namatay sa harap niya.

Grabe! Ang ganda kasi niya ngumiti. Bagay na bagay sa kaniya.

Buti nalang, at hindi siya umatrsa sa pagkape namin. Excited pa naman ako. Eto na kasi talaga yung chance eh.

"Yun! Buti nalang okay lang sayo." Nginitian ko din siya.

Danica's POV

So, kaya pala niya ako niyaya dahil gusto niya ako makilala ng husto?

Yun din talaga yung gusto ko eh. Diko kailangan malaman yung storya nila ni Thalia no! Pake ko dun sa babaeng yon? HAHAHAHHA.

"Yun! Buti nalang okay lang sayo." Sabay nginitian niya ako.

"POWWWWWTAAAAAA BES HOW TO CHILL?!?!?!" tanong ko sa sarili ko.

Kasi naman, pano ka kakalma kung ngitian ka man daw niya ng ganon? Sinong di kikiligin? Baka kahit Mama ko kiligin e. Char!

"Haha. Okay lang sakin, ano ka ba!" Sagot ko sa kaniya.

Love Square Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon