Joy's POV
"Joy! Tignan mo oh may flowers"
Sinabi saakin ni Nicky.
Pumunta naman ako dun sa upuan ko kung saan nakalagay yung flowers.
Mga yellow roses.
"Oi! Joy, meron ring chocolates dito oh!"
Sinabi ni DeElle na naghalungkat sa bag ko.
Toblerone at Kitkat yung mga chocolate. Shemay.
Favorite ko lahat ng mga ito eh.
"Jooooy! Meron ring letter dito oh."
Ang nakalagay sa letter ay
'Happy Birthday Joy! I love you! Please start your day happy with these presents that I've given to you. From your secret admirer.'
Awww, so sweet naman po pala yung taong eto.
Then biglang lumabas si Philip.
Palapit siya ng palapat hanggang sa 1 inch apart ulit.
"Joy."
Ang kamay niya niya nakahawak sa aking mukha at palapit siya ng palapit.
Hanggang naging half inch na lang.
Hanggang sa hahalikan niya na ako.
Pero may tumatawag sa pangalan ko pero hindi ko alam kung saan nanggagaling.
Hanggang sa may liwanag.
"Joy!"
Nagising at napagtanto ko na panaginip lang pala yun.
"Kuya, bakit ano meron? Sabado naman ngayon ehh."
Sinabi ko kasi ang aga aga tas ginising ako.
"May lalaki sa labas. Kaklase mo daw."
Nagulat ako sa sinabi ni kuya.
"Huh?! Ano oras na ba?"
Grabe naman.
"Mag aalas diz na..."
Hala, napabangon ako kaagad.
Tapos tumawa si kuya ng malakas.
"Hoy kuya Gabriel! Anong nakakatawa?!"
Beastmode nako.
"Mag 9-9:30 palang. Meron ka pang 30 minutes para kumain at maligo."
Lumabas siyang tumatawa.
Siya pala si Kuya Gabriel, pinsan ko. Parang kapatid ko na rin.
Since bata pa ako nandyan na siya.
Lumabas na ako sa kwarto at naligo.
Philip's POV
Nandito ako sa tapat ng bahay nila Joy naghihintay.
May lumabas na isang lalaki at pumunta saakin.
Tinignan niya ako ulo hanggang paa.
Parang babae eh.
"So ano kailangan mo sa insan ko?"
Ahhhh so pinsan niyo pala to.
"Susunduin ko lang siya."
Nagtaas siya ng isang kilay.
"Bakit?"
Wow.