Chapter 5

32 3 0
                                    

Author's note:

Holaaa ebribadi! This is me. HAHAHAHA. obvious naman. Sorry sa late update. May problema author niyo e.

You know. Love problems ugh! Broken Hearted cii accoe. HAHAHA. Pipilitin ko kayong pakiligin, kahit sawi ako.

Sayang, wala na akong inspirasyon sa pagsulat. Pero nandyan naman kayong mga readers!

So yun. Holaaa 65 readers! Iloveyou all. mwaps x

Tama na drama. Simulan ko na ang Chapter 5.

——————————————————
Danica's POV

OMG! Yan nalang nasabi ko, sa sarili ko pagkatapos ng nangyari.

Nakita ng girlfriend ni Bastian, yung pagshake hands namin. Sana, iexplain ni Bastian yun. Shake hands lang naman talaga yun eh.

Pagkaalis ni Bastian, para sundan yung girlfriend niya, ako naman natulala. Parang hindi kapani-paniwala ang nangyari.

Yung mga tropa ni Bastian, ayun tumatawa.

"Anong nakakatawa?" Tanong ko sakanila.

"Mag bre-break na yung dalawang yun. Mas gusto kasi namin na, maghiwalay na sila." Sagot ni Ian.

Bakit naman? Ang goals kaya nilang magshota.

"Bat naman?!" Tanong ni Eliz.

"Kasi, hindi kami sang ayon sa relasyon niyang dalawang yan. May alam kasi kami, na hindi alam ni Bastian. Niloloko lang siya ni Nathalia. Kung alam niyo lang, two timer si Nathalia." Kwento ni Yohan.

"At tsaka, nilalayo ni Nathalia si Bastian samin. Ayaw ni Nathalia na sumasama si Bastian samin tuwing may gala kami. Ewan ko nga kay Bastian, kung bakit sunod ng sunod yam kay Nathalia eh." Dagdag pa ni Regir.

Wala akong masabi. Blanko ang isipan ko ngayon. Hindi din ako makagalaw sa kinalalagyan ko ngayon.

"Ah! Bakit hindi niyo pa sabihin kay Bastian ang lahat? Alam niyo ba? Parang niloloko niyo na din siya. Kasi sa araw araw na ginawa ng Diyos na magkasama kayo, may nililihim kayo sa kaniya, na dapat malaman niya." Sagot ni Yoshi.

"Tama si Yoshi. Dapat sabihin niyo na sa kaniya hangga't maaga pa. Tara na? Ngayon na natin sabihin. Siguro ngayon din ang itinakdang panahon ng Diyos para malaman niya ang mga dapat niyang malaman." Sabi naman ni Jhoana.

Sang ayon ako sa mga sinasabi ni Jhoana at Yoshi.

Tulala ako at parang wala sa sarili. Hindi ko namamalayan na kanina pa pala sila tawag ng tawag sa pangalan ko. Siguro dahil ito sa nangyari.

"Huy Elisse! Tara na. Sasabihin pa natin kay Bastian yun!" Aya sakin ni Yohan.

"Tara na Elisse!" Aya nilang lahat.

Ako naman, tumayo na sa inuupuan ko at sumama na sa kanila. Hindi ko na nga nakain ang pagkain ko.

Nakita namin si Bastian, naka-upo sa may hagdan. Nagmumukmok. Siguro may napagusapan sila ni Nathalia.

"Tol! Okay ka lang?" Tanong ni Ian.

"Tol. Mukha ba akong okay? Siyempre hindi. Magkaaway kami ni Nathalia." Sagot ni Bastian sa tanong ni Ian.

Yuri's POV

Pagka-alis ko, sinundan ko agad si Nathalia.

"Nathalia! Nathalia! Nicole. Mag-usap naman tayo oh. Pagusapan na natin to." Sigaw ko sa kaniya. Kaso di niya ako pinapansin.

Love Square Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon