Chapter 4

19 2 3
                                    

Philip's POV

Pabalik ako ng classroom dahil nakalimutan ko ang aking notebook.

Nung malapit na ako sa classroom, narinig kong may nagsisigawan.

Tumakbo ako kaagad para tignan kung ano ang nangyayare sa loob.

Pagkabukas ko ng pinto nakita ko si Joy na nakaluhod at may tatlong babaeng sinasaktan siya.

"Prince!"

Halatang halata sakanila ang kanilang pagkagulat.

Hindi na ako umimik at tinapunan ko na lang sila ng masamang tingin.

Pumunta ako kaagad kay at binuhat siya.

"Prince! Ano gagawin mo diyang malanding babae na yan?!"

"Say it again and your out of this school for good."

Nagsmirk na lang ako kasi nakita ko sa mukha niya na nagulat siya.

Ngayon ay buhat buhat ko si Joy papuntang clinic.

Nandito na ako sa clinic at inilagay kaagad si joy sa kama.

"Nurse, treat her wounds immediately."

"Yes, prince."

Nagkamalay na kaagad si joy at lumapit ako sakaniya.

"Philip, a-ano nangyare?"

"Shhh, pagpahinga ka na lang."

Sinabi ko sakaniya para hindi na siya masyadong magsalita.

"Nurse, please leave us alone."

"Yes, prince."

"Prince?"

Joy's POV

"Prince?"

Nasabi ko dahil nagulat akong tawagin siya ng nurse na prince.

"Uhmmmm..."

Halatang kinakabahan siya.

"Sabihin mo na hindi naman ako nangangain."

Tumawa siya at tumawa rrin ako pero yun ay sa saglit na panahon lamang.

Naging seryoso siya ulit at ako ay ganon din.

"They know me as a prince with a monster attitude."

Sinabi niya na ikinagulat ko dahil parang hindi naman totoo yung sinasabi niya.

"I know your confused right now. Pero totoo lahat ng sinasabi ko."

Hindi talaga ako makapaniwala.

"I am Philip De Guzman. The son of the head master of this school. They treat me like a prince."

Shems, hindi parin ako makapaniwala.

"So, your saying na ikaw yung anak ng may ari ng school na ito at tinatrato ka nilang prinsipe??"

Ay, inulit ko lang yung sinabi niya.

"Yes."

Takte, kaya pala ako dinumog ng tatlong babaeng yon.

Dapat pala hindi ako lumapit sakaniya.

"Eh bakit hindi mo sinabi saakin nung una palang?"

"Ayaw ko kasing lumayo ka, pag nalaman mo ang totoo."

Missing piece Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon