Chapter 2

43 2 1
                                    

Rokeus' POV

After Class

Mamaya na yung pagpapakilala ko kase hinahabol ko pa itong butihin kong kaibigan na iniwan agad ako kahit hindi pa tapos ang parusa -,-

"Hoy! Hintayin mo 'ko!"  Sigaw ko sa kanya. Wala akong pake kung pinagtitinginan na kami dito. Wala rin naman silang magagawa eh. Patuloy lang sa paglalakad si Ria (yun ang tawag ko sa kanya) na walang nililingon.

Hindi na bago sakin ang ganitong ugali niya pero may nararamdaman talaga akong kakaiba ngayon eh. Parang may mali. Kahit naman halos wala nang makatarungan sa buhay niya eh iba 'to. Oo. Kilala ko siya. Alam ko kung anong buhay ang ginagalawan niya. Palagi niyang kaharap si kamatayan ngunit parang wala lang ito sa kanya. Cold palagi yung expression niya. Hindi ko pa siya nakitang ngumiti. Nung huli kong nakita yon eh around 12 years ago na ata. 6 years old kami nun nung mawala ang--- teka! Ba't siya na yung pinag uusapan?! Haayyy nakaka stress tologo.

Naputol ang aking malalim na pag iisip nung makita ko si Ria. Kaharap ng nakaluhod na babae. May mantsa ng softdrinks at viand ang damit niya. At isa lang ang naisip ko.

Patay.

Agad akong tumakbo papunta sa kinaroroonan nila. Marami nang nakiusisa. Ang babae ay umiiyak na habang nagsosorry. Tapos si Ria naman ay nakatingin lang sa kanya na parang kahit anong segundo eh mapapatay niya ito. Kaya bago pa niya magawa yon ay pinaalis ko na yung mga chismoso at chismosa.

"Umalis na kayo kung ayaw niyo pang mamatay. Sige na bilis! Oy! Oo kayo! Gusto niyo pang mabuhay? Yun naman pala eh alis!" Pagtataboy ko sa kanila.

Nang mawala na ang mga estupidyante ay agad ko silang nilapitan. Hinawakan ko sa balikat si Ria at sinabing "huwag." Alam ko kasing kayang kaya niyang patayin ang babaeng 'to ng walang alinlangan. Nakita ko naman kumalma siya ng kaunti kaya ginawa ko na yung chance para iligtas ang babae. Oh diba? Superhero of the day 😎 Tenteneneeennn~

Pinatayo ko yung babae at sinabihang umexit na at huwag na huwag nang magpapakita kay ria dagil sigurado akong natatandaan niya ang hitsura nito at hindi imposibleng kumulo na naman ang dugo niya at maghiganti.

Kung normal lang sana ang araw na to eh di sana napigilan pa ni Ria ang kanyang emosyon. Oo nga, hindi niya ginawan ng masama ang babae ngunit ang galit sa mga mata niya ang halatang halata. Sabi ko naman kasi may mali eh T.T

Tinanaw ko paalis yung babae. At nung wala na siya sa paningin ko, Tatalikod na sana ako para harapin si Ria nang..............

0.0

putsa nasan na yun?! Letse naman Ria oh!

Pagpunta ko ng parking lot eh wala na dun yung sasakyan niya. Hindi ko alam kung ilang beses ko nang sinabi ito pero

MAY MALI TALAGA. HINDI SIYA USUALLY GANITO EH. KAHIT COLD YUN, NAGSASALITA NAMAN YON KAHIT PAPANO. Aish -_-

Sinubukan ko siyang tawagan pero hindi siya sumasagot. Kaya nag send nalang ako ng text at nagpatuloy sa loob ng Campus. Wala na rin naman akong magawa. Hindi na yon papasok sa mga subj mamayang hapon. Hayaan na nga lang -,-

Sa naudlot kong pagpapakilala, My name's Rokeus Lenient Fowle. Half Korean, Half Filipino. Singkit ang mata ko at pitch black ang color nito. Matangos ang ilong at manipis ang labi. Straight ang buhok. Kayo na bahala sa imagination niyo basta maganda ako.

Kung nagtataka kayo kung bakit weird yung mga names namin, may meaning yun eh XD tanungin niyo yung magulang namen. May iba kasing nag aakala na lalaki kami (yung hindi pa nakakita sa'min)

We own hotels and malls around the world. Yep, we're rich. But not as rich as the one who just left me seconds ago -,- damn. The money on their bank accounts can support a family for a lifetime already. They almost own every business that has ever existed. Even the one that's so hidden and dangerous. No, not drugs.

Hindi ko namalayan na nasa harap na pala ako ng room namin. Kaya pumasok ako (natural -,-). Nagsasalita na ang prof sa harap nang maupo ako sa silya. Tiningnan niya ako tsaka tinaasan ng kilay. "And what do you think you're doing, Miss Fowle?"

"Sitting down" pabalang na sagot ko. Nako po. Huwag kayong magpuputok ng butsi ngayon at mainit ang ulo ko. Galing oa akong parusa, nai- istress pa ako sa baliw na yon.

Inirapan niya lang ako at nagsulat ng kung ano sa whiteboard habang may sinasabi. "Dukutin ko yang mata mo eh" bulong ko.

Pagkatapos ng klase ay nagmamadali ako.ng tumakbo patungong parking lot. Ngunit habang tumatakbo ako ay may nakabangga sa'ken. -_-

"Dafuq?!" Bulalas ko habang tumatayo at pinagpagan ang damit. Pagtingin ko sa kanya ay nanlaki ang mga mata ko. Familiar siya eh. Familiar siya hindi dahil nakita ko na siya noon kung hindi parang may nakikita ako sa kanya. Yung mga mata niyang expressionless. Parang malulunod ka kasi kasingkulay ng mga ito ang karagatan. Tinapunan lang niya ako ng tingin at nagpatuloy sa paglalakad. Tapos dun ko lang napansin yung kasama niyang naka smirk sa'ken. I was taken aback to reality. Nilingon ko sila nang nakakunot ang noo. Aba'y bastos to ah. Hindi man lang nag sorry.

"MGA WALANG MANNERS!" Sigaw ko sa kanila. Ni hindi man lang sila huminto. Badtrip na badtrip ako hanbang nagmamaneho padtungong mazmorra para Puntahan dun si Ria. Letse! Gwapo sila,oo! Pero nakakainis yung mga mukha nila! Lalo na yung nakangisi? PANGET SHA! ANG KAPAL NG MUKHA! ANONG AKALA NIYA? NA STARSTRUCK AKO? NO WAY HIGH WAY!

Landryia's POV

"Aahh!" Sigaw ng lalaking binubugbog ko ngayon. Ito rin yung lalaking pinadala ko dito sa mazmorra. Itong lugar na ito ay parang dungeon. Kung saan namin itinatago ang mga taong may atraso sa amin. At itong taong to. ISA ITO SA MGA DAHILAN KUNG BAKIT SIYA NAMATAY!

"Sino ka ba talaga?!" Pinilit niyang sumigaw sa akin kahit hinang hina na. Nakasuot ako ng maskara. No one has to know my identity in this kind of world.

"You'll regret knowing me" sabi ko tapos sinuntok siya at nawalan ng malay.

That's My GangsterWhere stories live. Discover now