Joy's POV
Friday na ngayon. Ang bilis nng panahon noh.
Ang aga kong nagising hindi ko alam kung bakit.
Beep! Beep! ( Sabi ng jeep haha jk. )
May bumusina sa labas pero hindi ko na lang pinansin baka kasi sa kapitbahay bumubusina.
Beep! Beep!
Patuloy paring bumubusina.
Tinignan ko na dahil hindi ko natiis ang ingay kasi.
Pagkatingin ko sa bintana nakita ko sa labas na saamin pala bumubusina at pamilyar yung kotse sa labas.
Bumaba na ako at lumabas.
"Hoy, bakit ka nandito? Ang aga aga eh."
Si Philip lanag pala. Pero bat nandito to?
"Joy, tungkol uhmm... sa ano to. Sa project natin."
Hala, jusq wag mong sabihing...
"Wag mong sabihing hindi mo natapos."
Sana naman hindi.
"Hindi nga..."
Eto na nga sinasabi eh.
"Anubayan, bat hindi mo natapos? Apat na araw yung lumipas oh."
Yan, ginagalit na naman ako.
"I'm sorry pero umalis kami ng tatlong araw, hindi kami umuwi for 3 days."
Kaya pala hindi siya absent ng tatlong araw.
"Eh ano lang nagawa mo?"
"Yung bubong lang."
Jusq, hindi niya nagawa yung second floor.
"Sige, wait ka lang kunin ko lang gamit ko."
Nakaligo at nakabihis na kasi ako kaagad eh.
Eto pala yung dahilan kung bakit ako nagising ng maaga.
Bago pa naman ako nakaalis sa bahay tinext ko sila Ria, DeElle at Nicky.
'Oi mga babae, gising na kayo diba? Meet me sa clubhouse, magdala kayo ng sarili niyong glue gun at glue stick. Wag na kayo magtext kung bakit, basta magdala lang kayo. Ty.'
Ayan yung tinext ko sakanila.
"Philiiiip, punta tayo sa clubhouse. Alam mo naman siguro kung saan yon diba?"
Sinabi ko sakaniya.
"Bakit naman?"
Tanong niya.
"Wag ka nang magtanong diyan, magdrive ka na lang at pumunta tayong
clubhouse."Pumasok na siya sa loob ng kotse at pumasok na rin ako.
Nandito na kami sa clubhouse naghihintay sa tatlong babaeng iyon.
After 30 minutes nakita ko na sila at sabay sabay silang pumunta.
Lumabas ako sa kotse at tinawag sila.
"Mga babae! Halika na bilisan niyo!"
Tumakbo naman sila kaagad papunta sa direksyon namin.
"Sakay na kayo, daliiiii."
Lumipat ako sa harapan para magkasya na sila sa likod.
Nung nakaupo na lahat ay nagdrive na si Philip.